Chapter 9
Ellah's POV
"You sure? Papasok ka na?" tinigil ko ang pagsusuklay ng buhok ko at tiningnan si Eris
Kanina pa sila tanong ng tanong sakin kung kaya ko na daw bang pumasok. Kung okay lang daw ba ako. Hays! Ewan sa kambal na to, paulit-ulit ang tanong at paulit-ulit na rin ang sagot ko na kaya ko naman
"Im fine, don't worry about me!" Nginitian ko sila saka binitawan ang suklay at sinuot ang salamin ko
Iyong nangyari kahapon, nakakatakot yon. Hindi ko alam kung makakaya kong makakita ulit ng ganoong pangyayari. Pero mag-iinarte ako dito ay siguradong hindi ako magtatagal sa lugar na to
Matapang ako at patutunayan ko sa sarili ko na walang makakasindak sakin
"Lets go!" naniningkit ang matang sumunod sakin ang kambal
Tsk! Kung iniisip nila ang nangyari kahapon, wala na yon sakin, kahit natatakot pa rin ako. Alam kong nag-aalala sila sakin, at nagpapasalamat ako tungkol doon. Saka, ayokong magpakapabebe sa lugar na marahas at bayolente, baka ako na ang sunod na mamatay kung mag-iinarte ako
Saka naisip ko kasi na walang mangyayari kung panghihinaan ako ng loob, besides matatagalan pa ko dito at kailangan ko rin masanay sa mga ganong scene dahil baka hindi lang yon ang maranasan ko sa susunod. Or worse, ay baka ako pa ang susunod na gumawa ng krimen
Lumabas na ko ng dorm at kasunod ko ang kambal, dumiretso na kami sa room dahil nag breakfast naman na kami, lumabas kasi kanina si Eril at bumili sa cafetaria
*** C L A S S R O O M ***
"Okay class, since Chemistry ang subject natin ngayon, pupunta tayo sa laboratory, pero bago yon..boys, bumunot kayo ng papel dito sa dala kong bowl, ang pangalan na mabubunot nyo ang makakapartner nyo" nakatingin lang ako kay miss
Masigla ang mga kaklase namin at mukhang excited na gagawing activity
Inilibot ko ang paningin ko, bakit parang wala lang sa kanila na may namatay na student kahapon? Sabagay sanay na sila sa p*****n dahil matagal na sila dito
Bigla nalang akong kinilabutan nang maalala ko ang mukha ng babae kahapon, aish! Bakit kasi hindi maalis-alis sa isip ko yung nakita ko?
"Sino si Ellah Li?" tiningnan ko ang lalakeng bumanggit ng pangalan ko
Ehhh? Isa sa Scorpion? Oh Lord? Sinasadya ba talaga ng pagkakataon na ilapit ako sa mga taong iniiwasan ko? Kainis naman eh
Tinitigan ko saglit ang lalaking bumanggit sa pangalan ko. Maputi sya, gwapo, medyo may katangkaran at napakakinis ng balat. Ang mata nya medyo nags-spark at mapula ang manipis nyang labi
Ang gwapo—argh! Stop it Ellah! Looks can be decieving!
Tinaas ko ang ang kamay ko dahilan para mapatingin sya sa akin, tumagilid ang ulo nya at saglit akong pinagmasdan bago lumapit, nakangisi sya at diretso ang tingin sa mga mata ko, creepy!!
"So your name is Ellah, I'm Harris" awkward lang akong ngumiti at inabot ang hintuturo ko
Nakakailang dahil bukod sa napakagwapo ng lalaking makakapartner ko ay nakatingin sa amin ang ibang mga kaklase namin
Argh! Gusto kong sapakin ang guro sa unahan dahil sa trip nya sa buhay. Pwede namang individual nalang gawin ang activity pero ginawa pa nyang by partners. Brrr
"Hahaha you're funny, don't worry wala akong virus" natatawang sabi nya saka naupo sa katabi kong upuan
Actually, hindi naman nakakatakot ang aura nya, ang amo nga ng mukha nya eh, di tulad ng mga kaibigan nya at ng venomous, ang nakakakilabot lang ay ang smirk nya at pano sya tumingin, para kasing may binabalak na masama
"Nahanap nyo na ang partner nyo? Tayo na sa Lab." sabi ni Miss, ayos ah! Parang nawawala ang partner, nahanap daw?
