bc

Lethal Love (R-18)

book_age18+
166
FOLLOW
1K
READ
spy/agent
murder
revenge
love-triangle
sex
kidnap
forced
brave
bxg
detective
like
intro-logo
Blurb

WARNING: THIS STORY CONTAINS GRAPHIC SCENES NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS!

R-18| SPG| Matured Content|

Hindi ko naman inakalang mahuhulog ako sa kanya. Hindi ko naman plinanong mahalin siya pero mapagbiro talaga ang tadahana. Mahal ko ang babaeng pag-aari na ng iba.

Trabaho lang noong una ang importante sa akin ngunit simula ng makilala ko siya, kahit ikamatay ko pa, gagawin ko ang lahat makita lang siyang masaya.

Napakadelikado talaga ng pag-ibig, nakakamatay.

chap-preview
Free preview
Lethal 1
(Paulo) “At the count of three, cover me!” bulong ko sa mouth piece na suot ko. Sumenyas ako kay Justin at tumango naman ito. Si Karlos ay nasa may likod ko habang si Justin ay nasa kabilang bahagi ng wall, sa harapan ko. Narito kami sa isa sa mga kuta ng isa sa pinaka malaking sindikato sa buong bansa. We only have one goal and that is to get the daughter of the Prime Minister of Korea. Dinukot ang anak ng Prime Minister ng bumisita ito sa Malaysia at ayon sa masusing pagiimbestiga, lumalabas na dinala ang anak ng Prime Minister dito sa Pilipinas. This is a top secret mission and also a suicide mission. Ang presidente ng bansa ang kumuha ng aming serbisyo. Hindi pinaalam sa publiko ang pagdukot sa anak ng Prime Minister ng bansang Korea, itinago nila ito ayon na din sa kagustuhan ng mga dumukot at para na din sa kaligtasan ng anak ng Prime Minister. Kinuha ng Presidente ang aming serbisyo dahil na rin nais nitong makuha ang listahan ng mga government officials na may kaugnayan sa napakalaking sindikatong ito. Isasaglit lang namin ito kung sakaling may oras. Isa itong sikreto, gusto kasi nitong malinis ang mga nanunungkulan sa ating bansa. Gusto nitong mabura ang katiwalaan. Hindi sana namin tatanggapin, pero dahil para sa bansa, pumayag si Superior. We moved with the wind. Ang aming mga galaw ay walang nililikhang tunog, ni paghinga ay hindi maririnig. We are trained to be like this, like a shadow. Malakas at matalas ang aming pakiramdam kumpara sa iba. Nang dumaan ang dalawang bantay ay mabilis na pinalo ni Karlos ng baril ang mga ulo nito. Mabilis naman naming sinalo ni Justin ang dalawa bago pa bumagsak ang kanilang mga katawan at makalikha ng ingay. Dahan-dahan, maingat at tahimik naming hinila ang kanilang mga katawan at itinago sa may madilim na parte ng gusali. Pinalanghap din namin sila ng pampatulog upang hindi agad magising. Ang aming mga yabag ay hindi lumilikha ng kahit na anong tunog. Dahan-dahan kaming naglakad sa hallway hawak ang aming mga baril na may silencer. Alerto ang aming katawan, isip at lalo na ang aming mga paningin at pandinig. Hindi biro ang misyon naming ito, higit isang daan ang tauhan ng Lord na narito. Isang maling galaw lang ay maaari kaming mahuli, ang masama, maaari kaming mamatay. Ayon din sa aming source, maraming bihag ang narito, hindi lang namin sigurado kung mga babae o bata. Ang sabi lang naman sa amin ay huwag ng paki-alaman pa iyon, dahil ibang misyon iyon. Ang mahalaga lang ay makuha namin ang anak ng prime minister ng Korea at ang listahan ng mga government official na sangkot sa kanilang grupo. Sa ikalimang palapag pa ang opisina ng kanilang Lord, nasa