SAMUELLE LUNA Halos naghalo na ang sipon at luha ko sa sobrang galit sa bwesit na Rhenz na iyon. Kakaumpisa ko lang sa trabaho, tinanggal na agad ako. "Ano ba ang ginawa mo?" tanong naman ni Louise sa akin. "Wala nga! Bwesit na engkanto na iyon!" Panay naman ang tawa ni Louise. "Mabait si Sir Rhenz ah," aniya ni Louise. "Mabait? Mabait ba iyong sinabihan kang "Your fired!", ang gago niya!" "Kakausapin ko si Sir Rhenz, okay? Kapag hindi ka niya tanggapin ulit sa-." "Huwag na! Maghahanap na lang ako ng ibang part time job!" "Sammy naman eh. Mahirap kaya maghanap ng part time job." "Walang mahirap sa taong masipag, Louise!" Singhal ko naman. Hindi ko sinabi kay Louise kung ano ang huling pag-uusap namin ni Rhenz. Ang gago talaga! Patanong-tanong pa kung nagtitinda pa ako ng b

