Chapter 1: Josephine Quijano
Third Person POV
Naglalakad ang isang dalagita sa gilid ng kalsada upang makapasok sa paaralan na kanyang pinapasukan bilang isang mag-aaral ng ALS.
Ang dalagitang iyon ay si Josephine Quijano. Ang naturang dalagita ay mahiyain at laging napapaliban sa klase sa tuwing may recitation. Isa iyon sa mga naging dahilan upang ibagsak siya ng kanyang nga naging guro sa ika-siyam na baitang o grade nine.
Agad siyang pumasok sa loob ng silid-aralan nang makapasok siya sa loob ng paaralan. Umupo siya sa upuan na nasa pinakagilid ng silid-aralan. Alam niyang walang nakaupo roon dahil unang araw pa lamang ng klase at iilan pa lamang ang nga tulad niyang mag-aaral na naririto.
Hindi nagtagal ay may mga dumating pang mag-aaral dahil nga sa malapit ng nagsimula ang klase. Ilang sandali pa ay dumating na rin ang kanilang guro. Inilapag ng guro ang mga dala niyang gamit at nagtungo sa harapan ng nga mag-aaral na tahimik ng nakaupo sa kanilang mga upuan.
"Magandang umaga sa inyong lahat. Ako si Ginang Marie Jean Journaled at ako ang magiging guro ninyo rito sa A&E Secondary o ALS Secondary." - Pagpapakilala ng kanilang magiging guro
"Dahil sa kilala na ninyo ako. Nais kong kayo naman ang magpakilala sa akin isa-isa." - Ani ng guro habang nakangiti
Nang dahil sa sinabing iyon ng guro, kinabahan si Josephine. Hindi na bago sa isang mag-aaral ang magpakilala sa harapan ng buong klase. Subalit para sa dalagitang si Josephine ay hindi pa rin niya maiwasang kabahan dahil nga sa likas na sa kanya ang pagiging mahiyain.
Marami ng nakapagpakilala sa kanilang guro liban na lamang sa kanya na hanggang ngayon ay nakararamdam pa rin ng kaba. Subalit, tumayo pa rin siya upang magpakilala kahit na nahihiya upang maging patas sa katulad niyang mag-aaral na kaklase niya ngayon.
"Ako si Josephine Quijano. Nakatira sa 1485 Interior 12 Pag-ibig street corner Lamporeber street, Tondo, Manila." - Iyon lang ang kanyang mga sinabi at agad na bumalik sa kanyang kinauupuan
"Okay. Sino pa ang hindi nagpapakilala? Wala na ba?" - Tanong ng guro na hindi sinagot ng kanyang mga kaklase na ang big sabihin ay wala na nga
"Sige. Dahil sa nakapagpakilala na kayong lahat. Nais kong kumuha kayo ng intermediate paper at may ibibigay ako sa inyong questionnaire upang sagutan." - Ani muli ng guro na agad namang ginawa ng mga mag-aaral
Binigyan nga ng tig-iisang questionnaire ang lahat ng mag-aaral na naroon at agad din itong sinagutan. Makalipas ang ilang minuto, unang natapos si Josephine at agad niyang pinasa sa guro ang kanyang sagutang papel at questionnaire nang nakayuko.
Matapos niya ibigay ang dapat niyang ibigay ay bumalik na siya sa kanyang upuan. Hindi nagtagal ay isa-isa na ring nagpasa ang kanyang mga kaklase.
"Wala na bang magpapasa ng sagutang papel at questionnaire?" - Tanong ng guro
"Wala na po." - Sagot ng nga kaklase ni Josephine liban sa kanya sa naging Tanong ng kanilang guro
"Kung gano'n ay maaari na kayong umuwi dahil unang araw pa lang naman ng kaklase. Nga pala, huwag kalimutang magdala ng clear book dahil doon n'yo ilalagay ang lahat ng ipapagawa ko sa inyo." - Ani ng guro
"Sige po Ma'am." - Sagot ng iilan sa kanyang mga kaklase
"Sige, makaka-alis na kayo. Dumiretso agad sa inyong mga bahay at mag-ingat sa pag-uwi." - Paalala ng kanilang guro
"Sige po Ma'am. Thank you po." - Ani muli ng kanyang mga kaklase
Nag-ayos ang kanyang mga kaklase. Nag-suklay at maglagay ng pabango. Subalit iba ang ginawa niya. Ipinasok lamang ni Josephine ang lahat ng ginamit niya kanina lamang sa loob ng bag at saka isinukbit sa kanyang balikat.
Naglakad na siya palabas ng silid-aralan at agad na umalis ng paaralan. Pagka-iuwi niya sa kanilang tahanan ay agad siyang nagpalit ng pangbahay na damit at nanood ng Eat bulaga kung saan Kalyeserye na ang segment.
"Ano kaya ang susunod kong gagawin? May magiging kaibigan kaya ako na kapareho ko ng hilig?"
Iyan ang mga tanong na nasa kanyang isipan habang nanonood ng Eat Bulaga.
End of Chapter 1
Released Date: May 1, 2021