TPG 3

1234 Words

SAMUELLE LUNA "ANAK, pumunta kanina ang lending, at naniningil na," aniya ni mamang sa akin. Napakamot naman ako sa aking ulo. Ang sahod ko sa hospital, kulang na kulang pa. Isa akong nurse at hindi pa kataasan ang sahod ko. "Dapat sinabi niyo ho, next week na bayaran," pagod na saad ko. Nagkabaon-baon na kami ng utang dahil nga nagkasakit si papang, at kalaunay binawian din ito ng buhay. "Oo sinabi ko naman. Kapag hindi pa tayo makabayad, ipa-barangay na tayo." Napanguso naman ako. "Eh di mabuti, lalo huwag na natin bayaran!" inis na sagot ko naman. Lalo ako tatanda nito sa dami ng utang. Kahit bagong panty at bra hindi pa ako makakabili. "Kumain ka na diyan at ilalako ko lang ang kakanin," aniya ni mamang. "Ingat kayo, mang." Mabuti na lang mabinta ang mga kakanin ni mamang.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD