Chapter 8
Eril's POV
Nakaupo kami ni Eris sa isang bench malapit sa gymnasium nang may biglang lumapit sa amin na babae na nasa 60's
Nakalugay ang kulot nyang buhok at nakasuot ng makapal na salamin. Nakatingin sya sa amin ni Eris at hindi nagsasalita
Psh. Ano namang kailangan nito?
"Eris, Eri—"
"What do you want?" Hindi ko na sya hinayaang mabanggit pa ang pangalan ko at malamig na nagtanong
Wala syang karapatang kausapin at kahit lapitan manlang kami. Simula nang piliin nya ang demonyo na iyon kaysa sa amin, kinalimutan ko nang naging bahagi sya ng buhay namin ni Eris
"Eril please—"
"Please what? Can't you see, we're good without you. Go away before someone sees you" malamig na pagtataboy ko saka sinulyapan si Eris na tahimik lamang habang nakatitig sa babaeng nasa harapan namin
"Ginawa ko iyon para protektahan kayo! Hindi mo ba nakita ang ginawa kong sakripisyo? Ganoon ka ba kawalang puso? Eril, i am your—"
"YOU'RE NOTHING! YOU'RE NOTHING SO f**k OFF AND NEVER COME BACK AGAIN!" nanginginig na sigaw ko habang nakakuyom ang kamao
Anong karapatan nyang tangkain na banggitin ang papel nya sa buhay namin ng kakambal ko? Wala! Wala syang karapatan at lalong hindi na dapat sya lumapit pa sa amin. Wala na sya sa buhay ko, namin at hinding-hindi ko na hahayaang bumalik pa sya sa buhay namin ni Eris
"You heard her. Umalis ka na at wag ka nang babalik ulit sa buhay namin" hinawakan ni Eris ang kamay ko at marahang pinisil iyon
Kung si Eris nagagawang magpigil ng galit tuwing lalapitan kami ng babaeng ito, ako ay hindi. Hindi ko kayang pigilan ang galit ko at magpanggap na parang wala lang
"W-Why are you pushing me a-away?" Pagak na tumawa ako at saka sya pinakatitigan. Tumutulo ang luha nya habang palipat-lipat ang tingin sa amin ni Eris
"You're seriously asking why?" Ikinuyom ko ang kamao ko at pinigilan ang sarili ko na sampalin sya
Paano nya nagagawang humarap sa amin ni Eris na parang hindi nya kami inabandona? Paano nya nagagawang kausapin kami sa kabila ng pag-iwan nya samin?
Nagtaka ako nang makitang nagtatakbuhan ang mga estudyante
Nagtatangis ang mga bagang na tumalikod ako at iniwan syang umiiyak. Hindi nya ako madadaan sa pag-iyak iyak nya
Dire-diretso lamang akong naglalakad hanggang sa naramdaman ko ang pagsunod sa akin ni Eris
Sa kalagitnaan ng paglalakad namin, narinig namin ang malalakas na usapan, sigawan at mga yabag ng mga estudyanteng tumatakbo papunta sa kung saan
Nagtinginan kami ni Eris, bakas din ang pagtataka sa mukha nya
Anong nangyayari?
Hinila ko ang isang lalakeng tumatakbo na dumaan sa gilid namin
"Anong nangyayari?" Tanong ko sa kanya
"May namatay sa cr!" Nanigas ako isinagot nya
Si Ellah kaagad ang pumasok sa isip ko saka agad na tumingin kay Eris, mabilis din kaming tumakbo ni Eris papuntang cr habang malakas ang t***k ng aking puso dahil sa kaba, be safe Ellah!!!
Nakipagsiksikan ako sa mga students na nakaharang at tumambad sakin ang babaeng nakahiga sa sahig at naliligo sa dugo, ang mukha nya ay hindi na makilala dahil sa parang natunas ang kanyang balat, tiningnan ko ang tubig na lumalabas sa gripo
" *sob*" nabaling ang atensyon ko sa babaeng nakaupo sa sahig at umiiyak, yakap sya ng isang lalake, hindi ko makita ang mukha ng lalake dahil nakatalikod sya
Naalarma naman ako nang nahimatay ang babae, at don lang ako natauhan. s**t Ellah!
