DOVE “MALAPIT na ang eleksyon, panigurado marami na naman ang matitigok,” aniya ni D. Kasama ko ngayon sina D, Jenny, Ziena at Bea. Nandito kami ngayon sa isang resto-bar na pag-aari ng mga Geller. “Hindi na bago ‘yan. Asahan na bago maghalalan, may magaganap na m******e,” sagot ko naman. “Yeah. And safe naman si Senator Vernan. Walang lakas ng loob na galawin ang nag-iisang Vernan Walton sa politika,” Nakangising turan ni Ziena. “Siguraduhin lang natin mananalo si Vice President Senior Lorcan Kingston. Kapag iyong kabilang partido mananalo, alam niyo na ang mangyayari,” aniya naman ni Bea. Tapos na ang termino ni President Gabriel Lee, at ang lolo nila Lewis at King ang tatakbo sa pagka-presidente para ipagpatuloy ang mga nasimulan ni President Lee. Suportado kami kay Vice Preside

