Chapter 11
Ellah's POV
Katatapos lang ng P.E class namin at tinakasan ko sina Eris para tumambay sa rooftop, ayoko pang bumalik sa dorm kaya tatambay muna ako
Hays! Nakakainis naman! Hindi ako makatakas sa lugar na to. Ang taas ng pader na nakaharang at napakahigpit ng guard
Tuloy-tuloy akong naglalakad paakyat sa hagdan patungo sa rooftop, bakit ba tatlong palapag lang ang gusaling ito at hindi nauso ang elevator? Medyo nakakainis din e. Ang sakit na ng hita at binti ko
Patuloy ako sa pag-akyat sa hagdan nang mapatigil ako at agad na nagtago nang makarinig ako ng boses mula sa unahan, nasa ikalawang palapag na ako ng gusali at lumang building ito kaya walang tao, pero bakit may narinig akong nagsalita
"Ikaw ang dahilan kung bakit nagpakamatay ang kaibigan ko, ipinahiya mo sya sa klase kaya sya nabully!" Namilog ang mga mata ko dahil sa narinig ko
Sumilip ako ng kaonti at nakita ko ang isang babaeng guro at isang lalaking estudyante na umiiyak. Darn! Pati mga guro dito, demonyo rin?
"Wala akong pakialam sa kaibigan mo, lubayan mo ako kung ayaw mong sumunod sa kanya" nangilabot ako dahil sa nakakatakot na sagot at boses ng babaeng guro
Bakit ganoon? Dapat ang guro ang nagtatanggol sa mga estudyante. Dapat sila ang gumagabay sa amin. Pero bakit hindi? Bakit sila pa ang naglalagay sa mga estudyante sa kapahamakan?
"Bakit? Ipapahiya mo rin ako? O baka papatayin mo ako. Sige, gawin mo na. Walang tao dito, walang makakakita. Saka kahit naman may makakita ay wala naman silang pakialam. Kahit nga harap-harapan pang makipagpatayan sa lugar na ito walang makikialam e. Go on! Patayin mo ko! Patayin mo ko!" Ikinuyom ko ang kamao ko dahil sa mga narinig ko
Umiiyak ang estudyanteng lalaki at awang-awa ako sa kanya. Ang babaeng guro naman ay masama ang tingin dito at hindi nagsasalita
Gusto kong lumapit. Gusto kong tulungan ang estudyante. Pero baka madamay ako. Baka pati ako ay mamatay ng walang kalaban-laban
"Gawin mo na! Patayin mo ko! Saksakin mo ko!" Nagulat ako nang may ilabas na patalim ang lalaking estudyante saka lumuhod sa harap ng guro at inilagay sa kamay nito ang patalim
Pigil hininga kong pinanuod ang nangyayari habang lihim na ipinagdadasal na sana ay may dumating o kaya naman ay magawa kong igalaw ang naninigas kong mga binti upang tumakbo doon at tulungan ang estudyante
Anong gagawin ko? Bakit hindi aki makagalaw? Bakit hindi ko sya matulungan?
"GAWIN MO NA—ARGH!" malakas na napasinghap ako at agad na napaatras nang maagaw ng ingay na nalikha ko ang atensyon ng babaeng guro
Namimilog ang mga mata ko habang nanginginig ang labi at nakatakip sa aking bibig ang aking dalawang palad
Nakatingin sa akin ang babaeng guro at walang emosyon ang mga mata nya. Nakakatakot sya! Sobrang nakakatakot
Tumulo ang luha ko nang bumagsak ang katawan ng lalaking estudyante na kanina't nakaluhod sa harap ng guro
Nang sumigaw ang lalaki ay walang pag-aalinlangan na itinarak ng guro ang hawak na patalim sa leeg ng estudyante dahilan para sumirit ang dugo doon at agad nangisay ang lalaki hanggang sa walang buhay itong bumagsak sa sahig
Nagsimula akong umatras nang mabilis na lumapit sa akin ang guro. Hawak nya pa rin ang patalim na nababalot ng dugo at matalim ang tingin nya sa akin habang patuloy sa pag-agos ang luha ko
"D-Demonyo ka!" Humihikbing sambit ko hanggang sa mapasandal ako sa railings ng hagdanan
I'm trap! Kung hindi nya ako sasaksakin, siguradong ihuhulog nya ko at agad na magkakabali-bali ang buto ko at agad na mamamatay
No
"Alam ko, hija" mahigpit na napahawak ako sa railings dahil sa panginginig ng tuhod
Nanlalambot ako at pakiramdam ko ay babagsak ako anumang oras. Nakakatakot ang tingin nya. Nakakakilabot ang ngisi nya
Nakikita ko sa kanyang mga mata ang imahe ng isang demonyo na anumang oras ay papatayin ako ng walang pag-aalinlangan
G-God! Please send someone to save me
Hindi ko kaya to. Matapang ako pero hindi ko alam kung magagawa kong lumaban lalo pa't pinaghihinaan ako ng loob. Nakita ko mismo sa dalawang mata ko kung gaano kademonyo ang nasa harap ko ngayon. Hindi ko kayang maging matapang sa ganitong sitwasyon
"Paano mo gustong mamatay?" Nahigit ko ang paghinga ko at tila dumoble ang panginginig ng aking labi at tuhod dahil sa sinabi nya
Gosh Ellah, get a grip and fight for your life!
Pinipilit kong labanan ang takot na nararamdaman ko pero walang nangyayari. Hindi ako makakaligtas kung patuloy akong iiyak at matatakot, hindi ako ililigtas ng kaduwagan ki
Katulad ng narinig kong sinabi ng estudyante kanina, kahit patayin ako ng demonyong ito sa harap ng maraming estudyante, walang tutulong sa akin. Tanging ako lamang ang makakapagligtas sa sarili ko. Kailangan kong maging matapag. Kailangan kong lumaban
Tumigil ang pag tulo ng luha ko. Nabawasan ang panginginig ng tuhod ko at umawang ang labi ko upang magsalita ngunit walang lumabas ni isang salita mula sa bibig ko
B-Bakit?
"You're scared eh? Why is that? Am i scary? Am i ugly?" Tanong nya habang kunot na kunot ang noo
Mula sa aking likuran ay ikinuyom ko ang kamao ko. Isang baliw? Baliw ba sya? Paanong...
"ANSWER ME!" Napaigtad ako sa gulat nang dumagundong malakas nyang sigaw at umambang sasaksakin ako habang namimilog ang mga matang nakatingin sa akin
Isa nga syang baliw. Kaya ba napakadali para sa kanya na pumatay?
"ANSWER ME! I'M GOING CRAZY. DARN. PANGET BA AKO? BAKIT KA NATATAKOT SAKIN?" Napaigtad ako muli at muling nanginig sa takot
Wala akong pagkakataon na makatakbo dahil nakaharang sya sa hagdanan patungo sa ibaba. Kung tatakbo naman ako sa itaas, matatrap ako lalo at walang pag-asang makalabas ako ng gusaling ito ng buhay
"MAGANDA AKO DIBA? MAGANDA AKO KAYA BAKIT KA NATATAKOT SAKIN? BAKIT?!!" humagulhol ako ng tuluyan nang hawakan nya ang pulsuhan ko at mariin iyong pinisil
"SUMAGOT KA!"
"AAAHHH" malakas na sigaw ang pinakawalan ko nang itaas nya ang hawak na patalim at umambang isasaksak sa akin
Pero bago pa man nya maitarak sa dibdib ko ang patalim, marahas syang tumalsik at malakas na tumama ang ulo nya sa simentong pader na naging sanhi ng mabilis nyang pagkamatay habang mulat na mulat ang mga mata
Hindi ko nagawang makakibo habang nanghihinang napatitig sa nakikita ko
Umagos ang dugo mula sa kanyang ulo at nanghihinang napaupo ako sa baitang ng hagdan saka dahan-dahang nilingon ang lalaking tumulak ng malakas sa gurong nagtangka sa aking buhay
Mataman syang nakatitig sa mga mata ko at wala akong nasasalaming emosyon sa kanyang mga mata
God heard me. He saved me. He saved me but he killed her
"W-why?" Halos paos na tanong ko habang nakatitig sa kanyang mga mata
Marami akong gustong itanong. Bakit sya nandito? Bakit nya ako iniligtas? At higit sa lahat, bakit sya pumatay?
Sa ginawa nya, napatunayan ko lang na demonyo rin sya katulad ng naririnig ko at katulad ng gurong nagtangka sa buhay ko
"H-Hell, y-you're heartless"
Itutuloy...