DOVE BUMALIK na ulit ako sa Manila. Unang araw na magtatrabaho ako kay Senator Vernan bilang personal bodyguard niya. At alam ko magkikita kami ni Ross. Required na magsuot ng uniform habang nagseserbisyo ako kay senator. Maaga pa lang pumunta na ako sa mansion ng mga Walton. Pagbaba ko sa aking sasakyan, sinalubong naman ako ng mga bodyguards ng senador. “Good morning. I'm Lieutenant Laila Mantala, I'm here for Senator Vernan Walton,” aniya ko naman isa sa mga security. “Goodmorning, Lieutenant. Pasok kayo.” Maya-maya lang pinapasok na rin ko. Sobrang higpit ng securities dito sa mansion. Knowing that, hindi basta-bastang tao ang parents ni Ross. Si Annie Mendez Walton, ay isang retired soldier. Inihatid naman ako ng isa sa mga tao ni senator sa kusina. Naabutan ko ang mga ito nagka

