Episode 8
-Light
Matapus Kumain ay inihatid na sya ni Zander sa Kwarto nito na ipapagamit sa kanya ngayong Gabi upang doon matulog.. Hindi narin naman na sila lumayo dahil nasa likuran lang pala nya ang pinto ng Kwarto nito..
Pagpasuk sa pinto ay may maliit na papag na kasya Naman siguro Ang dalawang tao pero Hindi pwede kung malikot Kasi mahulog talaga.. Kung susukatin nya ito ay masasabi nyang malaki pa ang Banyo sa sarili nyang kwarto sa Mansion kesa Dito.. Pero humanga sya sa linis at bango ng Kwarto nito na parang kwarto ng babae.. May nakasaradong bintana na kahoy ang sarado at may kurtina din na blue.. May mga nakadikit na banner ng basketball team sa wall..
Itinuro sa kanya ni Zander ang mga gamit na nandun lang din naman sa gilid ng higaan sa bandang ulunan.. lumapit sya sa backpack nya at kinuha ang kanyang toothbrush at toothpaste..
"mag toothbrush muna ako.." wika nya dito..
"Sige sasamahan kita.." wika naman nito at humakbang sya palapit dito na nasa may pintuan lang..
Nauna itong lumabas saka sya sumunod at itinuro nito sa kanya ang sink na nasa kusina hindi din naman kalayuan mula sa kwarto na iyon..
Pagkatapus nya mag toothbrush ay bumalik narin sila sa kwarto na tutulugan nya..
"Sheena pasensya kana Dito sa kwarto ko ha.? maliit lang ito at walang aircon mukha kasing sanay ka sa Aircon.." wika nito sa kanya habang nakaupo sa gilid na higaan sa bandang paanan at sya Naman ay nakaupo sa bandang ulunan..
"okey lang may electric fan naman salamat pala sa lahat ng tulong mo sakin.. Wala Kasi talaga akong alam sa Lugar na ito tapus Hindi mo pa ako iniwan kahit sa ospital.." wika niya .
"Wala yun huwag mo na isipin yun.. sya nga pala, may boarding house akong alam kung gusto mo tingnan natin bukas pagkatapus kita samahan sa pag aapplyan mo ng trabaho.?"
"okey sige para mag board nalang ako parang nai-excite ako sa lahat.. salamat ulit.." nakangiting wika nya dito..
Oo nai-excite sya dahil first time nya magboboard at magta trabaho..
Naiilang na ngumiti si Zander napansin nya na parang naguguluhan ito o something na may nais sabihin o itanung.. Natigilan ito at sandaling katahimikan Ang mamuo sa silid na iyon.. Hanggang sa hindi nito napigilan Ang sarili na magtanung sa kanya..
"ahm, Sheena pasensya kana pero pwede ba akong magtanung.?" wika nito upang basagin ang katahimikan..
"ahm, about what.?" balik nyang tanung dito..
"ahm, nagtataka lang ako Diba Sabi mo Ang alam ng magulang mo ay magbabakasyon ka Dito.? bakit gusto mong mag apply ng trabaho.?" tanung nito na hindi maiwasan Ang mailang sa kanya.. alam nyang nahihiya ito pero naiintindihan nya kung naguguluhan ito..
"ahh yun ba.? ahm, gusto ko lang Naman matuto maging independent.. Yung totoo Kasi, lumaki ako at nagkaisip na school Bahay shopping pasyal lang Ang Buhay ko.. at palagi akong bantay sarado sa mga kuya ko sa lahat ng paglabas ko sa pagtulog lang ako nakakapag Isa.." paliwanag nya..
"pero paano ka nila pinayagan Ngayon na malayo sa kanila.? Lalo at halata Naman na Wala kang alam sa ordinaryong pamumuhay.. ni Hindi ka marunong mag byahe sa public transportation.. eh Hindi mo nga alam kung magkano Ang pamasahe sa bus at Isa pa, napansin ko na umiiyak ka ng sumakay ka sa bus.." naiilang ito ngunit malakas na Ang loob nito magtanung ng magtanung dahil sa magaan sa kalooban Nyang sinasagot Ang mga tanung nito..
"ahm, about that can I tell you a secret.?"
"huh.? okey bakit ano ba yun.?" halatang Nagulat ito ngunit interesado talaga ito sa kwento nya..
Dahil Naman sa kabutihang ipinakita sa kanya ng binata ay willing syang sabihin Dito Ang secret nya.. Ramdam Naman nya na mapagkakatiwalaan si Zander..
"okey ganto Kasi, tumakas ako samin at Hindi nila alam kung nasaan ako.. pero nagkausap ko na sila noong nasa hospital ako tinawagan ko Sila at itini-text.. may malalim na dahilan kaya ko yun ginawa at naiintindihan naman nila ako.." pagsasabi nya Dito ng totoo..
"ano.? eh paano yun.? mukhang anak mayaman ka paano kung mapagkamalan ako na kidnapper dahil nandito ka sa amin.? paano kung ipahanap ka nila at magpa announce pa sa TV at magbigay ng malaking pabuya para makita ka lang at maibalik sa kanila.?" halatang kinabahan Ang binata sa mga sinabi nito..
"No, relax.! it's okey I respect my parents all my life and I know they trust me.. mahirap ipaliwanag pero alam ko na hindi naman nila gagawin yang mga sinasabi mo.." wika nya at napatawa pa sya ng mahina.. "siguro kung kukuha Sila ng private investigator possible pa pero yun ipapabalita sa TV at magbigay ng reward never nila yun gagawin Kasi nakukuntak Naman nila ako.. Alam nila na Lalo lang ako mapahamak kung gagawin nila yun.." pagpatuloy nya dito.. So for now, atleast Ikaw palang Ang nakaka alam tungkol Dito at kung ayaw mo ako ipahamak, alam mo na dapat secret lang talaga natin ito okey.?"
"o-okey basta Wala akong ginawang masama Sayo huh.?" wika nito na napangusi pa at waring Isang Bata na natatakot na mapagbintangan..
"I know, don't worry friends na Tayo Diba.? just help me na makapag trabaho Dito at makahanap ng apartment bukas then we'll be fine, trust me.." paniniguro nya Dito.. Tumango tango naman ito sa kanya at Saka tumayo at gumiya palabas ng pinto..
"okey sige bukas nalang magpahinga kana muna at sa labas na ako matutulog.." wika muli ni Zander sa kanya..
"ahm wait, saan ka sa labas tutulog.? napansin ko Kasi kanina na tatlo lang Ang room Dito.." pigil nya Dito sa pag-aalalang Wala itong tutulugan..
"ahh sa nanay at tatay Namin Yung Isang Kwarto, Yung Isa ay sa kambal double deck yun tabi sa taas Ang kambal tapus sa ilalim sina Jake at Joshua.." sagot nito sa kanya..
"ahh eh saan ka doon makikitulog.?" napahiya nyang tanung dito..
"naku wag mo ako intindihin at ako ay okey lang kahit saan matulog lalaki ako.. wag mo ako alalahanin.." wika Naman nito na nakangiti pa..
Tumango nalang sya dahil tumalikod na ito sa kanya at lumabas na sa kwarto..
'wala silang guess room.? parang nakaka guilty naman baka kung saan lang matulog si Zander nakakahiya..' nausal nya sa isip ngunit nahihiya naman sya habilin Ang binata.. Alangan Naman na tabi Sila matulog sa room na yun.? syempre hindi naman yun pwede.. kaya hinayaan nalang ito at humiga sa maliit na higaang may manipis na foam..
-to be continued-