Chapter 4

1249 Words
Chapter 4 Ellah's POV Nandito na kami sa classroom at hinihintay ang teacher nang biglang pumasok si Ms.Principal Natahimik naman ang ibang mga kaklase namin na nagdadaldalan nang tuloy-tuloy na pumasok magandang principal at tumayo sa harapan namin "Where's Ellah Li?" Agad na tanong nya dahilan para mapatayo ako kaagad Saglit syang tumitig sa akin saka ako sinenyasan na sumunod sa kanya. Lumabas naman ako at lumapit sa kanya na nakatayo ngayon sa may pintuan habang hinihintay ako "Uhm! Bakit nyo po ako pinalabas?" Agad na tanong ko nang tuluyan akong makalapit sa kanya Wala naman akong natatandaan na may kasalanan akong ginawa ah "Sumama ka sakin, ngayon ka magtetake ng special exam" tipid na sagot nya saka nag-umpisang maglakad. Agad naman akong sumunod sa kanya na may pagkabahala sa mga mata Gosh! Anong isasagot ko? Nakalimutan kong may special exam nga pala ang mga new students at doon ibinabase kung makakasama ba sa top students ang isang estudyante Kagat-kagat ko ang kuko ko hanggang sa makarating kami sa isang room. Kapag hindi ako pumasa dito mabubully ako. Ituturing akong basura sa school na to at titingnan ako bilang isang walang kapaki-pakinabang na estudyante Pumasok si Ms.Principal sa silid kung saan kami tumigil at naabutan namin ang ilang students at isang teacher sa loob. Kakaonti ba kaming nag-enroll? Sa pagkakaalam ko kasi ay ngayon talaga ang araw kung kailan magtetake ng exam ang lahat ng nag-enroll ngayong taon "Miss Park" bati ng guro na naabutan namin sa principal, tumango lamang si Miss Principal saka ako sinenyasan na pumasok na agad ko namang ginawa Nakita kong kinausap nya yung teacher ,tumingin muna sya sakin ng walang emosyon sa mukha saka agad na umalis "Ellah Li?" Agad akong tumango bilang pagsagot sa guro na lumapit sa akin "Choose anywhere you want to sit" pakiramdam ko ay binuhusan ako ng isang timbang tubig na may mga yelo dahil sa lamig ng boses ng babaeng guro. Bakit ganito ang mga tao dito? "Let us start" maya-maya'y sabi nung teacher at binigyan kami ng tig-iisang folder na may papel sa loob at isang handbook bilang questionnaire Di manlang muna nagpakilala. Ang weird nga talaga ng school na to. Siguro kahit guro dito ay mga bully din e =__= Inilibot ko ang paningin ko bago ako magsimulang magsagot, kokonti kami dito, mga sampu lang siguro kaming mga estudyante plus yung guro "Sa papel ang mata hindi sa paligid!" napayuko ako saka binuksan ang folder na naglalaman ng test paper ko, kinagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil medyo napahiya ako doon — Eril's POV Pagkaalis ni Ellah, saktong dumating yung teacher namin at kasunod niya sina Hell, Chase, Blake, Kaizer,Josh at Harris. Naiinis talaga ako sa grupo na to. Bukod sa mayayabang ay mga ignorante at nakakabwiset Ang totoo hindi naman talaga sila masama. Natatakot lang ang ibang mga estudyante sa kanila dahilan para layuan sila at katakutan ng lahat Magkasunod lang dumating ang Scorpion at Venomous, nauna lang ng konti ang Scorpion Ang kumalat na balita noon ay nagkagulo ang mga miyembro at nauwi sa dalawang grupo ang dating iisang grupo lang. Walang nakakaalam kung anong pinag-awayan nila. Pero mukhang hindi naman sila nag-away dahil wala naman akong nakikitang tensyon sa pagitan ng dalawang grupo I mentally rolled my eyes when Kaizer the jerk winked at me Ang gagong to! Kapag ako napuno dudukutin ko ang mata nya at isasaksak sa bunganga nya. Nakakainis! Lahat nalang yata ng babae balak landiin, kung hindi lang siguro takot sa kanya ang mga estudyante dito baka nagkaroon na yan ng fanclub at mga fling And yes! Sa kasamaang palad classmate namin ang tatlo sa Scorpion at tatlo sa Venomous "Can i sit here?" sinamaan ko ng tingin si Kaizer na umupo sa upuan na para sana kay Ellah At talagang lumapit pa sya sa akin? Ang kapal talaga ng mukha! Nuknukan na nga ng yabang at taas pa ng tingin sa sarili. Ano feeling nya gwapo sya? Psh At talagang nagtanong pa sya e nakaupo na nga sya. Saka bakit ba dito to naupo? At balak nanaman ba nya ako pagtripan? Sisipain ko to tamo! "That place is for my friend! Go away!" May diin kong sagot habang pinagkikiskis ang mga ngipin ko sa inis "Uhh? What if...ayoko?" nakangisi nyang tanong dahilan para tumirik ang mga mata ko Nakita ko nanaman ang nakakainis na ngisi nya dahilan para uminit lalo ang ulo ko at mapakuyom ng kamao "Go away!" Bulyaw ko sa kanya habang matalim ang tingin na ibinabato ko Wala akong pakialam kung may guro sa unahan at wala akong pakialam kay Eris na kanina pa ako kinakalabit at inaawat Napupuno na ako at konting-konti nalang ay sasaktan ko na ang gago na to "No. Never" nakangising sagot nya saka ako kinindatan Fuck! "Ayaw mo?" Tiim-bagang na tanong ko Lumawak lalo ang ngisi nya saka sunod-sunod na umiling dahilan para mapangisi ako Ayaw pala ha! "Then i have no choice but to do this!" Pagkatapos kong sabihin iyon ay tinulak ko ng malakas at marahas ang upuang inuupuan nya Dahil sa gulat ay hindi sya nakapagreact at nawalan ng kontrol hanggang sa bumagsak ang upuan nya kasama sya "Argh!!f**k!!!" Mura nya saka ako tiningnan ng masama Ngumisi lang ako sa kanya habang tinatapunan nya ako ng masamang tingin Nakahiga sya ngayon sa sahig at nakahawak sa bewang nya habang sunod-sunod na nagmumura "Mr.Kim, what are you doing? This is not a pool!" Mas lalo akong napangisi nang makita ko ang galit sa mga mata nya Marahas syang tumayo saka tiningnan ng masama ang guro na ngayon ay matalim din ang tingin sa kanya "f**k off!" Galit na singhal nya sa guro Nakaupo lang ako at tinitingnan sya na mukhang ini-enjoy ang pagkakasalampak sa sahig. Well, bagay sya don! Hindi nagtagal ay tumayo sya na may madilim na aura kaya natahimik ang mga tumatawa nyang kaibigan, kahit ako ay nawala rin ang ngisi sa mga labi at agad na sumeryoso ang mukha Tiningnan nya ko ng walang emosyon dahilan para mapairap ako, akala nya ba matatakot ako? Tsk "You'll pay for this" banta nya sa akin saka lumabas ng classroom na paika-ika habang hawak ang bewang nya, hindi rin sya napigilan ng teacher dahil mukhang natakot si Miss sa biglaang pagdilim ng aura nya "Bat mo ginawa yon?" pabulong na tanong sakin ni Eris nang makalabas ng silid si Kaizer na pabagsak pang sinipa pasara ang pinto "Nothing" walang ganang sagot ko at tumingin na sa unahan, nagtuturo na kasi ulit ang teacher Nangunot ang noo ko nang may nagbato ng kung ano sa paanan ko, nakasimangot kong tiningnan ko yon at isang crumpled paper pala ang tumama sa sapatos ko Pinulot ko yun at itatapon sana sa basurahan nang mapansin kong may nakasulat Kunot-noo kong binuksan ang gusot na papel at binasa ang nakasulat na agad na nagpataas ng kilay ko 'Bitter ka pa din kay Kaizer? Hahaha. Epic yung ginawa mo, pero humanda ka! Lagot ka non! —pinakagwapong Blake' Lumingon ako sa likod at nakita si Blake na nakangiti sakin, yung ngiting pang-asar na nagpakulo muli sa dugo ko. Letche! As if matatakot nya ko. Aabangan ko pa yang ganti na yan ni Kaizer. Psh Inirapan ko sya saka tinapon pabalik sa kanya ang basura nya, tinamaan naman sya sa nguso kaya inirapan ako. Tsk! Bakla talaga Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD