Chapter 5
Ellah's POV
Waaaaaahhhhh
Iniunat ko ang dalawang braso ko at pumikit habang nakatingin sa taas at nakangiti. Katatapos lang ng special exam at nandito pa ako sa labas ng silid kung saan ako nag-exam
Nagdadasal ako na sana pumasa ako sa special exam kahit hindi ko naman naintindihan ang mga questions. Gosh! Kailangan ko talagang pumasa kundi magiging laruan ako ng mga demonyong estudyante dito
Nandito na ko sa may hallway habang palihim na ipinagdadasal ang pagpasa ko sa special exam. Kapag may nakakita sa akin dito siguradong iisipin nila na nasisiraan na ko ng bait
Maya-maya ay nangunot ang noo ko nang may bigla akong naamoy na kakaiba. Hmmm? Bat bumango ang hangin? Ako ba yon?
Iminulat ko ang mga mata ko at agad na napaatras nang sumalubong sakin ang mukha ng isang lalake na may nakakatakot na tingin at aura
Namimilog ang mga mata ko habang nakatingin sa pokerface nyang mukha na kahit yata hampasin ko ng plagganganang puno ng tubig na mainit ay hindi maglalabas ng emosyon. Hala s**t!
"Uhh-umm" dahan-dahan akong umatras habang napapalunok at malakas ang kabog ng dibdib
Natatandaan ko ang mukh nya, isa sya sa Venomous na pinaiiwasan sakin nina Eril. Anong ginagawa nya? Huhu. Saka bakit tinititigan nya ko?
Lumunok ako habang dahan-dahang umaatras at nang makalayo ako ng kaonti ay agad akong kumaripas ng takbo sa kabilang direksyon
Waaahhhhh mama!!!!
Para syang monster na anytime ay lalamunin ako! Bakit ba ganun ang lalakeng yon? Pati mga kaibigan nya. Para silang mga gutom na halimaw kung makatingin. Ano tingin nya sakin lechon? Jusme!
Saka ganun na ba talaga sila simula nang ipanganak? Saan ba sila pinaglihi? Sa anime character na palaging nakakunot ang noo? At may nakakatakot na tingin at parang si cyclops na may laser ang mata? Kung nakakamatay lang ang titig siguradong wala na kong buhay ngayon
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko nang tumigil ako at nagtago sa tabi ng trash can. Hindi ko na sya nakikita at mukhang hindi naman nya ako sinundan kaya napahinga ako ng maluwag. Wew!
Teka, bakit lagi kong nakakaencounter ang dapat iwasan? Kyaaaahh kahit gwapo ang mga yon, dangerous pa rin sila. Kung si Kaizer nakakapanginig ng laman ang nakakainis na ngisi, itong lalaking to nakakakilabot sa sobrang cold
Sean Oh! Wag ka nang magpapakita sakin please!! Baka atakihin ako. Sa sakit sa puso yata ako mamamatay hindi sa pambubully. Yay! Nakakatakot sya!
"Hoy!"
"WAAAAHHHHH *PAK*
"ARUUUYY!" tinapunan ko ng masamang tingin si Eris na ginulat ako at si Eril na sinapak ako
Bigla nalang silang sumulpot sa likuran ko at ginulat ako dahilan para mapaigtad ako at mapasigaw ng malakas
Napansin ko pa ang ilang estudyante na napatingin sa amin. Ang iba sa kanila ay sinamaan ako ng tingin at ang iba naman ay mukhang walang pakialam sa pag sigaw ko
"Lemma nyo?" nakabusangot kong tanong sa kambal. Ang sakit kaya ng sapak, bato yata ang kamay nito ni Eril eh -__-
Pakiramdam ko pinalubutan ako ng stars. Bwiset! Argh!
"Mukha ka kasing tanga dyan, bat ka nagtatago? May ginawa kang kasalanan?Nang rape ka ng gwapo?" i palmed my face after hearing those shits from Eril
What made her think of that stupid ideas? Pag nagtatago, may ginawa agad na krimen? Di pwedeng takot lang?
"Gaga! Baka hindi pa ako nakakalapit sa gwapo nachopchop na ko" inirapan ko si Eril na pinagtaasan ako ng kilay samantalang parang wala namang pakialam si Eris
"E ano ba kasing trip mo at pasilip-silip ka dyan. Saka bongga ha, dito mo pa naisipang tumago, sa tabi ng basurahan" ngumiwi ako dahil sa sinabi ni Eril saka sumulyap sa basurahan na konti nalang ay puno na. Wala pa itong takip at nilalangaw ang laman. s**t!
