
"Sheena halika.!" tawag sa kanya ng Tito Arnel..
"Yes po Tito.!" wika Niya ng makalapit Dito..
"Guys, ito na nga pala si Sheena.. Sheena, Ang ate Rosie kapatid ko at kuya Sancho.. Sila Ang mommy at Daddy ni Gian.. Siya Naman si Ruel Kuya Niya, at asawang si Monica.. at ito naman Ang ate Sophia ni Gian.." pakilala ni Tito Arnel sa kanya sa Pamilya ni Gian.. Tahimik lang Naman at pangiti ngiti si Gian, habang katabi si Reniel..
"hello po.!" bati Niya sa mga ito..
"Hello Sheena.!" isa isang bati naman ng mga ito sa kanya..
"Naku Bagay na bagay nga kayo ni Reniel hija.!" wika ng mommy ni Gian na ikina pula ng kanyang mga pisnge..
At Napa simangot Naman siya ng masamid sa iniinom na alak si Reniel.. Umubo ito ng Umubo at lumabas ng gallery para palipasin Ang pagka samid..
'anong feeling Niya.? dihado siya sa'kin.? laki ng pagka ayaw Niya sa akin ahh as if na subra niyang gwapo..' Bulong sa isip ni Sheena..
"At naku ate, maganda Ang boses ng mamanugangin ko na iyan.." wika pa ng Tito Arnel.. Matabang Naman siyang napa ngiti sa narinig..
"Tito Arnel kung Maka manugang ka Naman diyan eh mukhang walang ka alam alam si Sheena sa pinagsasabi mo.." wika Naman ng kuya Ruel ni Gian na mukhang napansin din Ang naiilang niyang mga ngiti..
"Kaya nga Tito, at si kuya Reniel.? aba, ay magpapa Misa ako pag yan ay nag seryuso na.." Maka hulugan namang wika ng ate Sophia ni Gian..
"Aba ay kung yang si Sheena Ang pagsi seryusuhan ni Reniel ay talagang ako Ang sasagot ng lahat ng gastos sa kasalan.." wika naman ng Daddy ni Gian..
Nasamid Naman sa laway si Sheena dahil sa mga narinig kayat minabuti niyang magpa alam nalang..
Nakasalubong pa Niya sa Daan palabas ng gallery si Reniel napahinto Sila pareho na waring parehong may sasabihin pero lumampas narin si Reniel kaya Dumiretsu na Rin siya palabas ng Lugar na iyon..
"Oh my god, kasal.? eh Hindi nga kami magkasundo ni Reniel tapus kasal.?" Natatawang nausal ni Sheena habang naglakad papunta sa kwarto Niya.. Gabi na at awas na siya sa trabaho kanina pa, Pinatawag lang siya ng Tito Arnel niya para ipakilala sa pamilya ni Gian..
"Manugang.! pasuyo Naman, paki timplahan mo Naman kami ng kape ni Reniel oh, please.!" Malambing na wika sa kanya ni Tito Arnel Kaka Labas Niya pa lamang Mula sa kanyang kwarto.. Ready na siya para sa duty Niya pero nagulat siya na may madadagdag sa trabaho niya at iyon ay Ang ipag timpla ng kape Ang mag-ama..
Naka ngiti Naman siyang tumango Bago pumasok sa kusina para ipag timpla ng kape Ang mag-ama..
"Naku salamat manugang huh.? napaka ganda talaga ng mamanugangin ko.!" matamis Ang ngiting pambobola ng Tito Arnel..
"Pwede ba, maputi lang Ang babaing yan pero Hindi Naman maganda.. pag umitim yan Ang panget nyan maniwala ka sakin.." bulalas ni Renniel sa ama dahil sa panunukso nito sa kanila..
"huy excuse me.. as if naman na Nagu gwapuhan ako Sayo ha.! akala mo Ang gwapo mo ah.! Eh Mukha ka namang bakla.!
"abat talagang.!" Singhal pa nito sa kanya..
"aba Reniel tumigil kana.! at baka bukas lamunin mo ang mga sinasabi mo at malaman nalang Namin na nililigawan mo na itong si Sheena.." wika Naman ng tita Rosie ni Reniel na naandun din sa table nila..
"Hay naku, kahit yan nalang Ang babae sa Mundo, Hindi ko yan papatulan..!" wika pa ng binata Bago nag walk out at pumunta sa kanyang kwarto..
"Ang batang yun, wag ka maniwala iha sa sinasabi ng batang iyon at iyon ay nabubulagan lamang.." aliw ng ama ni Renniel Kay Sheena.. Na naiiling pa sa mga iniaasta ng anak nito..
"Naku Tito Wala po sa akin yun, siya lang naman po ang nakapagsabi sakin ng mga ganyan sa buong Buhay ko.." wika nman ni Sheena sa matanda habang naiiling at natatawa lamang sa mga pinagsasabi ng anak ng manager nya sa trabaho..
"Iyan Ang sinasabi na the more you hate the more you love.." kinikilig na wika naman ng ate Sophia ni Gian na lumabas din Mula sa kusina na narinig din pala Ang pinagsasabi ni Reniel..
"Sheena sumunod ka sa akin.." biglang wika sa kanya ni ma'am Rosie..
Bagaman at nagtaka ay sumunod naman si Sheena, at nagtungo ito sa kanilang kwarto..
"Halika hija.!" Wika pa nito ng naka upo na ito sa harapan ng Isang magandang fresh'in up table na may malaking salamin..
"Bakit po ma'am.?" Nagtataka pa Rin niyang tanung..
"umupo ka Dito at aayusan kita.! Tingnan natin kung hindi tumulo Ang laway niyang si Reniel pag Nakita ka mamaya.." wika nito na mukhang seryuso sa Pina planong Gawin sa kanya..
"Naku ma'am huwag na po nakakahiya Naman po.." tanggi Niya Dito..
"Naku Sheena, huwag ka ng mahiya.. at tita nalang din Ang itawag mo sa akin ha.?" wika nitong muli at tuluyan siya nitong Pina upo sa katabi nitong upuan at inayusan.. "Alam mo hija, maganda Kang Bata, at napaka ganda mo Lalo na pag naayusan ka, siguradong lalamunin ni Reniel Ang mga sinabi Niya kanina.." seryusong wika pa nito..

