Chapter 3

1327 Words
Chapter 3 Ellah's POV "Oh mahal na birheng Maria, sa mga pwede kong tawagin, sa lahat ng santo, sa Diyos ama, nawa'y gabayan nyo po ako sa araw na ito, wag nyo pong hayaang machopchop ako ng sino man, mahal ko po ang katawan ko at ayaw kong mamatay ng virgin at walang gwapong boyfriend, amen!" Nakayuko ako habang nakapikit at ipinagdadasal ang pag survive ko ngayong araw. Jusko! Natakot ako ng sobra sa mga nalaman ko kina Eril kahapon, hanggang ngayon nga ay pakiramdam ko nakataas pa rin ang mga balahibo ko. Anyways, umaga na at ngayon  ang start ng pasok ko. Ang totoo ayoko sana munang pumasok, pero ano namang gagawin ko dito kwarto kung hindi papasok diba? Nakabihis na rin ako ng cute na uniform ng school at talagang bagay sakin, hihi.  Yung dalawa nina Eril mukhang tulog pa rin kaya wala pa akong makausap Nanatili naman akong nakayuko habang nagmamakaawa kay God na wag akong hayaang machopchop hanggang sa may nagsalita mula sa likuran ko,   "Hoy!" "WAAAAAHHH AYOKO PONG MAMATAY!! IBIBIGAY KO PO ANG LAHAT WAG NYO LANG AKONG CHOPCHOPIN, PWERA LANG PO SA KATAWAN KO, PERO KUNG GWAPO NAMAN KAYO PAYAG NA KO, HUHUHU GOODBYE VIRGINITY!" Nakapikit ako at nakatakip sa mukha ko ang suklay na kanina ko pa hawak, balak ko sanang ipokpok to sa mamamatay tao na nakapasok dito, pero sayang kaya wag nalang. Saka baka sa akin pa maisaksak ang suklay na to kaya nevermind. Huhu "Pfffffffttttt anong chochop-chop-in at goodbye virginity ang sinasabi mo? May sapi ka ba Ellah?" kilala nya ko!Omo~kilala nya k— Teka! Kilala nya ko! "Eris??? Ginulat mo naman ako!" Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko si Eris sa harap ko na tumatawa Agad akong napakamot sa ulo nang maalala ang mga pinagsasabi ko. Grabe nakakahiya! "Sorry! Ano ba kasing ginagawa mo? Kanina ka pa bulong ng bulong, nag-oorasyon ka?!" natatawang tanong nya kaya napasimangot ako Tsk! Bigwasan ko to eh! Tinakot ako tapos magtatawa "Anong nag-oorasyon? Pinagdadasal ko ang sarili ko na makasurvive sa araw na to. Alam mo bang muntik na kong maihi nang may tumalon na pusa kanina sa kama ko, tapos ngayon halos humiwalay na ang kaluluwa ko sa katawang lupa ko dahil sayo!" naiiyak kong sabi sa kanya saka tumayo at inilapag sa bedside table ang suklay ko Magkakatrauma ako dito, icrii "Hahahaha sorry naman. Tara na nga, kanina ka pa namin hinihintay, nagugutom na ko eh!" hinila ako ni Eris palabas ng kwarto ko Bawat isang kwarto kasi sa dormitory ay may tatlong silid at ang hindi mo aasahan ay hindi nakabukod ang mga babae sa lalaki. Maari kang magkaroon ng roommate na lalaki at maswerte ako dahil dalawang babae ang kasama ko Nang makalabas kami ni Eris ng kwarto ko ay naabutan namin si Eril sa may pintuan at handa nang lumabas "Tara na?" tumango lang ako kay Eril at nauna nang lumabas. Hehehe gutom na ko eh Paglabas ko saktong bumukas ang pinto ng kwartong katapat namin at lumabas ang tatlong lalakeng nakapoker face Tumingin sakin yung nasa unahan, at swear, tumaas ang balahibo yay! Nakakatakot sya tumingin, parang papatay Matangkad sya at maitim ang palibot ng mata, parang may eyebags pero halata namang hindi yon eyebags eh. Mukhang inborn na at nakadagdag naman sa kagwapuhan nya Tinitigan nya ko sa mata na parang hinahalukay ang buong pagkatao ko, creepy! Teka, isa ba sya sa mga bully? Naku! Baka mamamatay tayo to at bigla nalang akong saksakin O__O "Ellah, naiwan mo ang bag mo! Ano ka ba naman? Pano ka mag-aaral kung di mo dala ang gam—" hindi natuloy ni Eril ang sinasabi nya dahil nakita rin siguro nya kung paano ako titigan ng lalaking kaharap ko Napatingin ako kay Eril at Eris na palipat-lipat ang tingin sa amin nung lalake "Ellah, Eris Tara na" hinila ni Eril ang kamay namin ni Eris saka kami