Chapter 2

1450 Words
Chapter 2 Ellah's POV HINDI PA KAMI tapos kumain nang biglang natahimik ang cafetaria. Tahimik na tahimik, as in wala ka talagang maririnig na ingay kundi mga mumunting tunog ng sapatos ng naglalakad Anong meron? May dumaang anghel?O baka may umutot ayaw lang umamin? Yuck!Gross. Argh! Ano ba naman yan, Ellah. Ang shonga mo kahit kelan! 'Ang gagwapo talaga nila' 'Shh! Wag ka maingay, baka marinig ka' 'Pinupuri ko lang naman' 'Kahit na! Alam mo namang nakakatakot sila diba?' Rinig kong bulungan ng dalawang babae sa kabilang table. Nakakatakot? May nakakatakot bang gwapo? Lakas ng tama At oo, narinig ko ang sinabi nila. Bulungan lang yon pero dinig ko. Oh diba, lakas ng pandinig ko diba. Pero ano daw sabi nila? Gwapo ba kamo?Ehehehe Wala akong pakialam. Kumakain ako eh! Saka bakit ba pinag-aaksayahan nila ng oras ang gwapo? Nakakain ba yon? Psh "Hoy! Hinay-hinay!" Tiningnan ko si Eris na nagtatawa "Hmp! Dont talk to me, i'm still eating" sabi ko saka nagpatuloy sa pag kain, feeling close ako eh noh!Ahaha bahala na! Yan ako eh. Saka ayoko ng istorbo kapag kumakain ako "Haha! Oo na, di ka naman excited na makarinig ng kwento samin noh?" Eheheh obvious ba ko masyado?Naman! Naiintriga ako sa kwento ng paaralang to e. Kung makapagsalita kasi si mama at si Eril, parang impyerno para sa kanola ang lugar na to "Excited na nga ako kaya bilisan nyo na" pagsang ayon ko saka isinubo ang huling subo ng pagkain at saktong natapos na rin naman ang kambal kaya tumayo na ko "Hi *winks* bago ka dito?" tiningnan ko ang lalakeng biglang kumausap sakin Matangkad, tan ang skin, black ang buhok at....naka smirk. Anong meron sa smirk nya?Gusto nyang ipakita sakin kung gaano sya ka hot tingnan habang nakasmirk? "Tigilan mo sya Kaizer!" tiningnan ko si Eril na masama ang tingin dito sa Kaizer na to. Kaizer, bagay sa kanya angb pangalan nya. Pang playboy "Bakit Eril? Ayaw mo bang maging kaibigan ko sya?" nakangisi pa rin sya saka humarap kay Eril. Oh kay? Napansin ko namang nag-iisa syang nakatayo sa harap namin at may ibang mga lalakeng nakapwesto hindi kalayuan sa amin na nakatingin sa direksyon namin habang umiiling na nakatingin kay Kaizer the playboy, pansin ko ring bumibigat ang atmosphere, kasi naman ang sama ng tingin ni Eril kay Kaizer Teka, anong meron ba? Itong Kaizer na to ba ang tinutukoy nung dalawang babae kanina? Ang  ibang mga students naman dito parang pinipigil na ang paghinga Napansin ko rin ang limang lalakeng nakaupo na mukhang nag-eenjoy sa ginagawa ng Kaizer na to, kaibigan nya siguro "Wag mo syang isama sa mga laruan mo Kaizer" gigil na sabi ni Eril. Laruan? Sabi na't playboy to e "Ohh! Still can't get over me?" kumunot ang noo ko sa sinabi ni Kaizer boy. Mag ex ba sila? Napatin ako kay Eril, mukhang nanggigil na sya at ang intense na ng nangyayari,  ramdam ko rin na anytime ay susugurin ni Eril tong si Kaizer "Hep hep!Tama na yan. Eris,Eril, lets go! Ikaw naman kuya, padaanin mo na kami at kami'y may gagawin pa!" pag-aawat ko sa dalawa at hinila yung kambal saka nilampasan si Kaizer na nakangisi pa rin Kita kong nakatingin sakin ang mga students sa cafetaria, huh? Anong ginawa ko? Umawat lang ako ah! Saka ano ba talagang nangyayari. Anong papel ng Kaizer na yon dito at parang mga nayelo ang mga estudyante Dinala ko si Eris at Eril sa may garden kung saan kami napadpad at pinaupo sila sa bench "Explain!" Sabi ko habang nakapamewang sa harap nila. Para akong nanay sa dalawang to ah! "Ayos ah! Parang interrogation lang. Ikaw ang pulis at kami ang criminals" patawa-tawang sabi ni Eril na ikinangiwi ko Ayos nga! Ang bipolar din ng isang to! Parang kanina lang gigil na gigil siya at parang bulkan na anytime ay sasabog na tapos ngayon pangiti ngiti "Eehhh nacucurious na ko at naeexcite sa kwento ng academy na to eh" hindi ko pinansin ang pagkabipolar ni Eril at umupo nalang sa damuhan para kaharap ko sila Umiling-iling si Eril habang nakangiti saka nagsimulang magkwento "20 years ago, isang napakagandang school ang Southeast Academy, puro mababait at responsableng