Chapter 10
Ellah's POV
Sinapak ko ang damuho.
"What the...sakit nun ahh! Bat mo ko sinapak?" Hawak ang pisnging tanong sakin ni Harris habang ang mga mata nya ay tila nag-aapoy habang nakatingin sa akin
Psh. Kung kanina kinikilabutan ako sa masamang tingin nya, ngayon hindi na. Naiinis ako! Sobrang naiinis!
Inirapan ko lang sya, shonga naman kasi! Ayon na eh! Nakahuli na kami ng palaka binitawan pa, kesyo kadiri daw! Duhh
"Pano yan, hahanap nanaman tayo ng iba, baka mamaya tapos na ang mga kasama natin tayo wala pang nasisimulan, ni hindi pa nga tayo nakakahuli ng palaka" i exclaimed while hitting his arm in annoyance
Pinakawalan pa kasi! Hawak na nya binitawan pa. Ang arte-arte ng lalaking to
"Chansing ka lang eh" sabi nya at hinawakan ang kamay ko, kapal ng mukha ng lalakeng usa na to!
Hinila ko ang kamay ko mula sa kanya saka sya tinalikuran. Napansin kong naglalakad na si Eril pabalik sa lab habang hawak ang isang plastic kung saan may nakasilid na palaka
Argh! Nakakainis ang baklang partner ko!
"Tara na, hanap tayo ng bago" hinawakan nya ang kamay ko at hinila ako...nanaman
Pansin ko lang.....kanina nya hinahawakan ang kamay ko. Akala ko ba deadly ang lalaking to? Bakit kabaliktaran ang nakikita ko? O baka naman trick nya lang to para madaling makapang biktima
Teka, e wala naman syang makukuha kung papatayin nya ko, diba? Baka friendly talaga tong isang to
Maya-maya ay napatigil kami nang masalubong namin si Sean Oh, remember him? Yung member ng venomous na tinitigan ako dati
Nakakakilabot pa rin ang aura nya
Nakatingin sya samin wearing his poker face expression, maya-maya ibinaba nya ang tingin nya sa kamay namin ni Harris na magkahawak
Damn, baka anong isipin ng monster na to, hinila ko ang kamay ko mula kay Harris pero hinigpitan lang nito ang pagkakahawak nya sakin, tang'na!
"Excuse us bro, may date pa kami" agad na pumihit ang ulo ko papunta sa lalaking nasa tabi ko, pinagsasabi neto?
Pinanlakihan ko sya ng mata pero kinindatan nya lang ako naikinangiwi ko
"Tsk" Sean. 'Yon lang at umirap sya samin ni Harris bago lumampas samin, binangga pa nya ang braso ni Harris, pero dahil siraulo ata ang isang to hinarang nya ang paa nya kaya muntik nang sumubsob si Sean sa lupa
"Oppppssss di ko sinasadya" sabi ni Harris saka ako hinila palayo kay Sean na malapit nang magtransform into a handsome monster
"Siraulo ka ba? Bat mo ginawa yon?Akala ko ba hindi maganda ang nangyayari sa pagitan ng gang nyo, pano kung gumanti yon?" Inis kong tanong sa lalakeng ngisi lang ang sinagot sakin
Wala ba tong ibang alam gawin kundi ngumisi? Psh
"You sounded like a worried girlfriend" pang-aasar nya
Inirapan ko sya, ang lupit ng utak neto, ang layo ng abot!
"What made you think of that? Of course I'm worried but not as a girlfriend, dafuq! Di kita gusto, I'm worried dahil baka ako ang gantihan nya" sagot ko na ikinatawa nya, ano bang nakakatawa?
Napupuno na ko sa lalaking to!
"Dont worry, i will never let him hurt you, Love, lets go! Hahanap pa tayo ng anak natin" hinila nanaman nya ko pero bago pa sya makahakbang sinapok ko na sya
"Namo! Ikaw lang ang may anak na palaka!!" galit kong singhal saka naunang maglakad, tss gago!
"Hahahahahahah" tawang-tawa sya sa sinabi ko, mabulunan sana sya ng sarili nyang laway
Pagkatapos ng activity na to, promise! Hindi ko na hahayaan pang makasalamuha ang gagong to. Deadly nga sya, mamamatay ako sa pambubwiset nya sakin
—
"Anong ginagawa mo? Okay na yan eh, bakit mo pa dinagdagan?" Inis na tanong ko sa bwiset kong partner
Pano ba naman, dinagdagan pa nung liquid—na kulay blue na hindi ko alam ang tawag—ang ginawa namin, ayos na nga eh! Kumpleto na, tama yung steps at procedure na ginawa namin, naku talagang—Pag kami bumagsak sa activity, kakalbuhin ko ang usang to!
Wala akong pakialam kung myembro sya ng venomous!
"Okay lang yan, ang goal natin ay palakihin ang palaka within 3 to 5 minutes right? Pero dahil dinagdagan ko pa, siguro within 2 minutes malaki na sya" confident na sagot nya, tinitigan ko lang sya kaya tinaasan nya ko ng kilay
Tss
"At kung mali ang ginawa mo?" taas kilay kong tanong
Hinawakan nya ang baba nya na parang nag-iisip
"Aha! So my punishment is....i will be your boyfriend for 1 month" i frowned because of his stupid answer, hindi na talaga sya kaya ng gamot.
Boyfriend ko? What the hell? Ang childish nya
"At pano naging punishment yon sayo aber? What are you trying to point out?" nameywang ako sa harap nya habang nakataas ang kilay
"1 month akong magtitiis sa isang mataray, masungit, bansot, tbachoy at flat chested na....IKAW" parang umusok ang ilong ko at kumulo ang dugo ko sa sinabi nya
Tanggap ko ang masungit, mataray at bansot. Pero ang tabachoy at flatchested? Hinayupak na lalake to
Sinabunutan ko sya at dahil sa matangkad sya nakayuko sya habang panay ang 'aray'
"Aray Ellah! Bitaw! Masakit, s**t ang anit ko, damn my hair, isang oras kong sinuklay yan, Ellah bitaw na! Maawa ka sa mga fangirls ko, maluluksa sila pag nakalbo ako, aww!" panay ang reklamo nya at pilit hinihila ang kamay ko paalis sa buhok nya
"Bwiset ka! Alam mo natatakot sana ako sayo eh, kasi kasama ka sa grupo ng mga kinatatakutan ko pero dahil isa kang siraulo hindi ko mahanap ang takot na dapat maramdaman ko, kundi inis!"gigil kong sabi, bwiset na usang mukhang babae to!
"TABI NGA! CHEM.LAB TO,WAG KAYONG MAGLANDIAN DITO!" napabitaw ako sa buhok ni Harris dahil sa gulat,dumaan sa gitna namin si Chase Park na nakakunot ang noo at masama ang tingin saming dalawa ni Harris
Nagtinginan kami ni Harris pag-alis nya, nakakunot ang noo ko habang si Harris ay nakahawak sa buhok nya at nakangising umiiling habang nakatingin kay Chase
Medyo nailang naman ako dahil pakiramdam ko may nakantingin sakin, inilibot ko ang paningin ko at nakita ang tila nag-aapoy na mata ni Hell habang nakatingin sakin
Oh God! What did i do? Bakit kanina pa ko pinauulanan ng masasamang tingin? Si Sean, si Chase and now si Hell!!
Hindi na ko umimik at kinuha nalang ang test tube saka inilagay sa syringe at itinurok sa palaka, hinawakan naman ito ni Harris
Matapos kong iturok, pinagmasdan namin ang palaka
1 minute...
2 minutes...
3 minutes..
4 minutes..
5 minutes.. hanggang sa 8 minutes na wala pa rin nangyayari
Tiningnan ko si Harris, nag kibit-balikat sya at nagkamot sa batok
We failed the activity! Argh! Bwiset!
Napatingin ako sa kanya ng sikuhin nya ko at nginuso ang palaka, tiningnan ko ito at....
Anong nangyayari?
Waaahhhhh lumalaki sya!!!!
"Waaaahhhhhhh ang galing!!! We did it!! We did it!" nagtatalon kami pareho habang magkahawak ang kamay at umiikot-ikot
"Perfect Mr. Lu and Ms. Li" nakangiting sabi ni miss, ngumiti kami pareho pero napatalon kami nang biglang...
.........Sumabog ang patuloy na lumalaking palaka at nagtalsikan lahat sa mukha ni miss ang lamang loob nito!
Nagulat kami ni Harris. Patay!
"MR.LU AND MS.LI!!!!YOU'RE SUSPENDED FOR TWO WEEKS!!"
Itutuloy...