Episode 13

2687 Words
Renniel pov Nagmamadali si Renniel sa pagbalik sa counter upang dalahin ang mga in-order ng costumer na nilapitan nya.. Pero biglang may pumalakpak na costumer sa ibang table na naghihintay din ng waiter na kukuha ng orders nila kaya napalingon sya doon.. Pero patuloy syang lumakad ng mabilis papunta sa counter kahit nakalingon sa pumalakpak na costumer at sumenyas sya na babalik sya.. Pero laking gulat nya ng may mabangga syang tao.. "outch.!" narinig nyang wika ng Isang babae na kita nyang napaurong sa pagka bangga nya, pero dahil Hindi Naman kalakasan Ang pagka bangga nya ay laking pasasalamat nya na Hindi Sila pareho na out of balance.. "sh*t.! ano-" natigilan sya ng makita ang magandang babae sa harapan nya na animoy nag slow motion Ang bawat kilos sa pagkakita Dito ay Napatda na sya.. "I'm sorry miss.!" wika nya ngunit nangunot Ang noo nya ng tabigin nito Ang kamay nya ng hawakan nya ito sa braso.. 'arte Naman.!' nausal nya sa isip.. Pero napalingon sya ng may magsalita sa likuran ng dalaga at Nakita Ang kaibigan.. "ohh bro kumusta.?" wika ni Zxander na kaibigan nya.. "ohh Zxander Ikaw pala naligaw ka Anong atin.?" wika naman nya dito.. "ahh sinamahan ko lang itong kaibigan ko Dito mag-aapply ng trabaho.. Kausap ko na si Gian hinihintay kami, sa Gallery daw.." wika nito sabay hawak sa braso ng dalaga.. "sya nga pala si Sheena kaibigan ko.! Sheena si Renniel pinsan ni Gian empleyado din yan Dito makakasama mo dito pag natanggap ka.." baling nito sa dalaga at Saka Sila pinagkilala.. "ahh Kasama mo pala.." wika nya saka inilahad ang kamay nya dito upang makipag kamay.. Inabot naman ng dalaga ang kamay nya pero mabilis din nitong hinila ang kamay nito mula sa kamay nya na muling ikina kunot ng noo nya.. 'maganda sana pero mukhang Maarte.! hinila agad Ang kamay Akala nya sa kamay ko madumi.?' nausal nya sa isip.. "Sige bro, sasamahan ko lang si Sheena sa gallery.." paalam ni Zxander.. "Sige at ihahatid ko din itong paorder ko sa counter.." wika nya at dumiretso narin sya patungo sa counter ng makitang tumungo narin sa gallery Ang dalawa.. Pag dating sa Counter ay iniabot nya sa preparing section ang papel na nakasulat Ang mga paorder.. habang ipini prepare Ang mga orders ay sininyasan nya Ang Isang waiter din at itinuro Ang mesa ng pumalakpak sa kanya na dahilan upang mabangga nya Ang magandang dalaga na waring na engkanto sya dahil nakatatak agad sa utak nya Ang Mukha nito.. Ngunit nangunot Ang noo nya ng maalala Ang pag tabig nito sa kamay nya ng mahawakan sa braso at Ang mabilis nitong paghila sa kamay ng makipag kamay sya.. Uminit Ang ulo nya sa isipin na may babaing gagawa sa kanya ng ganun.. Kinababaliwan sya ng mga babae na kahit ngitian nya lang ay kitang kita nya agad Ang mga kinikilig na kababaihan.. pero Ang babaing yun.? Napailing sya sa isipin at subrang dissapointed sya sa ginawa ng babae sa kanya.. 'oo Mukha syang anghel sa ganda at oo sya lang Ang Nakita Kong pinaka maganda sa lahat ng babaing Nakita ko pero yung Arte nya.? at si Zxander pa Ang Kasama nya.. tsk.! Kilala ko si Zxander, sa ganda nya Sigurado akong Hindi lang sya kaibigan.. at kung sa pagiging babaero lang din Naman ay Wala kaming pinag kaiba ni Zxander.! pero malupet sya ngayon kung makuha nya Ang maganda pero maarting babae na yun.!' maktol sa isipan ni Renniel.. Napapitlag Naman sya at napabalik sa kasalukuyan Ang naglakbay nyang isip ng tapikin sya sa balikat ng kasamahan nyang waiter.. "huy Renniel.! ready na Ang mga orders ng table ng costumer mo.!" wika nito.. "ahh Sige salamat.!" wika nya saka kinuha Ang mga orders at Inilagay sa tray.. dalawang tray iyon ngunit nagawa nyang dalahin sa kabilang nyang mga palad Ang dalawang tray.. Palibhasa ay sanay na sa trabaho kaya madali nalang sa kanya Ang Gawin iyon.. Sheena pov Nang matapus Ang interview nya ay tumayo na Sila ni Zxander at aktong aalis na ngunit napatigil Sila ng magsalita si Gian.. "Sandali bro, inom muna Tayo sandali.. matagal narin Tayo Hindi nagkainuman ah.!" wika nito "Naku bro, ihahatid ko pa si Sheena eh mahirap mag maneho ng nakakainom tsaka maagap pa mamamasada muna ako alam mo na.. Pero hayaan mo pare at bukas pag hatid ko sa kanya Dito ay tatambay ako Dito para magka inuman Tayo at si Renniel.!" tanggi ni Zxander sa kaibigan at Saka lumapit na ng tuluyan sa kanya.. "Sige bro, bukas aasahan ko yan ha.?" wika nito "Sige po sir Gian mauuna na po kami.." Paalam Naman nya dito.. "kanina ko pa naririnig yang kaka sir mo.! pero ganto nalang, since kaibigan ka ng kaibigan ko, ay Gian nalang din Ang itawag mo sa akin.." wika Naman nito sa kanya.. "ahhm, okey po Gian.!" sagot naman nya dito.. "and Wala naring po nakakatanda ha.! 28 lang Naman ako.." wika nito sa kanya.. "ahh okey Gian.!" Hindi naman sya nahirapan na Gawin Ang utos nito dahil sa totoo lang ay mas sanay nga sya na sya Ang tinatawag na ma'am kahit saan sya magpunta Lalo na sa company ng Daddy niya at maging sa restaurant ng kuya Richmond nya.. Kinailangan nya lang maging lower level dahil magiging empleyado sya sa restaurant na ito.. "okey good.!" si Gian muli.. "so pano bro, bukas nalang.?" singit naman ni Zxander.. "Sige bro, Sheena, mag-iingat kayo.." "Sige Gian, tuloy na kami.." muling wika nya dito.. Pag labas nila ng gallery ay Nakita niya na may mga customer sa restaurant at huminto sya sandali upang panuorin Ang mga waiter at waitress sa ginagawa ng mga ito.. Huminto din naman si Zxander upang magpaubaya sa nais nya.. Nakita nya Ang lalaking mahaba Ang buhok na naka bangga sa kanya kanina na abala sa pag babalik balik sa mga customer upang kumuha at maghatid ng mga orders.. Humanga sya ng makita Ang ginagawa nito na halatang bihasa na sa trabaho nito.. nakapatong lang sa tatlong daliri Ang tray at halos umikot pa Ang tray sa pag lalapag nito sa table ng mga customer.. at nagagawa nito iyon kahit dalawang tray Ang Dala kabilaan sa dalawang braso nito ngunit Walang natatapon.. Sa tingin palang nya ay Hindi nya kayang Gawin Ang ginagawa nito kung sya Ang gagawa.. Napatda Naman sya ng makita itong tumingin sa Gawi nya at ngumiti ng matamis sa kanya.. bumilis Ang t***k ng puso nya sa Nakita dahilan upang mangunot Ang noo nya at muling bumaling sa Kasama nya.. "let's go Zxander.!" wika nya sa Kasama nya at agad Naman sya hinawakan sa siko ng binata at inalalayan palabas ng restaurant.. At Hindi din nakalampas sa kanya ang pagkunot ng Mukha ng lalaking kanina ay nakangiti sa kanya.. "Bro, start na sya bukas.!" pagbabalita ni Zxander sa kaibigan ng madaanan nila.. "ahh okey congrats.!" wika ng lalaki na tumingin lang sa kanya ng Walang emosyon Ang mukha.. "Sige bro, bukas tambay ako Dito iinom daw Tayo Sabi ni Gian.." wika muli ni Zxander.. "ahh eh duty ako bukas sa Isang linggo pa ako pang Gabi.." sagot nito.. "ay di sa Gabi Tayo mag inom pagkatapus ng duty mo.. para mamasada din muna aq maghapon.." "ahh sige go ako dun.." "Sige bro, mauuna na kami ni Sheena.!" Saad ni Zxander Saka muli syang hinawakan sa siko upang igiya palabas ng restaurant at papunta sa tricycle nito.. Tahimik na silang nagbi byahe patungo Naman Sila ni Zxander sa sinasabi nitong apartment.. Nakarating Sila sa unang apartment na malapit sa pagta trabahuhan nya pero Wala nang bakante.. kung tutuosin kaya nya Naman mag check-in sa hotel ng restaurant na pagta trabahuhan pero syempre hindi iyon maaari.. nasa tatlo na Ang napagtanungan nilang apartment na puro walang bakante.. Kinabig ni Zxander sa gilid ng kalsada Ang tricycle nito at inihinto sa tabi Saka tumunghay sa kanya.. "Sheena may alam akong bakante Kaso boarding house lang yun at may mga makakasama ka sa Kwarto parang dorm ba.." narinig nyang wika ni Zxander