students ang nandito, until namatay ang dating may-ari ng school, simula non, nagbago ang Academy. Ang mga dating mababait na students ay nagbago, marami ang nagkakainggitan na umabot sa pagpapatayan, ang mga nasa top class ay nagkaron ng special treatments kaya lalong nagalit ang mga students na hindi kasama sa top class..." pagsisimula ni Eril Napasinghap ako at namilog ang mga mata dahil sa mga narinig ko. Normal ang magkainggitan, pero ang magpatayan dahil lang sa inggat. What the hell? Kaya ba ayaw akong papasukin dito ni mama? Shocks! "..Simula nang mamatay ang dating owner ng school, maraming nagbago. Nagkaroon ng rule na ang sinumang makakapatay sa kung sino man nasa top class ay syang papalit sa pwesto ng pinatay nya, in short, legal ang pagpatay!" pagpapatuloy ni Eris Bigla akong kinabahan at natakot, kung ganoon pala ang sistema ng paaralang ito, ibig sabihin lahat ng mga estudyante rito ay marunong pumatay? "Teka, bakit naman nila gugustuhing mapasama sa top class?" tanong ko, nacucurious ako eh, pwede namang maging average lang para maligtas pero mas gusto nilang nasa top class Kung tama ang pagkakaintindi ko ay ang mga nasa top class lamang ang nanganganib ang buhay dahil anumang oras ay maaari silang atakihin ng kung sinong nagkakainteres sa pwesto nya "Uso ang bullying dito, at maari kang mamatay o magpakamatay kung mahina ang loob mo. Ang mga students na hindi kasama sa top class ay tinuturing na basura at walang pakinabang, kaya kung ayaw mong mabully kailangan mong mapasama sa top class pero dapat handa ka din dahil ano mang oras ay may pwedeng pumatay sayo para makuha ang place mo" sagot naman ni Eril Kinilabutan ako sa sinabi nila, parang natuyo ang lalamunan ko at nalulon ko ang dila ko. Pakiramdam ko rin ay mauubusan ako ng dugo dahill sa mga nalaman ko. Hindi ako ligtas dito! "Ibig sabihin, ang mga nasa top class ang bully?!" Tumango naman ang kambal bilang sagot sa tanong ko Anong gagawin ko? Pag di ako napasama sa top class, mamamatay ako sa kamay ng mga bully, at pag kasama naman ako, mamamatay ako sa kamay ng binubully at mga sakim. Gosh! Ano ba yan, walang choice "Hindi ba ito alam sa labas?" Tanong ko ulit, kasi pwede namang magsumbong eh. Hindi naman siguro lahat ng mga estudyante dito ay duwag para hindi magsumbong "Hindi at kung ayaw mong mapaaga ang buhay mo, wag kang magkakamaling magsumbong dahil nang minsang may nagtangkang magsumbong sa labas, bigla nalang itong tinamaan ng bala ng baril na hindi namin alam kung saan nanggaling" lumunok ako dahil sa sinabi ni Eris Parang natuyo ang lalamunan ko. s**t! Ano tong pinasok ko? Wait...ano kaya kung.... "Kung iniisip mong magdrop out..wag mo nang subukan, dahil hindi ka makakalabas dito ng buhay kung gagawin mo yun" sabi naman ni Eril na tila nabasa ang iniisip ko Waaaaahhhh! Wala na ba talagang ibang paraan? Ano kaya kung magpanggap akong namatay? Ehh baka ilibing nila ako at hindi na ako makakabalik pa kay mama "Dumidilim na. Tara na sa dorm,kung ayaw mong makakita ng live na murder scene" mabilis akong tumayo at kumapit sa braso ni Eris at Eril God! Hindi na po ako magiging pasaway, ibalik mo na po ako kay mama please! "Haha dont worry! Hangga't nandito kami walang makakagalaw sayo. Hindi ka namin hahayaang mamatay" sabi ni Eris dahilan para mapanguso ako Hindi pa rin kumakalma ang puso ko na sobrang bilis ng t***k. Jusko! Baka sa sakit sa puso ako mamatay "Nga pala, pilitin mong makasali sa top class, since classmates naman tayong tatlo tutulungan ka namin makasurvive sa impyernong to" maya-maya'y sabi ni Eril "Pano mo nalaman ang section ko?" Taas kilay kong tanong kay Eril. Wala akong natatandaang sinabi ko ang section ko a! "Kadalasan sa magkaka roommate ay nasa iisang klase. Saka nakita ko sa keychain ng susi mo" sagot muli ni Eril saka ininguso ang susi na hanggang ngayon ay hawak ko pa rin pala Ang bait ng kambal na to! Nginitian ko sila saka binilisan ang paglalakad dahilan para mapatawa sila. Mukhang naramdaman nila ang takot ko Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD