RHENZ "ALAM mo bakulaw, sagad na sagad na talaga ako sa'yo!" Bulyaw sa akin ni Jenny. "Kasalanan mo kaya! Kung hindi ka ba naman pakialamera!" Naiiritang sagot ko. Naglalakad kami pauwi at nasiraan kami ng sasakyan. Nakipagkita kasi kaming dalawa sa ka-transaction namin sa negosyo. Dapat si Dos ang kasama ko, kaso nasa bakasyon ito kasama ang mag-ina niya. So, si Jenny Rivas ang pumunta para samahan ako. " Gago ang kabit na ito! Sobrang yaman mo, hindi makabili ng sasakyan!" "Damn! Ang ingay mo. Baka Mamaya may mga NPA dito at babarilin tayo!" Mabuti kung nasa highway na kami, nasa liblib pa kami ng lugar. "S-s**t, aso ba yan?!" Tanong ko kay Jenny at agad ako pumunta sa likuran niya. "Saglit, itatanong ko," aniya na nakangisi. " Aw, aw!" Aniya na tumahol pa ito. Jesus! Baliw tala