ikatlong palapag pa lang kami. Mabuti na lang at mga nasa unang palapag ang mga taga bantay at ilang mga tauhan nila. Ang karamihan ay nasa may bodegang malaki na hindi kalayuan dito. “Update?” bulong ko sa aking mouth piece. May mga kasamahan din kasi kaming nasa labas, dalawang-daang metro ang layo mula dito. “Clear” bulong ni Kevin. “Hindi pa kayo napapansin, bilisan niyo lang” pahabol nito. “Got it” mahinang sagot ko. Bago kami lumiko papunta sa may hagdan ay tinignan muna namin kung may mga bantay. Lalakad na sana ako paakyat ng bigla na lang may sumulpot na dalawang tauhan, tapos may mga hawak silang mga kahon. Mabilis kaming pumasok sa pinakamalapit sa aming kwarto. Muntik pa kaming makita dahil naka-locked ang pinto, mabuti na lang mabilis ang kamay ni Justin, nabuksan na agad nito gamit ang pin. Puno ng mga karton ang kwarto at hindi namin alam kung ano ang mga laman noon, pero may hula na ako. Mabilis kaming natago dahil narinig naming binubuksan ang pinto. Pumasok ang dalawang lalaki na may buhat ng karton kanina. Hindi naman sila nagtagal at kumuha lang ng kung anong nasa ibang karton. Nang makaalis sila ay agad naming tinignan kung ano ba ang mga kinuha nila sa mga karton. Positive, ipinagbabawal ngang gamot ang mga iyon gaya ng aking hinala. “Faster, you are running out of time” rinig naming sabi ni Kevin sa aking earpiece. Nagtanguhan kami nila Justin at Karlos bago ipinagpatuloy ang pagpunta sa ikalimang palapag. Nasa ika-apat na palapag na kami ng sabihin ni Kevin na may mga kwarto din dito na kailangan naming tignan kasi baka raw narito ang ibang files or kahit anong importanteng files. Dalawa ang kwarto na sa tingin namin ay imbakan din ng kung anong mga files kaya naman si Karlos at Justin na ang bahala roon at ako naman ay nagpatuloy sa ikalimang palapag. Bago pa ako makatapak sa hagdan ay nakita na ako ng isa sa kanilang mga tauhan. “Sino ka?” tanong nito habang nakatutok sa akin ang kanyang baril. Huli na ng papuputukan ko ito ay na iradio na nito na may nakapasok sa kanilang kuta. “Abort!! Abort!!” sigaw ni Kevin sa aming earpiece. Alerto na din sina Karlos at Justin dahil sa sunod-sunod na putok ng baril. Nang tinanggap namin ang misyon na ito ay alam na namin ang pweding mangyari sa amin. Kapag tumigil kami, maaaring mawalan na kami ng tsansang makaulit na makapasok dito. “Rooftop!” sigaw ni Kevin kaya tumakbo kami pataas. Hindi din naman kami pwedi bumaba dahil maraming kalaban doon. Siguradong haharap kami kay San Pedro kapag nag-kataon. Nakipagpalitan kami ng mga putok ng baril. Tatlo lang kami, ang aming back-up ay dalawang-daang metro ang layo sa amin. Kaunti lang din ang aming bala, hindi sasapat kapag halat sila ay kami ang pinuntirya. “Chopper on the way!” sabi ni Kevin. Dahil sa dami ng parating na kalaban nahiwalay ako kay Justin at Karlos. Sa kanang banda ng hagdan ako at sa kaliwa nagtungo sina Karlos. Paakyat na ako ng hagdan habang nakikinig kay Kevin na kinakausap sina Karlos at Justin at sinasabi kung saan sila magtutungo para makalusot dahil nga hindi sila makakaakyat sa rooftop. Nagulat ako ng biglang may babaeng puno ng dugo ang mukha at halatang hinang-hina. “Tu-tulong! Parang a-awa mo na. Tulungan mo ako, ilayo mo na ako dito. Ayaw ko na!” umiiyak na sabi nito. Bakas ang takot sa buo nitong katawan dahil sa panginginig. Ang masaganang luha nito sa kanyang mga mata na humahalo na sa dugo ay tanda ng kanyang paghihirap sa lugar na ito. Isa ba siyang bihag dito? Anong nangyari sa kanya? Bakit ganun ang itsura niya? Bakit puno siya ng pasa at dugo. Putok din ang labi nito, at may sira ang kanyang kasuotan. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa aking braso kaya naman mabilis ko itong inakay patungo sa itaas. Narinig ko na din kasi ang palapit na mga yabag ng mga kalaban. Ang sinasabi din ni Kevin ay abort mission na dahil masyado silang marami. May tsansa pa naman ako, kami, kaya ko pang magtago at makuha ang files, dahil ayon sa intel nasa kwarto lang naman ito at laging nagagamit kaya hindi naman siguro tagong-tago. “Parang-awa mo na! Ialis mo na ako dito!” pagmamakaawa nito sa akin habang patuloy na umiiyak. Tinignan ko ito bago lumingon sa likod ko. Malapit na sila, naririnig ko na ang kanilang mga yabag. Napatingin ako ulit sa babae ng muntik na itong matumba. “Sh!t!! bahala na!” sabi ko saka ko siya inalalayan at mabilis kaming naglakad paakyat ng rooftop. Agad kong kinalabit ang gatilyo ng baril na hawak ko ng may nakita akong tauhan. Natumba ito ngunit may sumunod pa ulit na nagpaputok patungo sa amin kaya naman mabilis kong itinulak sa may pader ang babae at tinakpan ng aking katawan saka ako nakipagpalitan ng putok. Nang masiguro kong clear na ay agad ko itong iginiya sa rooftop. Mabuti na lang at walang mga tauhan dito, hindi ko nilocked ang pinto dahil paakyat na din naman sina Justin at Karlos. Hawak sa kanang kamay ang aking baril at sa kaliwa ko nama’y akay ang babaeng nanginginig pa din sa takot. Nagulat ako ng mahigpit itong yumakap sa akin habang pababa ang chopper. Mabilis ko siyang iginiya at pinaunang sumakay dahil balak kong bumalik para kina Karlos at Justine pero ayaw nya akong bitawan. “Sumakay ka na, babalikan ko lang ang mga kasama ko” sabi ko sa kanya pero umiling lang ito kaya wala akong nagawa kundi ang pwersahang alisin ang kanyang mga brasong nakapalibot sa beywang ko. Marahil dahil na din sa panghihina ay mabilis lang akong nakawala sa kanyang hawak. Tumakbo ako pabalik loob ng building at agad na sinuyod ng aking mga mata kung nasaan ang dalawa kong kasamahan. Nang makita ko silang patakbo ng gawi ko at mabilis kong pinaputukan ang mga humahabol sa kanila. Malutong na lang akong napapamura ng makitang may tama silang dalawa. Si Justin ay hawak ang kanyang balikat at si Karlos naman ay iika-ika. Akay ni Justine si Karlos gamit ang isa nitong kamay kaya naman agad ankong nagtungo sa likod ng dalawa habang paakyat sa rooftop para na din maprotektahan sila. “Fvck!! Bilis!!” sigaw ko ng mabibigat na yabag na ang papalapit sa amin. Mahigpit kong hinawakan ang aking baril at inihanda ang sarili ng lumabas ang mga lalaking armado. Agad ko silang pinaulanan ng bala bago umakyat sa hagdan at sumunod kina Justine. “s**t!!” napadaing ako ng tinamaan ako sa kaliwa kong paa pero nagpatuloy pa din ako sa pag-akyat dahil kung hindi, hindi ko na psnigurado masisilayan ang araw. Nang makarating ako sa rooftop ay mabilis kong isinarado ang pinto at patakbong lumapit sa chopper. Si Justine at Karlos at nakasakay na. Nakaangat na ang chopper sa lupa at tanging lubid na hagdan na lang ang nakababa. Mabilis akong kumapit doon at pinaputukan ang mga kalaban na kakabukas pa lang ng pinto ng rooftop. Isang beses pa akong napamura ng madaplisan pa ako sa bandang balikat. Kumapit ako ng mabuti kahit medyo makirot ang nadaplisan ng bala. Doon ko ibinuhos ang natitirang lakas habang lumipad na paalis ang aming sinasakyan. Nang makarating kami sa HQ ay agad kaming dinaluhan ng mga doctor na nagtratrabaho dito. May sarili kaming maliit na ospital dahil kailangan iyon gawa nga ng linya ng aming trabaho. Mabilis kong nilapitan ang babaeng wala ng malay at nakahiga na ngayon sa gurney na handa ng itulak ng mga nurses papasok sa loob. Naglakad ako palapit kay Justine at Karlos. “Ayos lang ba kayo?” tanong ko. “Ayos lang, salamat pala” sabi ni Karlos. “Salamat Boss” sabi din ni Justine. “Pagamot muna daw tayo sabi ni Superior bago ang meeting” dagdag pa nito Tumango naman ako at sabay-sabay na kaming nagtungo sa loob para malunasan ang tama ng bala sa katawan namin. Nang nahiga ako sa isa sa mga hospital bed ay napailing na lang si Rona habang kinakalaas ang sinturon ko. “Ako na” sabi ko. Inirapan ako nito at saka tinulak ang aking noo kaya napahiga na naman ako. “Ako na, umayos ka na lang ng higa diya at huwag masyadong gumalaw” masungit na sabi nito. Si Rona ay isa sa mga doctor na nagtra-trabaho dito at siya lagi ang gumagamot sa akin kapag may tama ako ng baril o mga sugat. “Iba talaga masamang damo, ang tagal mamatay” bulong nito pero rinig na rinig ko naman. Iniangat ko ng bahagya ang pwetan ko para maibaba nito ang aking pants. Ganito na ang gawin ko noon, kung isang butas lang naman ng bala, huwag ng guntingin ang pants, sayang naman kaya hinuhubad na lang namin. “Pinaparinggan mo ba ako?” tanong ko sa kanya. “Bakit masamang damo ka ba?!” sagot nito bago diniinan ng kanyang kamay ang tama ng bala sa paa ko. “Fvck!!” mura ko dahil sa kirot. “Umayos ka, pinapatigil ko pa ang pagdudugo habang hindi pa umeepekto ang anesthesia!” parang galit na naman na sabi nito. Hindi ko alam pero simula ng nagtrabaho siya dito at nakilala ko, lagi na lang mainit ang ulo at parang galit kapag ako ang kausap niya. Napapansin ko din na kapag iba naman ay ayos naman ang pakikitungo niya. Unfair! Lagi ko siyang tinatanong kung may nagawa ba akong mali sa kanya pero irap lang ang natatanggap ko. Napangisi ako ng mahuli itong sumulyap sa may p*********i ko. “Eyes on my wound not on my crotch” nakangising sabi ko. Mabilis nitong pinalo ang sugat ko pero hindi ko na gaanong naramdaman dahil umeepekto na ang anesthesia. “Grabe ka talaga sa akin!” sabi ko na ikinairap na naman nito. Ang cute talaga, ang sarap lang asarin, pikon kasi. Ipinikit ko na lang ang aking mga mata habang tinatanggal nito ang bala sa aking binti. Matapos nitong tahiin ang aking sugat ay mabilis na akong tumayo para pumunta sa meeting room. Sanay naman na kami sa tama ng bala at parang wala na lang iyon sa amin, hindi na kailangan i-confine pa o kung ano mang kaartehan. Pagkapasok ko ng meeting room ay naroon na sina Justine at Karlos pati na din ang iba naming kasamahang kasama namin sa aming misyon. Tahimik ang buong kwarto dahil isa ito sa pinakamalaking misyon namin pero hindi namin nagawa ng maayos. Alam naman namin na mahirap talaga ang misyon na ito dahil siguradong patay kami kapag nagkamali. Mabuti na lang at nakaligtas naman kami at muntik lang mamatay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook