ALIZA'S POV
IT was a hectic and busy week for Naked Clothing. Ilang araw na lang ay gaganapin na ang Fashion Exhibit. It will be a runway fashion show that will introduce various designs created by the team. Ilang buwan din naming pinaghandaan ang araw na ito.
Casual and comfy apparel ang usual na mga damit na pino-produce namin; beach wears, smart-casual, street wear, at ibang istilo na pwedeng pang-OOTD. But this time, we decided to explore.
Wedding gowns.
“Nasaan si Chihara?” tanong ko sa kasama kong assistant. Iginala ko ang paningin sa buong production room mula rito sa glass window pero wala, walang bruha na naliligaw.
“M-May kikitain daw po na i-investor, Miss.”
“Ready na ba ang lahat?”
Sinulypan ko ito. Halatang hindi confident sa sarili dahil nakayuko at hindi makatingin sa mata ng kausap. At kanina ko pa napapansin na paputol-putol ang kanyang pananalita.
Napaikot ang bilog ng mata ko. “Look at me when I’m talking to you,” iritadong usal ko. I hate it when people can’t look at me in the eye, it feels like they’re lying or hiding something. Ang sama sa pakiramdam.
“S-Sorry po, M-Miss.” Inayos nito ang suot na malaking eyeglasses saka dahan-dahang nag-angat ng tingin. “R-Ready na po ang lahat, h-hinihintay na lang po ʼyong araw ng e-exhibit.”
Pinanlakihan ko ito ng mata kaya bahagya siyang napaatras. “Bulol ka ba? Can’t you talk straight?”
Gosh. Why is she stuttering? Simpleng tanong lang naman iyon. This is not a freaking graded recitation para kabahan siya ng ganito. Am I that intimidating? Pinasadahan ko ito ng tingin mula ulo hanggang paa. At kung pwede lang lumuha ng dugo dahil sa sobrang pagkaasiwa sa nakikita ay baka kanina pa bumaha ng pulang likido sa kinatatayuan ko.
Trouser with strap na tinernuhan ng maluwag at gusot-gusot na white long sleeves, note that checkered pa iyong trousers niya. Iyong suot niya lang na kulay dilaw na heels ang maganda sa aking paningin, pero hindi pa rin bagay!
“S-Sorry po, Miss. G-Ganito lang po t-talaga ako m-magsalita.”
“Speech disorder?” Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko para magtipa ng message kay Chihara.
To: Chichi
Where the hell are you? Iniwan mo na ba ako?
Nagsalita siya muli kaya mabilis ko itong ibinalik sa bulsa. Humalukipkip pa ako at mataman siyang tiningnan.
“K-Kapag n-nerbyos lang po ako g-ganito,” mahinang wika nito. I sighed, naging maamo bigla ang mukha ko.
“I’m not going to eat you, you know? Try to be more relaxed whenever you’re around people.” I tapped her shoulders. “And— por favor, pakiayos ng sense of fashion mo. Nakakairita tingnan, okay? I’ll give you brochures that would help you choose what suits you best.”
Nakita ko kung paano nagliwanag ang kanyang mukha kaya napahinga ako ng maluwag. I may be strict and intimidating at times but I don’t want my employees to build a gap between us. Hindi magandang magtrabaho sa environment kung saan mayroon kang kinakatakutan na isang tao. That would only cause a problem.
There’s a fine line between being a boss and being a leader.
“What’s your name?”
“S-Serah Mendilla.”
Nginitian ko siya para pagaanin ang hangin na namamagitan sa amin. Mukhang na-intimida lang dahil sa kilay kong on-fleek ngayon. Idagdag mo pa ang mapupula kong labi na tila ba mangangagat ng buhay.
Pinagmasdan ko ang kabuuhan ni Serah. I must admit, she is beautiful. Sa kabila ng malaking salamin na nakaharang sa kanyang mukha ay naaaninag ko ang mala-pusa nitong mata. Maliit ang mukha na bagay sa hubog ng kanyang katawan at halatang makinis din ang balat. Linisan lang ang kilay niyang sabog at lagyan ng liptint ang dry at chapped lips niya ay makikita agad ang pinagkaiba. Her true beauty is covered by those big glasses and not-so-fashionable clothes. She really needs a make-over.
