Chapter 7
Ellah's POV
"Thank you po!" lumabas na ko ng clinic at hindi pinansin ang kakaibang tingin sakin ng nurse matapos kong magpasalamat
Hindi ko alam kung bakit ganoon sya makatingin. Simula nang dumating ako kanina sa clinic ay titig na titig na sya sa akin lalo na sa braso ko
May maliit na peklat kasi sa braso ko na mukhang tinusok ng malaking karayom, ang sabi ni mama sa sobrang kalikutan ko daw noong bata pa ako ay sumabit ako sa alambre at nagkasugat kaya ayon, may peklat ako
Dumaan muna ako sa cafetaria para bumili ng mineral water at agad na ininom ang gamot na ibinigay ng nurse
Bakit biglang sumakit ang ulo ko? Tsk
Inayos ko muna ang uniform ko saka lumabas ng cafetaria at naglakad papunta sa gmynasium
Ehhh? Hindi ko alam kung saaan yon e! -__- nakakainis na man bakit hindi ko naitanong kina Eris?
May nakita akong lalakeng nakatalikod sakin at naglalakad, pwede naman siguro syang tanungin diba? Hindi naman siguro nya ako susuntukin dahil lang nagtanong ako
"Uhmm! Kuya pwede magtanong? San ang gym...na..sium..." napalunok ako nang dahan-dahang humarap sakin ang lalakeng pinagtanungan ko
Hindi ko na rin halos nasabi ang huling mga salitang binitawan ko dahil hindi ko talaga inaasahan kung sino ang taong napagtanungan ko
Gosh! Sana di na ko kainin! Tumalikod ulit sya at nagpatuloy sa paglalakad dahilan para mapanganga ako. Wtf?
Hmpppp! Suplado! Porket nakakatakot sya tumingin at sobrang gwapo nya ang sama ng ugali -__-
Ano ngayon kung nakakatakot sya? Wala pa rin syang modo!
"Tsk! What are you waiting for? Follow me, pabo!" Tiningnan ko sya na masama ang tingin sakin, palagi naman syang masama kung tumingin
Napangiti ako ng malawak dahil sa isinagot nya at agad akong sumunod sa kanya, may kabaitan din naman pala ang lalaking ito
Sya yung lalaking tumitig sa akin nang lumabas ako sa kwarto namin nina Eril sa dorm
Dire-diretso lang syang naglalakad habang nakasunod ako at nang matanaw ko ang malaking pinto na may nakasulat na gymnasium sa itaas ay agad akong tumakbo palapit doon at itinulak pabukas ang malaking pinto dahilan para mapatingin samin ang teacher sa loob
Uh-oh!
"...there you are! Since kayo lang ang wala kanina, kayo na ang magpartner....for the whole school year" nagulat ako sa sinabi ng lalaking guro sa loob
Kami? Partner? Sinong kami?
Para akong binagsakan ng malaking bato sa ulo nang mahagip ng paningin ko ang lalaking katabi ko. Waaaaaahhhh ayaw!! Baka kainin ako ng lalakeng to
Tiningnan ko si Eris at Eril para humingi ng tulong, pero umiling lang si Eris, ibig sabihin wala silang magagawa
Naman ihhhhh!! Nakatulala lang ako hanggang sa lapitan ako ni Eris at hinila pabalik sa pwesto nya kanina
"Bakit kasabay mo si Hell?" Namimilog ang mga matang napatingin ako kay Eril
Hell? Hell ang pangalan ng lalaking yon?
"Hell?" Gulat na tanong ko pabalik
"That guy is Hell Tyler Huang, isa sa scorpion" napanganga ako sa sinabi ni Eris
Bakit palagi kong nakaka encounter ang dapat kong iwasan?
"Okay, dismiss!" Ewan ko sayo Sir! Pag ako talaga chinop-chop ng lalaki na yon, hindi lang kita mumultuhin, kukulamin pa kita -______-
Oo nga at mabait sya kanina, paano bukas? O sa isang araw? Sa isang buwan? Argh!
Tumayo na kami at nauna akong lumabas, bukod kasi sa naiinis ko eh kanina pa gustong sumabog ng pantog ko, ihing-ihi na ko! Bakit ba hindi ko ito naramdaman kanina noong nasa labas ako?
"Uyy! Teka! Nagmamadali ka masyado" hinila ako ni Eril sa kamay
Ihh! Naman e! Sasabog na ang pantog ko s**t!
"Bitawan mo ko, kailangan ko nang umalis" sabi ko at pilit hinihila ang sarili ko mula kay Eril, bigla naman akong hinawakan ni Eris sa kabilang braso
Oh Lord! Utang na loob, ayokong sumikat dahil lang sa hindi napigilang ihiin!
"A-anong sinasabi mo? Umayos ka nga Ellah" naiinis na sabi ni Eril
Waaahhhhh naiinis na din ako at naiihi na talaga! Pag ako napaihi dito sasapakin ko tong kambal na to
"Utang na loob, Eril, Eris, bitawan nyo muna ako...ihing-ihi na talaga ako hindi ko na kayang pigilan, ayokong magkaron ng tsunami dito sa hallway" mangiyak-ngiyak kong sabi sa kanila
Nanlaki ang mata nila at agad akong binitawan kaya kumaripas na ko ng takbo papuntang cr. Mabuti nalang alam ko na kung nasaan ang cr. Jusko!
—
Pagpasok ko sa cr ay may nakasabay ako na dalawang babae. Ang isa ay sumusuko sa sink na ikinangiwi ko
"Girl, ano ba kasing nangyari sayo?" Tanong ng isa habang hinahagod ang likod ng babaeng sumusuka
Hindi ko nalang sila pinansin at agad na pumasok sa isang cubicle at ginawa ang dapat gawin
"Kumain lang naman ako ng carbonara sa cafetaria e" rinig kong sagot ng babae
Nasa loob na ako ng cubicle pero rinig ko pa rin ang malakas na usapan nila
Teka, carbonara? Iyon din ang kinain ko sa cafetaria kanina e
Pagkatapos kong umihi ay agad kong inuflusg ang inidoro. Nakaraos din! Pero kadiri, walang tubig dito sa loob ng cubicle, ayan tuloy hindi ako nakapaghugas ng...alam mo na. Argh! Baka mamalot ako *frown*
"AHHHHHHHHH" nanlaki ang mata ko saka sunod-sunod na lumunok nang makarinig ako ng sigaw mula sa labas
Anong nangyayari? Sigurado akong dito galing yon sa loob ng cr
Dahan-dahan akong lumabas ng cubicle at halos himatayin at masuka ako sa nakita ko
Fuck! W-what—what is that?
"AAAAHHHHHHHHHH *sob* " napaupo ako sa sahig saka umiyak habang pilit inaalis sa isip ko ang imahe ng babaeng puro dugo ang kamay at mukha na parang naaagnas na
Nakatayo at umiiyak sa isang tabi ang babaeng sa tingin ko ay syang sumigaw kanina
Sila iyon! Sila yong nakasabay ko kanina dito. I-Iyong babaeng nasa sahig ang sumusuka kanina
B-bakit? Anong nangyari? Bakit ganoon yung mukha nya? Sinong gumawa niyon?
"s**t" may narinig akong pagmumura at maraming yabag na pumasok dito, pero ni isa sa kanila ay hindi lumapit sakin at sa babaeng nakabulagta sa sahig, hindi ako makalabas dahil nakaharang sa daan ang babae, hindi ko rin sya matingnan dahil mulat na mulat ang mata nya na halos lumabas na at sa akin sya nakatingin
Naririnig ko pa ang lagaslas ng tubig na mula sa gripo na ginamit nya kanina, patuloy lang ako sa pag-iyak hanggang sa may maramdaman akong yumakap sakin, hindi ko na inintidi kung sino ang taong ito at basta ko nalang niyakap, ang alam ko lang ay hindi si Eris o Eril ito dahil sa hubog ng kanyang katawan
"Shh hush now! It's fine" bulong ng nakayakap sakin, ang lambing ng boses nya at lalakeng-lalake ito
Nakasubsob lang ako sa dibdib nya habang patuloy ang pag-agos ng luha ko kasabay ng pagkawala ng mga hikbi mula sa bibig ko hanggag sa unti-unting nagdilim ang aking paningin
Itutuloy...