Nagulat ako nang buhatin ng lalake si Ellah at lalong nagulat nang makita ko kung sino sya
"Kami na ang baha—"
"Kaya ninyong buhatin?" Tsk! Basta talaga kahit kelan, pinigil ko ang sarili ko na sabunutan ang lalakeng mayabang na nasa harap namin
"Sabi nga nya eh ihatid mo na rin sa dorm" Eris interfere and rolled her eyes on him
Good, dahil kung hindi pa sumingit si Eris ay baka nasuntok ko na ang lalaking ito
"Tsk" yon lang at nilampasan na nya kami, kung hindi lang nya buhat si Ellah, pinatid ko na sya -___-
*** C H A N G E P O V ***
Eris POV
Naiwan ako dito sa loob ng cr, nailabas na yung bangkay dito at nakaalis na rin si Eril kaya nag-iisa nalang ako sa loob
Humakbang ako ng dalawang beses at tumayo sa hindi kalayuan sa nagkalat na dugo sa sahig at isang hakbang mula sa hinihigaan ng walang buhay na babae kanina
Tinitigan ko ang umaagos pa rin na tubig at mga dugo sa sink
Dahan-dahan akong lumapit sa gripong nakabukas
Anong meron sa tubig na nanggagaling sa gripo? Base na nangyari sa victim, tubig ang dahilan kung bakit natunaw ang balat nya, siguro'y naghihilamos sya kanina
Pero...bakit si Ellah? Hindi ba sya gumamit ng tubig? Saka sino naman ang babaeng iyon at sino ang gumawa niyon sa kanya?
Inilapit ko ang kamay ko sa tumutulong tubig, kaunti nalang at didikit na ang kamay ko nang may humawak dito
Natigilan ako at napatitig sa kamay na nakahawak sa kamay ko. Kung sino man ito, sigurado akong iniisip nya rin na ang tubig ang dahilan kung bakit tila naagnas ang mukha nong babae kanina
"Isa ka talagang dakilang chismosa!" Sinamaan ko ng tingin ang lalakeng nakahawak sa kamay ko
"Wala kang pakialam!" inis na singhal ko sa kanya saka tinangkang hilahin ang kamay ko mula sa kanya pero hinigpitan nya ang pagkakahawak dito
"What the hell is your problem?" Hindi sya sumagot sa halip ay ngumisi lang sya saka binitawan ang kamay ko
"Wala akong problema. Baka ikaw, meron?" Pilosopong sagot nya na ikinainis ko pa lalo
Bakit ba napaka pakialamero ng lalaking to? Saka bakit nya ko kinakausap at nilalapitan?
Hindi ako madaling magalit at mahaba ang pasenya ko. Pero pagdating sa lalaking to, kay Blake Byun, para akong palaging may dalaw. Mabilis din maubos ang pasensya ko at inis na inis ako sa kanya
"It is better to know nothing than to know everything. You should kill your curiosity before curiosity kills you" hindi ko pinansin ang mga sinabi nya at pinukulan lamang sya ng masamang tingin hanggang sa maglakad sya palapit sa akin
Tumigil sya sa harapan ko at gamit ang kanyang hintuturo ay bahagya nyang dinutdot ang tungki ng ilong ko dahilan para marahas ko syang itulak palayo na sinagot lamang nya ng tawa saka lumabas ng cr
Pinukulan ko pa ng masamang tingin ang papalayong likod nya bago ikalma ang sarili ko
Bumalik sa alaala ko ang mukha ni Ellah kanina na hilam ng luha ang mukha. I took a deep sigh before stepping out of the comfort room
I bet this incident is a warning to all of us! They did it in purpose
—
Binuksan ko ang pinto ng dorm namin at naabutan ko si Eril na nakaupo sa sofa
"Kumusta sya?" Tanong ko, inilibot ko din ang paningin ko. Baka nandito pa yung nagbuhat kay Ellah kanina
"Di pa nagigising! Kung hinahanap mo yung siraulong lalake, nag-alis na sya" natawa ako sa sagot ni Eril
Bakit galit na galit to sa mga gwapo?
Iilang-iling akong pumasok sa kwarto ko at nahiga sa kama, pagabi na pala, di pa kami naghahapunan. Hays!
Lumabas ulit ako ng kwarto at nasalubong ko si Eril, tinaasan nya ko ng kilay na ikinangiwi ko
Taray neto! Tiklop naman kay Ellah. Tsk tsk
"Bibili lang ako ng makakain natin" sagot ko at lumabas na ng dorm
Sumalubong sakin ang malamig na hangin, nakakapangilabot ang hangin ngayon. Sobrang lamig at iba ang dating
Itutuloy...