HATTIE LOUISE "PAUTANG NGA HO," malapad ang ngiting sabi ko kay Aling Koring. "Kailan ang bayad? Alam mo naman pinapaikot ko lang itong kapital ng paninda ko." Napanguso naman ako. "Aling Koring naman eh. Sa isang linggo ang bayad." Napailing na lang ang matanda. "Ano ang uutangin mo? Bakit tuwing pupunta ka dito, hindi man lang ako nakaranas na bumibili ka. Puro ka utang. Kung hindi ka lang magaling magbayad, hindi kita pautangin!" Ngumiti naman ako. "Salamat ho. Limang kilong bigas at tatlong sardinas lang ho uutangin ko." Pagkabigay ni Aling Koring, umalis na agad ako. Doon na ako dumaan sa likod. Nandito ako ngayon sa Tondo. May pupuntahan lang akong tao rito. "Magandang hapon mga lasinggero!" Bungad na bati ko sa mga lalaking nag-iinuman. "Louise, shot tayo!" Napang