Tumikhim ako at umayos ng tayo saka tiningnan ang kambal na hinihintay ang sagot ko
"Wala! Hinahabol kasi ako ng spinach, takot pa naman ako don! Mas gusto ko ang emoterong patatas, tara na nga!Gutom na ko!" hinila ko na yung kambal na nagkakamot ng ulo habang nakakunot ang noo na nakatingin sakin at mukhang naguguluhan sa isinagot ko
Hmp! Bahala silang mag-isip kung anong ibig sabihin ng sinabi ko
** C A F E T A R I A **
"Nga pala, ang class lagi natin ay academics sa umaga at P.E Class sa hapon, araw-araw yon" tinanguan ko lang si Eril. Nakita ko na yon sa schedule ko, no need to inform me
Nagpatuloy ako sa pag kain at hindi na rin nagsalita pa si Er. Hindi ako mahilig magsalita pag kumakain, ayoko ng istorbo
Maya-maya pa ay napatigil ako sa pagkain nang biglang tumahimik sa buong cafetaria. Nangunot ang noo ko, familiar sakin ang ganitong scene ahh!
Ayoko sanang pansinin dahil nga ayoko ng istorbo pag kumakain ako pero sadya yatang chismoso ako kaya hindi ko napigilan ang sarili ko
Inilibot ko ang aking paningin at nahagip ng mga mata ko ang Venomous na nasa may pinto ng cafetaria
Sabi na eh! Hmp! Bakit ba napaka big deal sa mga estudyante dito ang mga yan? Ngumiwi ako saka inayos ang suot kong salamin at babalik na sana sa pag kain nang mapansin kong nakatingin sakin ang isa sa kanila at......
O_____________O
Dali-daling ibinalik ko ang tingin ko sa pagkain ko at pinagpatuloy ang naudlot na moment namin ng mahal kong pagkain
Litsi!! Bakit nakatingin sakin ang Sean Oh na yon?! Pakiramdam ko ang init init ng likod ko dahil sa titg nya at parang hindi ko malunok ang pagkain ko. Damn!
Di ko nalang pinansin ang matalim na titig na nararamdaman ko mula sa likod ko at ipinilig nalang ang ulo ko saka madaling inubos ang pagkain
"Tara na!" agad akong tumayo nang nag-aya na si Eris. Mukhang napansin nya na hindi ako komportable kaya nag-aya na sya
At dahil nagmamadali ako ay nabigla ang pagtayo ko at natumba ang inupuan kong upuan kaya nagtinginan lahat sakin ang students, including Venomous
Oh why? Oh Why? Hindi po ako attention seeker, sadyang tanga lang yung inupuan ko kaya bigla syang tumihaya sa sahig, nabigatan siguro sakin -__-
Argh! Nakakainis!
"Okay ka lang? Para kang praning" di ko pinansin si Eril at naglakad nalang palabas ng cafetaria habang nakatungo, naramdaman kong sumunod yung kambal sakin hanggang sa tuluyan kaming makalabas ng cafetaria
Third Person's POV
Nang tuluyang makalabas ng cafetaria sina Ellah, Eris at Eril ay nanatiling tahimik ang buong lugar. Walang nais bumasag ng katahimikan hanggang sa mapansin ni Kaizer na titig na titig sa bungad ng cafetaria si Sean
Nakaupo na sila ngayon at tahimik na hinihintay si Jasper na syang bumibili ng pagkain
"Uy! Anong tinititigan mo dyan?" Tanong ni Kaizer sa tulalang kaibigan na hindi manlang nagulat sa biglaang pangangalabit nya
Napailing sya. Wala talagang puso ang kaibigan nyang ito. Hindi manlang marunong magulat
"Do you know her?" Tumaas ang kilay ni Kaizer at namilog ang mga mata ng iba dahil sa tanong ni Sean
"Her?" Napapangising tanong ni Kaizer pabalik. Pumalakpak naman si Blake at sinundot ang pisngi ni Sean
"Ano may napupusuan na ang heartless?" Tumatawang panunukso ni Blake dahilan para mapangisi naman si Chase
"Psh" inirapan lang sila ni Sean saka walang sabi-sabing tumayo at lumabas ng cafetaria
Naiwan namang tumatawa sina Blake, Chase, Kaizer at nakakunot ang noo ni Jasper na kababalik lang mula sa pag-order ng pagkain samantalang wala namang pakialam sa paligid si Ian
Itutuloy....