“Okay, Serah. Pwede ka nang umuwi.”
Tinalikuran ko na ito at nauna nang umalis. Hindi ko na hinintay pa ang sagot nito dahil mabilis kong tinungo ang banyo. Napangiwi na lang ako nang madaanan ko ang dalawang employees na naghaharutan sa gilid ng hallway, na para bang walang pakialam sa paligid. Forever na kayo n’yan?
“Ah, Miss Ferrer. Mauna na po kami sa inyo.” Tango lang ang sagot ko sa tatlong babae na naabutan ko sa loob comfort room. Ni-lock ko muna ang pinto nang makalabas sila bago naglakad papunta sa sink. Itinukod ko ang dalawang kamay sa sink at saka pinakatitigan ang sarili sa salamin.
“Have you seen your old self, Aliza?”
I smiled bitterly.
I worked so hard to be on where I am today. Sa kabila ng patong-patong na problemang dumaan sa akin noon, nanatili akong positibo. Kahit na sobrang lugmok ako nang nagdaang taon, na pakiramdam ko ay kaaway ko ang buong mundo, ginawa ko pa rin ang lahat para maiangat ang sarili.
Umabot sa punto na hindi na ako nakakapag-ayos ng sarili. Inatake ako ng sobrang insecurities at lahat ng makikita kong babae ay kinaiinggitan ko. I was just like Serah, with the way she talks and dress-up.
No— I was way . . . worse than her.
Pinihit ko ang gripo para maghilamos. Nanginginig ang kamay ko dahil sa anxiety na muling lumulukob sa akin. Malalalim na paghinga ang ginawa ko, pilit pinapakalma ang sarili. Pault-ulit kong binasa ang mukha gamit ang malamig na tubig hanggang sa pati ang collar ng damit at buhok ko ay basang-basa na rin. Please, not today.
Simula nang lokohin ako ng ex-husband ko, nagkaroon ako ng anxieties. Maya’t maya ang pag-atake nito sa akin lalo na kung related sa kanya o kaya ay sa relasyon namin noon. It was very traumatic for me.
Nabalik lamang ako sa huwisyo nang tumunog ang cellphone ko. Pinunasan ko muna ng tissue ang aking kamay at mukha bago hinugot iyon sa bulsa. “I’m here na sa office. Nasa’n ka ba, ha?” bungad ni Chihara sa kabilang linya.
“Nasa banyo, nag-ayos. Hintayin mo ʼko r’yan.”
This isn’t the time to reminisce. Isang malaking oportunidad ang darating sa amin, pagkakataon na ito para makilala ang Naked Clothing sa bansa. Sinipat ko muna ang sarili sa salamin, inayos ko ang buhok at suot ko bago lumabas.
“Uwi na tayo?” bungad nito sa akin na prenteng nakaupo sa sofa. “Wait, naligo ka ba? Bakit basa ang buhok mo?”
“Kumusta ang meeting mo with the investor?” usisa ko nang makaupo sa swivel chair. Hindi ko na pinansin ang tanong niya at inabala na lang ang sarili sa pagligpit ng mga gamit ko. Pero lumipas ang ilang minuto at hindi pa rin siya nagsasalita kaya tinawag ko siya ulit. “Chihara, kumusta ang meeting?”
Napakamot ito sa ulo kaya nagtaka ako bigla. Don't tell me— “Okay lang naman. Tuloy ang pag-invest nila sa atin,” sagot nito.
Nakahinga ako ng maluwag pero hindi ko mapigilang magtaka sa kilos ng babaeng ito. Hmm, ano na naman kaya ang ginawa ng bruhang 'to? Pinanliitan ko siya ng mata.
“Are you sure? Bakit parang—”
“Yes, sure na sureness!” natatawang sagot niya at nag-thumbs up pa.
Saglit pa akong tumitig sa kanya bago bumalik sa ginagawa ko. “Great. Pupunta ba siya sa exhibit?”
Rinig ko ang tawa niya na ngayon ay halatang pilit. “O-Oo naman, gusto rin makita ang mga designs.”
Si Chihara ang kanang-kamay ko sa pamamalakad ng Naked Clothing. She’s my co-owner and partner. Pakiramdam ko ay hindi ko kakayaning mag-isa. Hirap akong makipaghalubilo sa ibang tao noon kaya napakalaking tulong niya sa akin. Ang pagiging modelo ko lang ang masasabi kong biggest break ko, dahil mula sa pagiging haggard ay naging maganda ako sa paningin ng iba. It was a stepping stone kaya naririto ako ngayon
“Let’s go.”
Mabilis itong napatayo dahil sa gulat, hindi ko na lang pinagtuunan ng pansin ang mga kilos niya dahil baka may iniisip lang kaya ganito siya ngayon. Kahit ako rin, may mga oras na wala sa huwisyo.
“Aliza,” pagtawag nito sa akin nang makalabas kami ng building dahilan para mapatigil ako sa paglalakad. Napalingon ako sa kaniya. “What would you do if—”
“If?”
“Uhh— nevermind.” At nauna na itong maglakad, leaving me curious with what she was about to ask.
Hinabol ko ito. “Chihara, is there something wrong?”
“Wala naman, praning lang talaga ako ngayon.” Muli itong tumawa ng pilit, pero alam kong umiiwas lamang siya sa tanong. Hindi rin ito makatingin sa akin kaya lalo akong nagduda.
“Uuwi ka na ba?” tanong ko sa kanya nang makarating kami sa parking area. Hinugot ko ang susi ng sasakyan mula sa bag at saka in-unlock ang pinto.
“Oo, medyo pagod ako ngayon, eh.”
“I see. Sige, may pupuntahan pa ako. Drive safe!” I waved her goodbye.
MALALAKAS na tugtugan. Nakakahilong ilaw. At nakakasulasok na amoy ng pinaghalong alak at yosi.
This is my night life. Mas pipiliin kong tumambay rito kaysa magmukmok nang mag-isa sa bahay. Mas gugustuhin kong mabulabog ng ganitong ingay kaysa balutin muli ako ng nakabibinging katahimikan, na tanging hikbi ko lamang ang nangingibabaw.
“Martini, please.”
Inilibot ko ang paningin ko sa buong lugar. Mga pamilyar na mukha ng regular customers at ilang mga baguhan. Napahinga ako ng malalim. This place is owned by a good friend of mine pero wala siya sa Pilipinas ngayon. I was told to drop by once, hanggang sa halos gabi-gabi na akong napapadpad rito.
“Are you alone?” Isang malalim na tinig ang pumukaw sa akin. Parang boses na nagmula sa ilalim ng lupa dahil sa sobrang gaspang nito.
“Tingin mo?” sarkastikong tugon ko. Wala akong katabi, ni kausap nga ay wala, mukha ba akong may kasama? Napaikot ang mata ko.
“Chill, woman!” He chuckled, with his hands in the air na tila ba sumusuko. Naupo na rin ito sa katabing stool at saka nag-order.
Ibinalik ko na lang ang tingin ko sa bartender nang iabot nito sa akin ang drinks. Hindi naman ako mahilig uminom, pero ito ang isa sa mga paraan para malibang ako dito. At isa pa, ang pangit naman tingnan kung tutunganga lang ako habang nakamasid sa mga nagsasayawan sa dancefloor.
“Wait—” Bumaling muli ako sa katabi ko nang bigla itong nagsalita. “You look familiar.”
Familiar?
Pinakatitigan ko ang mukha nito. Mula sa kumikislap nitong mata, matangos na ilong, mapulang labi, hanggang sa matipuno nitong katawan. Ilang minuto yatang nablangko ang utak ko dahil sa pamilyar na ngiti na iginawad niya sa akin.
Sh*t.
“R-Rick?”
“I knew it! It’s been a long time, Aliza Yvonne!”
Pakingshet. Ang bestfriend ng ex-husband ko.