SAMUELLE FIVE million. Hindi ko na kailangan mag-isip ng matagal. After six months, malaya naman ako. Basta ang five million na iyon, gagamitin ko sa pagbili ng bahay at lupa. At Ang sobra, ilalagay ko sa bangko "ANO?!" Gulat na sigaw sa akin ni Louise. Ayoko na mag-inarte pa. Limang milyon, Louise. Mababayaran ko na pati ang lahat ng mga utang ko. "Ay, Gaga ka talaga! Naniniwala ka naman kay Sir Rhenz na hindi niya tapyasin ang tinggil mo!" irap na saad ng kaibigan ko. "Ang bastos mo talaga, Luisita!" inis na hinampas ko ito sa braso. "Hindi ka na bata, Sammy. Ang mga lalaki, may pangangailangan din. Kapag inabutan ng libog si Sir Rhenz, kawawa ang hopia mo!" "Nag-usap na kami. No body contact. Magpakasal lang kami, hanggang six months lang kami magsasama. Magpapakasal lang kam

