"Ano ba, Rhenz!" Basta lang niya ako hinila palabas at pilit pinapasakay sa loob ng sasakyan. Nakakunot naman ang noo niya sa akin. "Pinagtitinginan na tayo. Kanina ka pa sigaw ng sigaw!" nairitang saad niya. Nginisahan ko naman ito. Pasimple akong tumingin sa paligid. May kumukuha sa amin ng litrato. "Maawa po kayo! Ayoko po sumama sa inyo!" saad ko naman at kuwaring natatakot. Tingnan ko lang kung hindi masisira ang career niya. "Are you kidding me?!" gigil ba saad niya. "Huwag po! Tulong! Tulungan niyo po ako!" nagsisigaw na saad ko at nagpupumiglas. "Damn, Samuelle!" Napatingin ako sa guwardiya na humagangos palapit sa amin. "May problema ba, Nurse Samuelle?" tanong ng guwardiya. Of course, kilala ako dito sa hospital. Akala ng hinayupak na ito kakampihan siya ng guwardi

