Chapter 1
Ellah's POV
AERIES ELLAH LI is the name, 17 years old, 4th year high school
Nandito ako sa harap ng mataas na gate ng Southeast Academy, and when i say mataas, mataas talaga sya. Sayang! Hindi ko magagawa sa lugar na to ang ginagawa kong pag takas sa dating kong school. Haha
Anyways, mukhang okay naman ang school na to kahit medyo malayo sa kalye at puro puno ang nasa paligid
I never heard anything about this Academy before. Nirecommend lang to sakin ng dati kong kaklase na trip na trip pumasok sa school na to dahil parang ang astig daw at since naintriga ako kung anong meron sa school na to kaya dito ako nag enroll
Ang totoo, ayaw akong payagan ni mama na pumasok dito at hindi ko alam kung bakit parang gulat na gulat sya nang banggitin ko sa kanya ang Southeast Academy, pero dahil nga nacurious ako at likas akong pasaway, heto ako ngayon sa harap ng school na to
Actually, last week pa kong nag enroll,ngayon lang ako papasok kasi nahihiya ako! Aba naman! Wala akong kakilala dito noh, tsaka humanap pa ko ng tyempo kung pano makakatakas sa bahay. Isa pa ay hindi pa naman siguro regular ang klase
Saglit ko pang pinagmasdan ang paligid hanggang sa napagpasyahan ko nang pumasok
I took a deep breath saka inayos ang nerdy glass ko at naglakad palapit sa guard, style ko lang yung suot kong nerdy glass, para magmukha lang genius ganer
"Manong--"
"Anong kailangan mo?" oh ha!Bastusan! Di manlang ako pinatapos magsalita, bigwasan ko to si Manong eh. Saka bakit ang sungit neto?
"Manong, dito ako mag-aaral" sabi ko, tiningnan naman nya ko sa mata. Infairness kay manong ang ganda ng mata
"Anong pangalan mo?" tanong nya saka may kinuhang makapal na log book. Luh! Wala po akong criminal record
Teka, ganito ba kahigpit sa school na to at kailangan pang alamin ang information about sa students na papasok? Medyo nakakainis pero okay na din. Mukhang sinisiguro nila na walang makakapasok na walang makakapasok na taga labas. Hmm
"Aeries Ellah Li" sagot ko na medyo napapangiwi, naiinis na ko eh! Ang bigat kaya ng bag kong dala. Ang dami dami ko kayang gamit na pinagdadala ko talaga dahil baka itapon ni mama sa sobrang inis sakin dahil sa pagsuway ko sa kanya
"Pasok na!" Maya-maya'y sabi ni kuyang guard saka binuksan ang gate, actually may tiningnan pa syang log book bago ako papasukin,talagang may list? Oh diba wala akong criminal record. Psh
Hindi ko na pinansin si manong guard na masungit. Agad akong pumasok sa loob na hindi nagpapasalamat
"Woah~" nilibot ko ang paningin ko
Ang ganda dito! Pag pasok mo palang bubungad na sayo ang napagandang fountain at may mga bulaklak sa gilid ng daan papunta sa mga buildings
Waaaaahhhh ang ganda!!! Ang ganda ganda naman pala dito e bakit pinababawalan ako ni mama? Amp
"You're Ellah Li,right?"
"Ayy magandang kabayo!" napahawak ako sa dibdib ko at tiningnan ang kumausap sakin
Nanlaki ang mata ko saka yumukod. Hala jusme! Sobrang nagulat ako. Bigla ba namang nagsalita e nag-eenjoy pa ako sa pagpuri sa paligid
"Im sorry, Ms. Principal. Yes i am Ellah Li!" ako saka nag bow ulit. Kilala ko na sya dahil nang magregister ako online ay nakalagay din doon kasama ng nga requirements ang mga admins at principak ng school
"Come with me" sabi nya at tumalikod sa akin
Ang ganda talaga nya pero mukha syang masungit
Nagsimula syang maglakad at sumusunod lang ako sa kanya hanggang makarating kami sa Office nya. Syempre bitbit ko pa rin ang napakabigat kong bag. Argh!
"Here's your dorm key, nasa dorm na lahat ng kailangan mo at 4-Amethyst ang Section mo" nag bow ulit ako sa kanya bilang paggalang saka kinuha ang susi ng dorm room na may kasamang keychain kung saan nakasulat ang room number at agad na lumabas ng office
Pansin nyo? Kanina pa ko bow ng bow, may lahi sigurong kalabaw ang reader nito, de joke lang! Hihi peace tayo!
Teka?San pala ang dorm?
Esssh!Tanga!Bat di ko natanong?shonga ko naman. Ano naghahanap ako at magpapaikot-ikot sa napakalaking campus na to habang bitbit ang mabigat na gamit ko? Luh!!!!
May nakasalubong akong lalaking napakatangkad. Mukha syang masungit pero nagtanong pa rin ako, "Ahm, kuya san ang dorm...*tingin sa susi na may dorm number* Dorm B #365—ehh?" Nasan yung kausap ko?
Lumingon ako sa likod at...ayun!Naglalakad at parang walang pakialam sa paligid
Argh!Bastusan? Bwiset na lalake yun, nagtatanong ako eh. Maano mang sumagot sya o kaya kahit ituro nalang sakin kung nasaan ang hinahanap ko. Psh
Naglakad ulit ako habang nakasimangot ay mahigpit ang pagkakahawak sa bitbit kong bag, maya-maya ay may nakita akong babae na nakaupo sa bench at nagbabasa ng book. Agad akong lumapit at nagtanong
"Ate pwede magtanong?" lumingon sya sakin saka tumango. Right. Nagtanong na ko e.
Inayos ko naman ang nerdy glass ko saka nagtanong, "San yung Dorm B #365?" Tanong ko habang may tipid na ngiti. Pag ito katulad nung jerk tall guy kanina i swear papatulan ko to at makikick out ako kaagad
"Dorm mate tayo!Sunod ka sakin" sabi nya. Whoa!
Umawang ang labi ko na agad ding naging ngiti. Ang baeeettt nya!!Ganda pa. Hihi hindi ako makikick out
Tumayo sya at agad na naglakad, ako naman ay sumunod sa kanya habang bitbit pa din ang dalawang bag ko, tsk! Bakit ang bigat neto? Bakit dinala ko pati mga libro ko? Bakit? Argh
Pagdating namin sa kwartong may nakasulat na Dorm B #365 sa pinto, binuksan nya agad iyon at bumungad sa amin ang isang babaeng nakaharap sa salamin, nakikita ko ang reflection nya at...ang ganda nya!Teka?
Magkamukha lang sila eh!
"Uhmm Kambal kayo?" tanong ko
Sabay naman silang tumango at ngumiti. Woah~ Gusto ko rin magkaron ng kakambal e
"Im Eris Sy,sya si Eril Sy,ikaw?!" Ang bait naman nila
So si Eris yung nakaharap sa salamin kanina at si Eril yung nakausap ko kanina?! Teka, Eril at Eris Sy? Magkakahawig ang pangalan namin!
Pero ang gaganda talaga nila. Parang nahiya ang fes ko. Lmao
"Ellah Li" pagpapakilala ko saka nakipag kamay sa kanila
*kruuuuu kruuuuuu*
"Eheheh" awkward kong tawa
Bwiset na tyan to, ngayon pa nagreklamo, nakakahiya! Argh! Bakit ba kasi hindi ako kumain kanina bago ako umalis ng bahay? Uh!
"Hahaha, ibaba mo na yang gamit mo at sumama ka samin sa cafetaria" sabi ni Eril habang nakangisi
At dahil gutom na gutom na talaga ako ay agad kong ibinaba ang bag ko saka sumama sa kanila
-
NANG MAKARATING kami sa cafetaria na hindi naman kalayuan sa dorm ay agad kaming umupo sa isang bakanteng lamesa—i mean sa upuan.
May ilang students lang na kumakain, marami kasi ang nagdadaldalan lang at trip lang tumambay, sunday kasi ngayon kaya walang pasok
"Dyan nalang kayo, ako na oorder" sabi ni Eris
Oh diba!Kilala ko na sila kahit parehong-pareho silang kumilos at parehong-pareho ng style. Si Eril kasi medyo kikay magsalita samantalang malamig ang boses ni Eris
"Ano pala sayo, Ellah?" napatingin ako kay Eris saka sa counter. Hindi ko naman alam kung anong mga pagkain dito eh. Ano ba yan!
"Kahit ano nalang. Ikaw na bahala" sagot ko saka tipid na ngumiti
Nang makaalis si Eris ay bumaling naman ako kay Eril na titig na titig sa akin. Oh? Anong meron sa mukha ko?
"Bakit dito ka nag-enroll?" nangunot ang noo ko dahil sa tanong ni Eril. Ayaw nya bang nandito ako? Hmp!
"Wala lang, nacurious ako kung anong meron sa school na to eh, ayaw kasi akong payagan ng mama ko na pumasok dito" tamad na sagot ko, tumango-tango naman sya
"Mother knows best! Sana di mo nalang sya sinuway" sabi nya dahilan para maningkit ang mata ko at tinitigan sya
They're pushing my curiosity button. Bakit ba kasi? Ano bang meron sa school na to?
Pinakatitigan ko si Eril at nakikita ko sa mga mata nya na may gusto syang sabihin pero parang ayaw nyang sabihin. Huh? Ang gulo!
"May gusto kang sabihin!" bulalas ko matapos ipitik sa ere ang daliri ko, sakto namang dumating si Eris na may dalang isang tray at may kasunod na dalawang babaeng nasa middle age na may dala ring tig-isang tray na may pagkain
"Ang gusto nyang sabihin ay kumain na tayo kasi gutom na din ako,mamaya na kami magkekwento tungkol sa school na to" si Eris ang sumagot sa sinabi ko saka saglit na sinulyapan ang kakambal nya
"Thank you ate Mel at ate Wen" pasasalamat ni Eris sa dalawang babae na nginitian ko naman at tinanguan lang ni Eril
At dahil gutom na ko, nagsimula na akong kumain at ganoon din naman ang kambal na kasama ko
Habang kumakain kami ay okupado pa rin ng mga tanong ang isip ko, hindi rin maalis sa isip ko ang sinabi ni Eril, gusto ko nang magtanong, pero nagpigil ako kasi sasabihin naman daw nila mamaya
Itutuloy...