Agad kong kinuha ang bag ko at lumabas na, iniwan ko yung partner ko, bahala sya don! Ang bagal bagal eh
Saka ayaw ko syang makasabay, mamaya may balak pala syang masama tapos bigla nalang akong hilahin papunta sa isang sulok na walang makakakita at bigla akong pagsasaksakin e. Nag-iingat lang
"Ellah wait lang!" Tiningnan ko si Harris na hinawakan ang braso ko
Parang napaso na agad akong lumayo saka sya sinamaan ng tingin
Natatakot ako, pero hinding-hindi ko ipapakita sa kanya iyon
"Aish, ang bagal mo kasi" inis kong sagot saka nagsimula na muling maglakad, ngumisi lang sya kaya inirapan ko naman
Ewan ko ba kung san ko nakuha ang lakas ko ng loob na irapan at sungitan sya, i mean dapat ko syang iwasan diba? Dapat takot na takot ako pero bakit parang hindi ko maramdaman na dapat kong gawin yon, medyo natatakot lang ako sa pwede nyang gawin at hindi ako nakakaramdam ng takot mismo sa kanya. What the hell?
"Tara na nga! Ang sungit mo masyado!" iiling-iling nyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako papuntang Laboratory
Damn!
Malayo sa ibang buildings ang laboratory, nasa may likod ito ng building ng first year
Building din ito at ang lahat ng rooms dito ay para sa Chemistry talaga, may kanya-kanyang lab. room ang bawat year level
Agad kaming pumasok sa lab room sa pangunguna ni Miss, agad akong naupo sa pwestong napili ko saka sinulyapan sina Eris at Eril na nakatingin pala sa akin
Ngumiti ako ng tipid sa kanila para ipaalam na okay lang ako saka muling tumingin sa unahan
Nangunot ang noo ko nang mahagip ng tingin ko si Harris na nakatitig sa akin, "What?" Pasinghal na tanong ko sa kanya
"Ang tapang mo naman para singhalan ako" nakangisi nyang sagot dahilan para mapalunok ako at agad na umiwas ng tingin
Hinihintay nya lang ba na gumawa ako ng paraan para magkaroon sya ng dahilan na saktan ako? Indeed a smart demon
Maya-maya ay nagsalita na si Miss kaya agad akong tumingin sa kanya at hindi na pinansin ang partner ko, "Okay, listen! May papel dyan sa mga harap nyo.."
Tiningnan ko ang papel sa harap namin ni Harris, nakaprint doon ang procedured at direction sa gagawin naming activity
"Dyan nakalagay ang gagawin nyo, ang mga procedures at iba pa" pagpapatuloy ni miss
Binasa ko ang nakasulat at agad na napangiwi dahil sa activity at subject ng experiment na gagawin namin. Bakit may experiment din sa school na to? Anak ng pating!
Napatingin ako kay Harris na nakatingin din pala sakin. Mukhang ayaw din nyang gawin ang activity. Argh!
Sabay kaming nalukot ang mukha at nagsalita, "Ako nalang mag-eexperiment, ikaw manghuli" sabay na sabi namin, i shot him a death glare but he just did the same
Tangina! Ano gagamitan nya ko ng powerful death glare nya para gawin ang gusto nya? No!
"Miss, this i so ewww! I don't like to touch frog, im so pretty to make huli one of that kadiri creature" tiningnan ko ang babaeng nag-iinarte sa likod namin
Kadiri nga naman ang palaka. Pero bakit sobrang o.a naman yata ng babaeng to? Kala mo kaganda e mukha namang pato sa haba ng nguso
"Ayaw mo? Sige maghanap ka ng bagong Chemistry teacher" sagot ni miss at sinamaan ng tingin ang classmate namin
Umwang ang labi ko at kalaunan ay napahagikhik ng mahina. Patay ka ngayon girl. Mabuti nalang nauna syang mag-inarte, kung nagkataon ako sana ang napalabas at napaghanap ng bagong chemistry teacher
"But—"
"No buts! Get out now" takot at nagmamdaling lumabas ang classmate namin dahil sa nakakatakot na tingin ng guro at sa boses nitong puno ng autoridad
Buti nalang talaga di ako nagreklamo!
"Tara na! Maghanap na tayo ng palaka!" inabot sakin ni Harris ang gloves saka ako hinila palabas
Argh! Damn! Malikot ako at pasaway na estudyante at anak, pero mukhang hindi ko maa-apply ang pagkamaldita ko sa lugar na to. Aish!
Itutuloy...