nagsimulang maglakad palayo Lumingon pa ako don sa lalake at nakitang nakangisi sya habang nakatingin sakin, pati yung dalawang kasama nya nakatingin din sakin Napalunok ako saka lumingon na sa unahan, lalayuan ko sila promise!! — Dumiretso kami sa cafetaria para mag almusal at tahamik na nag-umpisang kumain. I'm still bothered abouth the guy earlier, kung isa sya sa mga bully, mukhang hindi ako tatagal ng isang linggo dito. Tingin palang nya mukhang papatay na e "Ellah, hangga't maaari wala kang ibang pagkakatiwalaan kundi kami" tumigil ako sa pagkain at tiningnan ang seryosong mukha ni Eril Hindi ko alam kung bakit ganoon nalang kabilis ang pagtanggap at pagtitiwala ng kambal na ito sa akin pero nagpapasalamat ako sa kanila "Okay" ayokong mamatay ng maaga kaya hindi ko sila susuwayin. Kahit pa nga kating-kati na ang dila ko magtanong ng magtanong sa kanila "And as much as possible, avoid the Venomous and Scorpion gang" tiningnan ko si Eris at nangunot ang noo ko sa sinabi nya Venomous at Scorpion? "Sino sila?" Tanong ko kaagad para naman kilala ko kung sino ang iiwasan ko diba! "Them" Eril na tinuro ang anim na lalake sa may pinto ng cafetaria na mukhang may hinahanap Sila yung kahapon. Yung mga lalaking nakaupo habang mga nakangisi at mukhang nag-eenjoy sa pantitrip ni Kaizer the playboy kay Eril Mapanganib ba sila? Kaya ba ganoon nalang ang pagbubulungan ng dalawang babae kahapon? Kaya ba biglang natahimik ang cafetaria kahapon at pati ngayon? "Sila ang Venomous Gang. Yung nauuna si Chase Park, yung red ang buhok Kyle Ian Do, that one with eyeliner is Blake Byun, yung sobrang puti na mukhang mabait is Jasper Kim, yung matangkad na nakapokerface si Sean Oh, at yung tan skinned man na yon si Kaizer Kim" tumango-tango ako kay Eris pagkatapos nyang ituro isa-isa yung anim na mga lalaki habang sinasabi ang pangalan Hindi naman sila mukhang nakakatakot. Mukha nga silang mabait e. Pero, looks can be decieving diba? "Eh ang Scorpion?" Tanong ko nang maalala ang isa pang grupo na nabanggit ni Eris kanina Wala naman silang binanggit na Scorpion don eh " Ang Scorpion wala pa dito, sila sina Kristoff Wu, Harris Lu, Hell Tyler Huang, Josh Chen, Yexel Zhang at Xander Xiu Kim" napa 'ahh' ako matapos sabihin iyon ni Eril Dalawang grupo ang dapat kong iwasan. Sana lang hindi ko sila makabangga o makasalubong manlang Pero... "Bakit maraming Kim? Magkakapatid sila?" tanong ko habang kunot na kunot ang noo. Totoo naman e, ang dami ko kayang narinig na Kim ang apilyedo "Hindi, pero di rin sure kasi tago naman ang identity nila, at kahit naman tayo at ang ibang estudyante ay hindi rin malalaman ng iba ang background dahil hindi naglalabas ng information ang head admin" sagot ni Eris sa tanong ko aaka nagpatuloy sa pagkain. Ganon pala! "Dating magkakampi ang Scorpion at Venomous pero sa hindi malamang dahilan, nag-away sila" tumango ako lang ako sa sinab ni Eril saka uminom ng tubig at nagpatuloy sa pag kain Hindi naman ako interesado sa kanila, kaya lang naman ako nagtanong ay para alam ko ang dapat iwasan sa hindi "Tara na! Magtatime na oh! Basta iwasan mo nalang ang mga tao dito,pwera samin syempre" maya-maya'y pag-aaya ni Eris matapos naming kumain Tumayo kami at nagsimulang maglakad palabas ng cafetaria. Pinagmasdan ko naman ang kambal na nag-uusap habang naglalakad kami. Medyo nagpapahuli ako ng kaonti para mapagmasdan silang dalawa Eris is a happy go lucky woman na medyo may pagka tahimik while Eril is an opposite, well pareho silang childish minsan at pareho sa lahat ng aspects kaya you can't tell who's who, but in my case, kilala ko na sila kaya di na ko malilito. Saka madali naman silang kilalanin kaya hindi ako nahihirapan Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD