RHENZ "LOUISE." Nakataas naman ang kilay ng dalaga pagkakita sa akin. Sinamantala ko itong kausapin habang tulog pa si Sammy. "Bumalik ka muna sa Manila. Tagpuin mo muna si Mr. Collins," aniya ko rito. "Panira ka talaga sa bakasyon ko. Gusto ko na magresign!" Nagmamaktol na sagot niya sa akin. "Masarap nga ng buhay mo sa akin. Isa ka rin na budol. May bayad ang bawat utos ko sa'yo." "Alangan. Ang hirap kaya maging sekretarya!" "Haist. Sige na kasi. Alam kong magaling ka pagdating sa business proposal." "Traidurin ka lang ni Mr. Collins. Nakikita ko naman na sumasakay lang din siya sa laro mo, Atticus." Napangisi naman ako. "Alam ko. Pero gusto ko muna makipaglaro sa kan'ya." "Eh 'di ikaw na ang humarap! Kung kailan gusto ko na mag-asawa, panira ka na naman!" "Sa palag

