Chapter 12
Ellah's POV
At dahil suspendido ako sa chemistry class ng dalawang linggo, nandito ako ngayon sa may field. Nababasa at nagpapalipas ng oras
Sina Eril at Eris ay nasa chemistry kaya nag-iisa ako. Ayaw pa nga sanang pumasok niyong dalawa pero pinilit kong kaya ko naman. Wala naman sigurong aatake sakin dito at bigla nalang akong sasaksakin
Marahas na napabuga ako ng hangin nang maalala ko ang nangyari kagabi
Kung hindi dumating si Hell baka hindi na ako inabot ng kinabukasan. Baka hindi na ako nagbabasa at nabobore ngayon dito
Iyong nangyari kagabi, hindi ako masyadong pinatulog niyon. Dalawang beses na akong nakakita ng patay. Ang isa ay nasaksihan ko ang pagkamatay at ang isa ay hindi
Nakakatakot! Ayoko mang magpadala sa takot pero hindi ko pa rin maiwasan. Sinong hindi matatakot mabuhay sa isang lugar na walang karapatang mabuhay ang duwag? Sinong hindi matatakot sa isang lugar na inakala mong langit pero impyerno pala?
"So you love reading" kunot noong nag-angat ako ng tingin at tiningnan ang nagsalita
Hindi ko makita ang mukha nya dahil nasisilaw ako sa sinag ng araw na nasa likuran nya. Kumurap-kurap ako saka inayos ang suot kong salamin at pinakatitigan ang taong nasa harapan ko
"Labo ka ba?" Sa pangalang pagsasalita nya ay nakilala ko na sya sa pamamagitan ng kanyang boses
Muntik ko nang maibato ang libro ko sa pagmumukha nya kung hindi ko lang naalala na iniligtas ako ng isang kaibigan nya kagabi
"Hey girlfriend, bakit di mo ko pinapansin?" Naupo sya sa tabi ko at ako naman ay ibinalik ang atensyon sa librong hawak ko
Gusto kong ipukpok sa kanya ang librong hawak ko. Hindi naman ako pumayag sa walang kwentang deal na yon ah! Sipain ko kaya ang Harris na to?
"Hoy!" Nawala ang focus ko sa pagbabasa nang sundutin nya ng kanyang hintuturo ang pisngi ko. Argh!
"Bwiset ka! Ano bang kailangan mo?" Inis na tanong ko habang masama ang tingin sa kanya
Ngumisi lang sya saka itinagilid ang ulo at tinitigan ako na parang timang
"Masama bang lapitan ang girlfriend ko?" Nakangisi pa ring tanong nya dahilan para mapairap ako
E hindi nga kasi ako pumayag sa bwiset na deal na yan! Nakakainis naman! Gusto ko ng tahimik na buhay! Argh
"Hindi ako pumayag na maging girlfriend mo!" Nakasimangot na singhal ko sa kanya saka ako nagdadabog na tumayo at nilayasan sya
Bwiset! Sya na nga ang may kasalanan kung bakit suspended kaming pareho tapos mang-iinis pa sya. Argh! Ang sarap nyang tadtarin ng pinong-pino at gawing pataba sa halaman =__=
Lumapit ako sa kabilang bench at tahimik na bumalik sa pagbabasa. Pero hindi pa ako nakakaisang sentence sa binabasa ko ay may tumabi nanaman sa akin at nagsalita, "Anong binabasa mo?"
BWISET!!!!!!
***C H A N G E P O V ***
Blake's POV
Pinanunuod ko lang sina Ellah at Harris magbangayan, kanina lang ang tahimik ng mga yan ah. Anyare?
Nandito nga pala ako sa isang bench hindi kalayuan sa kanila. Tinatamad akong pumasok sa chemistry class kaya tumambay nalang ako. Hindi naman ako gagalitan ng chemistry teacher namin dahil alam ko namang walang dating ang salitang galit sa gwapong mukha ko
"Bwiset ka talaga! Feeling mo naman ang gwapo-gwapo mo! Eh paa ka lang naman ni Luhan!" Singhal ni Ellah kay Harris saka nito pinaghahampas ng libro si Harris
Shit! Ano ba kasing trip ni Harris at gumawa sya ng deal na ganon kay Ellah? Gusto ko talagang kausapin at makabonding ang lunatic na Harris na to kaya lang baka makita kami ni Jasper at pagmulan pa ng away. Hindi maganda ang nangyari sa pagitan ng dalawang lider namin kaya mahirap na gumawa ng hakbang
"Sino naman yung Luhan na yon, sigurado naman akong mas gwapo at manly ako don!" Busangot at mayabang na sagot ni Harris dahilan para mapairap ako sa kawalan
Gwapo daw, maganda ka uy!