na nakasilip sa kanya Mula sa driver's seat sa motor nito.. "okey lang Basta mga babae din Ang makakasama ko.." wika Naman nya dito.. "oo bawal talaga Ang lalaki dun puro babae lang doon kaya lang ay Hindi ako makaka dalaw Sayo dun Kasi bawal nga Ang lalaki.." wika nito na naka nguso pa at aktong Bata na nalungkot sa sinabi nito.. "okey lang yun kukunin nalang kitang service para Ikaw maghatid sundo sakin sa trabaho.." sagot nya Dito at Nakita nya Ang malapad nitong ngiti.. "talaga.? sabagay oo pwede Naman.." wika nito.. "oo tapus babayaran nalang kita kahit 10k per month.." wika nya Dito as if na tatagal sya ng ganoon sa trabaho.. "haha kahit Hindi na.. at sa akin nalang mapupunta Ang sasahurin mo dun.." natawang nasabi ni Zxander sa kanya.. Nagulat Naman sya sa sinabi nito at naalala na Hindi pala nya naitanung kung magkano Ang sasahurin nya sa pagta trabahuhan.. "what.? you mean maliit lang Ang sasahurin ko dun.? I forgot to ask Gian for my salary.." wika nya na napanguso pa.. "Bukas yun sasabihin Sayo habang itinuturo Sayo Ang gagawin mo.. pero Ang alam ko, naka fix na sa 10k Ang monthly doon.. magkaka extra ka lang doon kung may customer na mag-iwan ng tip sa table nila.." "ganun.?" nagulat nyang wika dito pero okey lang Naman sa kanya Kasi Hindi naman sweldo Ang habol nya kundi experience.. "pero okey lang, Basta service kita kahit Sayo mapunta sasahurin ko deserve mo yun subra mong bait sakin eh, I have my money anyway.. I just need to enjoy life and see what I can do away from my parents.. At gusto ko ma-experience Yung Buhay ng mga simpling tao tulad mo.." wika nya Dito na natawa Naman ito sa mga sinabi nya.. "Hanga din ako Sayo.! Kaming mahihirap nangangarap maging mayaman at maranasan Ang Buhay mayaman tapus Ikaw nangangarap ka ng Buhay mahirap..! tsk.! iba ka din.." wika ni Zxander na naiiling pa sa kanya.. "Don't worry, if you want to, I can help you to have a better life than what you have now.. We have an schoolarship program and I can help you to be one of them kahit sa pinagtapusan ko ng pag-aaral na International University.. actually, my shares Ang Dad ko sa school na yun.." seryusong wika nya kay Zxander at Nakita nya ang pamimilog ng mga mata nito.. "Seryuso ka.?" wika nito at Hindi nakatiis ay Bumaba Mula sa motor nito at umikot papunta sa sidecar na kinaruruunan nya.. At doon Naupo sa toolbox noon sa loob.. "yeah I'm serious.!" taas noo nyang wika Dito.. "So Hindi ka lang pala Basta Basta mayaman, as in galing ka pala talaga sa pamilyang millionaire.?" muli nitong wika ng makaharap na nya ito.. "Yeah but would you keep quiet.? Secret lang natin ito Diba.?" wika nya na tumingin pa sa paligid at nag-aalalang bka may makarinig sa kanila.. ngunit Wala namang masyadong tao sa Lugar dahil Wala ding bahayan sa hinintuan nila.. nasa gilid lang Sila ng kalsada pero nasa ilalim ng malaking Puno Ang pinagparadahan ng tricycle kaya Hindi masyadong mainit.. "Oo Naman, kaya lang baka mamaya mapahamak ako Sayo at mapagkamalan pa akong kidnapper ha.?" wika nito sa toning nag-aalala narin sa natuklasan tungkol sa kanya.. "No way as long as Tayo lang Ang nakaka alam ng secret ko safe Tayo pareho.." matigas nyang Saad Dito.. "okey, okey pero Hindi ako makapaniwala.. Paanong Ang isang anak ng millionaire ay naglayas at Hindi ipahanap ng pamilya.?" wika muli ni Zxander na naka kunot Ang noo.. Obvious Naman na anak mayaman sya dahil sa hitsura, sa kinis ng kutis, sa porma at sa pananalita.. Pero may point sya sa isipin na Isang hiers Ang naglayas at Hindi ipinapahanap ng pamilya.. "I understand you, but I have my big reason para hayaan nila ako sa gusto ko.. First, Hindi na ako Bata.. Second, tapus na ako ng college at worst, ayaw ko sanang sabihin Sayo pero mukhang kailangan mo na malaman.. Lumaki ako na Unica iha at bunso sa aming magkakapatid apat Ang kuya