SAMUELLE "SOBRANG ganda pala dito!" natutuwang sambit ni Louise na pagkarating namin noong nakaraang araw, lumusong na agad ito sa dagat. Huminga naman ako ng malalim at nilanghap ang preskong hangin. Ang sarap sa pakiramdam kapag ganito katahimik at presko ang paligid. Sayang at hindi sumama si mamang. "Sana nandito ang forever more ko! Kahit mangingisda lang siya, okay lang sa akin. Kaysa naman mayaman nga, babaero naman," aniya na nakangisi pa ito sa akin. "Paano kung mahirap pero manloloko rin pala," Taas-kilay na sagot ko naman. "Lulunurin ko talaga siya. Ipakain ko sa pating ang hotsilog niya!" Napangiti naman ako. Hindi talaga nauubusan ng topic ang kaibigan kong ito. Kahit ilang buwan siguro ako dito, hindi ako makaramdam ng inip. Kanina umalis saglit si Bry at pupunta raw