"Crush ko na mahilig sa Hello kitty tulad ko!!" Pfffffttttttt muntik na kong matawa ng malakas dahil sa sagot ni Ellah, ibang klase!
"Pfffttttt ahahahahah Hello kitty? Eh bakla pala yon eh" nagtatawang sabi ni Harris kaya sinugod sya ni Ellah at sinabunutan, ayon nahulog tuloy silang dalawa sa damuhan
Napailing nalang ako at napatitig kay Ellah na sinasapak si Harris, tsk!Kawawang boyfriend!
Napatitig ako kay Ellah, nagtataka din ako dyan e, last time i check mukha syang mailap na kuting na takot na takot makisalamuha sa mga nandito,pero tingnan mo nga naman, ang bilis magbago! Ang tapang na ngayon! Mahirap pala makapanuod ng actual crime scene ang mga babae, tumatapang! Tsk tsk
At oo, nakita ko ang nangyari kagabi. Lalapit na sana ako non e, kaso dumating si Hell. Binabantayan ko kasi talaga yung babaeng guro na iyon dahil mukhang marami akong makukuhang impormasyon sa kanya tungkol sa mga bagay bagay na gusto kong malaman, pero pinatay sya ni Hell kaya wala na akong mamanmanan. Hay bwiset!
"Inamong sunog ka! Bat di ka pa nakasama sa pagsabog ng dating Chem.Lab noon, edi sana—"
Napatingin naman ako ngayon kay Eril na nagdadabog na naglalakad habang kasunod si Kaizer na parang timang sa sobrang laki ng ngiti
"—wala ka nang gwapong ex na paglalawayan!" Pagpapatuloy ni Kaizer kaya mabilis na pumihit si Eril at pumunta sa likuran ni Kaizer at agad na tinadyakan si Kaizer, ayon! Subsob sa damo ang gago!
Pasalamat sya sa damuhan sila naglalakad ni Eril. Tsk tsk
Uh! Isa pa pala yan sina Eris at Eril, parang maamong tuta na pumasok dito pero nang makakita ng crime scene at mabroken hearted si Eril kay Kaizer...para nang lobo na anytime ay handang pumatay! Diba, lumevel-up ang tuta, lobo na! Hahahaha
Hmmm ano ba ang bagay kay Ellah?....ayon! Dating pusa....ngayon Tigre na! Wahahahahaha
Naiinip na ko kaya lumingon ako sa tabi ko at....
Napangiwi ako nang makita ko si Josh na nakaupo sa kabilang dulo ng bench na inuupuan ko. May hawak syang lapis at sketch pad at panay ang sulyap sa akin
What the fuck..?
Ayoko munang kausapin at lapitan ang mga miyembro ng scorpion, pero hindi ko pwedeng hindi pansinin ang Josh na to. Malala mantrip ang isang to at sigurado akong kalokohan ang ginagawa nya
"Hoy ano yan?" Namimilog ang mga matang tanong ko
Tumingin sya muli sa akin saka pokerfaced na sumagot, "Papel at lapis. Search mo rin kay pareng google di ako sure e"
Ngumiwi ako at agad na tumayo saka mabilis na lumapit sa kanya, pero bago pa ako makalapit nang tuluyan ay agad syang tumayo saka niyakap ang sketch pad na hawak at sinamaan ako ng tingin
"Umupo ka ulit hindi pa ko tapos!" Nakasimangot na utos nya sakin dahilan para maningkit ang mga mata ko
Lakas nito makautos ah! Sipain ko kaya to? Saksakin ng eyeliner? Ibaon sa lupa o kaya sampalin ng paulit-ulit hanggang sa umimpis ang cheeckbones nya =__=
At dahil gusto kong makita ang pagmumukha ko sa drawing nya, nagtiis akong maupo kahit medyo umiinit na sa pwesto ko hanggang sa matapos sya sa ginagawa nya
"Oh yan tapos na. Bayaran mo ko ng isang libo dyan ha" masamang tingin ang ipinukol ko kay Josh na ngayon ay naglalakad na palayo sa akin bitbit ang sketch pad at lapis nya matapos isaksak sa dibdib ko ang papel na pinagdrawing'an nya
"BWISET KA JOSH CHEN!!" sigaw ko matapos tingnan ang papel na ibinigay nya
Isang stick man na nakaupo at mahaba ang nguso ang nasa drawing. Nakaside view ito at may singkit na mata at nakapilantik ang mga daliri
Argh! Anong palagay nya sakin? Bakla?
Itutuloy...