RV "MARAMING salamat, Senyorito RV sa mga pagkain at gamit pangbukid na binigay niyo. Malaking tulong ito sa amin lahat." Ngumiti naman ako. Masarap sa pakiramdam na nakikita ko na guminhawa ang buhay ng mga taga rito. Lalo na ang mga trabahador ko. "Walang anuman ho. Actually kay daddy galing mga iyan." "Ay masisiguro niyo senyorito na mananalo si Senador Vernan." "Salamat ho sa suporta niyo kay daddy. Babalik ho muna ako sa Manila bukas. Sige ho, mamayang hapon ibibigay ko na ang sahod niyo," agad na rin ako nagpaalam sa mga ito at bumalik sa bahay. Kung ako lang ang masusunod, mas gustuhin ko na manirahan na lang dito sa probinsya. Gusto ko palawakin lalo ang hacienda ko at magkaroon ng trabaho ang mga tao rito. Lalo na ang mga magsasaka. Balak ko rin ipamigay ang trentang ektary

