ALIZA'S POV
“WOW.” Umiling ito na parang hindi makapaniwala na nasa harap niya ako ngayon.
“Ikaw nga, Aliza Yvonne!”
I tried to compose myself. Huminga muna ako ng malalim bago ngumiti ng matamis. “Well, what a great surprise to meet you here, Rick.”
Beat. Babaero, laklakero, at loyal dog sa hayop kong ex. Sino nga ulit ang palaging kasama ng animal na iyon tuwing dis-oras na ito ng gabi nakakauwi sa bahay? Oo nga naman, birds with the same feather, flock together.
“Wow— I mean, you look different! I’ve seen you on brochures, advertisements, and even on huge billboards and I must say you still look better up close!” He giggled, muntik nang mapaikot ang mata ko.
Is this one of his ways of flirting? Or is he just complimenting me? Nginitian ko lang ito at mataman na tinitigan, hindi na pinansin ang papuri na kanyang sinabi. Walang nagbago sa mukha ng isang ’to, mukha pa ring animal— animal sa pagpapaikot ng babae.
Minsan niya na akong dinaan sa mga banat at cheesy lines niya pero walang epekto sa akin dahil masyado akong nabulag ng kaibigan niya. Kung tutuusin, sa kanilang dalawa ay si Rick ang una kong nakilala. Siya na lamang ang naging daan para magkamabutihan kaming dalawa. Napabuntonghininga ako nang mapagtanto na tila ba lumiliit ang mundo namin.
“Are you here to find a bed warmer?” diretsong tanong ko rito, bakas ang pagkagulat sa kanyang mukha nang marinig iyon. Napalunok pa ito bago nag-iwas ng tingin.
“Nah, I'm here to unwind.” Nawala ang ngiti sa kaniyang labi saka mabilis na lumagok sa alak na iniinom niya. Matunog akong ngumisi.
“I see. Well, I guess I’ll see you around, Rick. Mauna na ako sa ’yo,” nakangiting turan ko saka tumayo. Inayos ko muna ang suot kong damit bago tumalikod. Ngunit mabilis akong napalingon sa kaniya nang tawagin niya ako.
“Can you stay? I just need a companion, that’s it.”
Ilang segundo yata akong napako sa kinatatayuan ko bago dahan-dahang humarap ulit sa kaniya. Hindi naman siguro masama? Hindi naman ako galit sa kaniya, naiinis siguro pero hindi naman gano’n katindi para hindi siya pansinin.
“Do I have a choice?” napipilitan ngunit nakangiting sagot ko at naupo ulit sa high stool na nasa tabi niya. “So, what’s bothering you today?”
Narinig ko ang malalim niyang pagbuntonghininga sabay inom ng hawak niyang alak. Batid kong hindi siya mapakali kaya’t nandito siya ngayon. Kung wala lang talaga kaming pinagsamahan noon ay hindi ko naman siya sasamahan.
“Puwede mo naman akong iwan, mukhang napipilitan ka, eh,” biro nito kaya inismiran ko siya.
“Nah, pasalamat ka at mabait akong tao,” sagot ko. Double meaning ʼyan, g*go.
Ilang minutong katahimikan ang bumalot sa amin. It’s been four years since we last saw each other. Ilang taon din ʼyon. There’s a wall between us dahil sa mga nangyari noon between me and his best friend. Alam kong naipit din siya dahil pareho niya kaming kaibigan.
“Do you hate me?”
Hindi ko pinahalata ang gulat dahil sa tanong niya. Do I hate him? Do I have a reason to hate him? Oo nga at kaibigan siya ng ex ko, kasa-kasama sa inuman at gala noon na naging dahilan ng minsan naming pag-aaway.
“Do I have to hate you?” balik-tanong ko sa kaniya kasabay ng pag-inom sa in-order kong drinks.
Pumihit siya ng upo para humarap sa akin. “Ewan, I’m your husband’s bestfriend. Baka pati sa akin ay galit ka dahil sa ginawa niya.”
“Ex-husband,” sita ko sa kaniya. Tinawanan niya lang ako habang umiiling.
“Yeah, ex-husband. But technically, you’re still married so he’s still your—”
Padabog akong tumayo at akmang aalis na dahil nabubuwisit na naman ako. Mabilis din siyang tumayo at marahan akong hinawakan sa braso para pigilan.
“Hey, hey, I’m just joking. I’m so sorry, Aliza,” sumusukong aniya gamit ang malambing na tinig. “Huwag mo naman akong iwan, oh.”
Nagsalubong ang kilay ko. What the hell is this? Bakit para kaming magjowa na nag-aaway? Tinabig ko ang kamay niya na nakahawak sa akin saka humalukipkip sa harap niya.
“Don’t ever mention that as*hole, Henrick,” mataray kong sumbat saka naupo muli sa high stool. Malalalim na paghinga ang ginawa ko dahil sa kakaibang pakiramdam.
Buwisit na magkaibigan ’to. Wala nang ibang ginawa kung ’di guluhin ang nananahimik kong buhay.
“I'm sorry. Masyado lang yata akong nadala sa pagkikita natin kaya kung ano-ano na naman ang lumalabas sa bibig ko,” paghingi niya ng tawad. “I’m just so glad to see you again, Liz.”
Liz. That was my nickname—no, siya lang pala ang tumatawag sa akin sa ganiyang pangalan. People usually call me Aliza or Yvonne, but Rick was so used to calling me Liz way back in college. I told you, nauna ko siyang nakilala bago ang best friend niya na naging asawa ko.
“Ewan ko ba kung matutuwa ba akong makita ka ngayon,” banas na banat ko sa kaniya kaya siya napahalakhak. Iyong tawa na lalaking-lalaki, malalim at sexy.
Sexy? What the f*ck are you saying, Aliza Yvonne? Halos sabunutan ko ang sarili ko dahil sa mga pumapasok sa isip ko. My gosh, ito na ba ang epekto nitong iniinom kong alak?
Henrick Deogracia. We met during college. Pareho kami ng kurso na kinuha kaya may ilang subject na magkaklase kami. He was the typical guy na maraming nagkakagustong babae at binabae.
Handsome, sporty, and rich. He was the campus basketball team’s MVP and the crowned Mr. University. Ewan ko ba kung ano ang nagustuhan nila sa lalaking ’to, eh. Bukod sa babaero na ay masiyado pang pilyo. Kulang na lang ay lagyan ng plaka sa noo nito na may nakasulat na, Babaero ako, huwag tutularan.
Naging close lang kami dahil sa isang project noon. We were partners that time, at iyon din ’yong panahon na nakilala ko ang matalik niyang kaibigan. Siya iyong tumulong sa presentation naming dalawa.
Anyway, that was ages ago. Ayoko nang alalahanin pa at naririmarim lang ako. Baka bigla ko na lang mahampas itong katabi ko sa sobrang inis.
“Baka mabasag 'yang hawak mong baso,” untag niya sa akin. Hindi ko namalayan na napahigpit na pala ang hawak ko sa baso. Mabilis akong napabitaw roon.
“Baka maibato ko 'to bigla sa ’yo,” banta ko sa kaniya at muli siyang napahalakhak.
I don’t know. Sa kabila ng nangyari sa akin noon, hindi ko makuhang magalit sa lalaking ito. Isa siya sa sobrang apektado sa nangyari sa akin noon. He tried to contact me, to reach me out, pero ako 'yong lumayo at nagtago.
He stayed as a friend kahit na kaibigan niya rin iyong sumira sa akin. He was neutral. He didn't take sides. Alam ko ’yon dahil minsan na rin kaming nagkasama.
“I guess it was nice meeting you again, Henrick.”