ko.. Subra nilang strict pero never ako nag demand sa kanila I was just so obedient.. And I just graduate last week sa course ko ng Physiotherapy.. But suddenly, sa lahat ng surprise na ibinigay sa akin ng pamilya ko.. May isang surprise na Hindi ko matanggap at yun Ang dahilan kaya ako naglayas.." mahabang kwento nya sa kaibigan na matamang nakikinig sa kanya.. Hindi narin niya napigilan Ang pagtulo ng luha.. Nataranta Naman si Zxander at Hindi malaman kung yakapin ba sya o iiwan nalang muna.. Pero naramdaman nya na hinagod nito Ang likod nya.. "Sorry, pero ano ba Yung surpresa na yun bakit Hindi mo matanggap.? na ampon ka yun ba.?" natawa Naman sya sa tanung nito.. "Nope, Hindi ako ampon.. Pero Ang masakit, nalaman ko na may anak sa labas Ang daddy ko at babae din tapus mas bunso pa sakin.. So, Hindi na aq Unica iha, tapus Hindi pa ako bunso.. How unfair Diba.?" muling napahikbi sya sa mga sinabi nya.. Ngayon lang sya nakapag labas ng sama ng loob.. 'Sus Sheena, yun lang, naglayas kana.? eh Hindi Naman siguro nun mababawasan Ang mamanahin mo ah.!' nais sana itong sabihin ni Zxander sa dalaga ngunit naisip nya na napaka insensitive naman nya kung sasabihin nya ito sa umiiyak ng kaibigan.. "okey lang yan, matatanggap mo din yun.." wika ni Zxander na Hindi na napigilang yakapin sya dahil sa pag-aalala nito sa kanyang pag-iyak.. "I'm sorry Ngayon lang ako nakapag labas ng sama ng loob sa iba Mula ng malaman ko Ang bagay na yun.." wika nya na unti unting pinakalma na Ang sarili.. "okey lang pero tahan na at baka mamaya ay may makakita pa satin Dito at mapagkamalan pang pinapaiyak kita.." alo sa kanya ng kaibigan.. "okey here look para maniwala ka sa sinasabi ko.!" wika nya at iniabot sa kaibigan Ang kanyang identification card na naglalaman ng tunay nyang pangalan.. "Chesca Sunlight Sebastian Del Juega.?" Muling Nanlaki Ang mga mata nito sa pagkakita sa kanyang I'd.. "anak ka ng Del Juega's construction firm and development company na nagmamay-ari ng Sunlight Subdivision na kalat na sa iba't ibang lugar.? so ikaw si Sunlight Del Juega.?" halos mapasigaw na Ang boses ni Zxander sa gulat.. Ngunit napatutop ito sa bibig ng kutusan nya ito sa ulo.. Nagpalinga linga Sila pareho at Saka nakahinga ng maluwag ng makitang Wala paring taong dumadaan dahil Hindi Naman talaga daanan ng tao Ang lugar na pinaradahan ng tricycle nito kayat mga sasakyan lamang Ang dumadaan Doon.. Natahimik Naman si Zxander at muling nag-alala para sa kaligtasan nya.. "So Hindi ka nga Basta Basta pero Inilagay mo Ang sarili mo sa alanganin alam mo ba yun.? Paano kung may Maka Kilala Sayo at ma kidnap ka.?" Pabulong ng wika ni Zxander Dito.. "don't be so paranoid, umalis na Tayo puntahan na natin Ang boarding house na sinasabi mo.!" wika nya Dito at ayaw nya ng pahabain pa Ang usapan.. " Kilalang Kilala Ang Del Juega's Empire dahil sa construction firm nito.. Sila Ang nagmamay-ari ng ilang mga kilalang subdivision na kalat na sa iba't ibang lugar.. At Ang Isa sa pinaka kilalang project nito ay Ang Sunlight Subdivision na kinuha sa pangalan ni Light.. Dahil Ang project na ito ay Isang pabahay na abot kaya maging ng mga minimum wage earner.. Minsan na ring mga TV commercial for endorsement.. "Kaya pala parang familiar sa akin Ang Mukha mo.! Lumabas pa nga pala sa Balita noon Yung Debut mo.!" wika muli ni Zxander na noon ay mukhang nailang pa sa kanya.. Bagaman at parang na engkanto sa natuklasan ay sumunod naman si Zxander sa sinabi nya.. tumayo na ito at gumiya papunta sa driver's seat ng tricycle ngunit muli itong tumunghay sa kanya.. "mag aalas onse na pala kumain muna Tayo ng Tanghalian at nagutom ako sa mga sinabi mo.." wika muli nito.. "okey nagutom nga din ako.." sagot nya dito at nahawakan pa Ang tiyan sa pag Kalam nito.. -to be continued-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD