SAMUELLE Araw-araw, mukha ni Rhenz ang laging laman sa news. May nagrereklamo na inagaw daw ni Rhenz ang asawa niya. "Good morning po," bati ko sa mga katulong. Mag-isang linggo na ako rito sa mansion ni Rhenz. Alam ng mga katulong na hindi kami magkasama sa iisang silid ng kanilang amo. "Good morning, Ma'am Sammy." "Si Sir Rhenz niyo?" Tanong ko naman. Bago ako papasok sa trabaho, kumakain muna ako ng almusal. "Bababa na po, Ma'am." Hinintay ko muna si Rhenz kumain. "Good morning." Napatingin naman ako sa napakaguwapong impakto nasa harapan ko. Nakasuot ito ng office attire. "Aling Vicky, black coffee please," aniya na hindi man lang tumitingin sa akin. Tumikhim naman ako. "Kahapon may lalaking lumapit SA akin, inagaw mo raw ang asawa niya," diin na saad ko rito. Napatingin n

