Chapter 12
Eris's POV
Hindi kami mapakali ni Eril habang hinihintay si Ellah. Gabi na, nandito na kaming dalawa sa dorm at si Ellah ay wala pa rin
Saan ba nagsusuot ang babaeng yon? Tinakasan pa kami. Tsk
"You know what, let's find her" biglang tumayo si Eril saka lumapit sa pinto samantalang nanatili akong nakaupo at nakatingin sa kanya
"Go on, I'll wait here" bored kong sagot saka sumandal at ipinikit ang mga mata
Nag-aalala ako kay Ellah. Sa pwedeng mangyari sa kanya lalo pa't hindi nya alam kung anong klaseng mga demonyo ang nasa lugar na to
Nag-aalala ako, pero hindi makakatulong kung magpapanic ako
"What?" Hindi ko pinansin ang pagtatantrums ni Eril
Masakit ang likod ko. Nangalay ako sa ginawang activity sa PE kanina at tinatamad akong lumabas para hanapin si Ellah
Oo nga pala, suspended ng dalawang linggo ang babaeng yon sa chemistry at pati si Harris. Hindi ko alam kung anong trip ng dalawang yon e. Sa totoo lang, hindi naman nakakatakot sina Harris at ang isa pang grupo, mapanganib lang silang lapitan dahil maraming nagtatangka sa buhay nila at mapanganib din sila, lahat ng kumakalaban sa kanila, hindi nila sinasanto
"I can't believe we're just sitting here while Ellah is missing" napamulat ako at tumingin sa kakambal ko
Lihim akong napangiti. Sa totoo lang, hindi dapat namin pagkatiwalaan si Ellah dahil ang taong pinagkatiwalaan namin noon ay ginago at tinalikuran kami, but Ellah seem so different from everyone, she has this aura na kahit mayabang tingnan ay mamahalin mo pa rin
"Eris.." Napatitig ako kay Eril nang tawagin nya ang pangalan ko. Nanatili lamang akong nakatingin sa kanya at hinintay ang susunod nyang sasabihin, "...Sa tingin mo, anong pakay ni Harris kay Ellah?"
Natigilan ako sa tanong nya. Iniisip ko rin iyang tanong na 'yan. Pero wala akong makuhang sagot. Ang tanging makakasagot lang nyan ay si Harris
Hindi ako nakaimik. Wala akong maisagot at hindi ako makaisip ng posibleng dahilan. Mabait naman kasi talaga sina Harris, i have proven it. Masyado lang talagang nasaktan ni Kaizer si Eril kaya lahat ng mga kaibigan nito ay hindi na pinagkakatiwalaan ng kapatid ko
Iniisip ni Eril na lahat ng ginagawa nina Kaizer at ng mga lalaki ay may hidden agenda, she got hurt kaya hindi ko sya masisisi
Binalot kami ng katahimikan hanggang sa biglang bumukas ang pinto at pumasok si Ellah na tila wala sa sarili. Napatayo si Eril at agad na nilapitan si Ellah. Napatayo din ako pero nanatili ako sa pwesto ko, hindi ako humakbang dahil nakatitig ako sa labas
Medyo malapit ako sa nakabukas na pinto kaya nakita ko kung sino ang dumaan sa likod ni Ellah na nasisiguro kong kasama nya kanina
"You look s**t! Anong nangyari sayo?" Naagaw ni Eril ang atensyon ko at napatitig ako kay Ellah na tulala
Nangunot ang noo ko at muling tumingin sa labas. Tinitigan ko ang nakasarado na ngayong pinto ng kabilang kwarto
Si Hell, sya ang nakita kong pumasok kanina sa kabilang kwarto kasabay ng pagpasok ni Ellah sa kwarto namin. Anong nangyari habang nasa labas sila? Anong ginawa nya kay Ellah?
"Ellah!" tinapik ni Eril ang pisngi ni Ellah at tila natauhan naman ito saka tumingin sa amin
Mabilis syang umiling saka tipid na ngumiti sa amin ng kapatid ko. Muli akong naupo saka humalukipkip. Ayaw nyang sabihin ang nangyari, at dahil ayaw nya, alam kong kaya nya iyon
"I just witnessed a crime, but i'm fine now, someone saved me" umawang ang labi ni Eril sa sinabi ni Ellah na agad tinungo ang sariling silid matapos sabihin iyon
Crime? So Hell did saved her? Wow! Kailangan kong alamin ang dahilan nila, hindi ko palalampasin ang mga napapansin ko sa kanila nitong mga nakaraang araw
*** C H A N G E P O V ***
Someone's POV
"FOCUS!" napaigtad ako dahil sa malakas na sigaw ng superior ko
Nakasuot ako ng puting lab gown at surgical mask, may gloves din akong suot sa aking mga kamay at kaharap ko ang napakaraming test tubes at mga likidong iba't-iba ang kulay
I've been trapped here since he found out about them. He used them against me. Alam nyang hindi ko sila kayang pabayaan kaya ginamit nya ang kahinaan ko para makuha ang gusto nya. Ginagamit nya ako para sa kanyang kabaliwan
Matagal na akong naging isa sa kanyang mga kasangkapan upang mapagtagumpayan ang eksperimentong matagal na nyang gustong mapagtagumpayan. Pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakukuha ng tama ang eksperimento
Gusto nyang maging isang mayamang nilalang na nabubuhay sa mundo. At ang eksperimentong hindi namin magawa ng perpekto ay ang daan upang matupad ang kanyang pangarap
Sa totoo lang pagod na pagod na ako. Hindi lang ako bastang kasangkapan para sa eksperimento. Naging kriminal na rin ako at masamang tao. Kami ng mga kasamahan ko ay kumukuha ng mga estudyante upang gawing test subject
Ayoko na! Hindi ko na kaya. Sobrang sakit na mapalayo sa kanila at hindi ko na rin kaya ang mga kasamaang ginagawa ko. Kung may paraan lang. Kung may ibang paraan lang...
"Laureen" napatingin ako sa lumapit sa akin
Sya si Debi, ang babaeng katulad ko. Isang kasangkapan para sa eksperimento at hindi rin nya gusto ang ginagawa nya tulad ko. Matagal na kaming magkakilala, magkaklase kami noong highschool at kaibigan sya ni Mira
"Ayoko na, Debi" nanghihinang bulong ko saka pinahid ang tumakas na luha mula sa kaliwang mata ko
Nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata at agad nyang hinawakan ang braso ko at marahang pinisil iyon
"Laureen.."
"Hirap na hirap na ko. Hindi ko na kaya!" Halos paos na dugtong ko pa
Sobrang sakit. Nagsakripisyo ako para sa kanila. Tinalikuran ko sila para maging ligtas silang dalawa. Nakipagkasundo ako sa kanya para sa kaligtasan nila na ang kapalit ay ang kalayaan ko at ang dignidad ko
"Laureen, tandaan mong ginawa mo ito para sa kanila. At gagawin mo pa rin ito alang-alang sa kanila. Magtiwala ka lang, Laureen, hindi tayo pababayaan ng Diyos. Magtiwala ka lang" sinserong pahayag nya habang pinipisil ang kamay ko at nakatitig sa mga mata ko
Mariin kong ipinikit ang mga mata ko habang patuloy sa pagtulo ang mga luha ko. Tama! Tama sya! Ginagawa ko ito para sa kanila. At kahit anong mangyari, gagawin ko ang lahat para sa kanila
Hinding-hindi ko hahayaan na mapahamak sila lalo na kung may magagawa naman ako para iligtas sila. Kaya kong magdusa para sa kanila. Kaya kong magtiis para sa kanila. Kaya kong magpaalipin para sa kanila
Ganoon ko sila kamahal. Ganoon ko kamahal sina Eris at Eril.
Itutuloy...