She's Not Available

1163 Words
“Ah, hijo. Hindi mo ba napansin ang kapatid mong si Selene? Wala kasi siya sa kuwarto niya. Ang alam ko kasi ay umuwi iyon kagabi. Nag-aalala lang ako baka kako'y kung umalis iyon kagabi at hindi nakauwi.” I pursed my lips tighter as Nanay Violetta's worried tone dripped down my ears. Sheez.. I'm screwed! “Baka nag-jogging lang po. Huwag kang mag-aalala sa babaeng iyon, matanda na iyong alaga mo, Manang. Nagpapaligaw na nga sa isang doctor, e.” Nagngalit ang aking ngipin sa kabalbalan ni Soren. Ano'ng drama na naman iyon? He did intentionally emphasize the doctor word. What's with this punk? But come to think of it. E may Natalie naman siya, hindi ba? So wala namang masama kung may Scott na umaaligid sa akin. No, erase that, Selene. Gulo lang iyang mga naiisip mo. I uttered to myself. “D—doctor ba ‘ka mo, hijo? Doctor..” Nahihimigan ko ang pagkalito ni Nanay Violetta. “Oho! Bakit po, Manang?” Pag-uusisa ni Soren. “E itong doctor ba na ito ay matangkad, may dalawang dimple, maputi at may kulay asul na mga mata na para bang may dugong banyaga? Iyon na ba iyong nanliligaw sa alaga ko?” Galak na salaysay ni Nanay. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa tumpak na paglalarawan ni Nanay Violetta sa pisikal na katangian ni Doc. Rafael. How did she know about his traits? Wala naman akong naalala na naikuwento ko sa kanya si Rafael. “Ho? I... How would I know, Manang? E hindi ko pa nakikita ang taong iyon!” Naging iritado ang timbre ng boses ni Soren at sa kasamaang-palad ay hindi ako natutuwa sa paksa nila. Bakit palagi na lang nasasali sa usap-usapan si Doc.? This isn't healthy anymore. “Naku, hijo. Baka iyon na nga iyong manliligaw ng alaga ko. Dios por Santo! Nasaan na ba ang batang iyon kasi?” “Bakit po ba kasi, Manang Violetta?” “E kasi may magandang lalaki doon sa baba. Hinahanap itong si Selene at baka nga iyon na iyong manliligaw sa kanya, e hindi ko naman makita si Selene.” “WHAT?” MAHIGIT sampung minuto kaming nagtalo ni Soren sa loob ng kuwarto niya pagkaalis ni Nanay Violetta. Ayaw niya akong palabasin sa kuwarto niya dahil nga raw baka mapatay niya sa loob ng pamamahay namin si Doc. Rafael. Alam ko naman na dala lang ng selos ang pag-iinit ng ulo niya. Pero dahil na rin sa pagmamatigas ko'y wala na rin itong nagawa kaya binaba ko na si Rafael. “Hey, Doc. Morning.” Kaswal na bati ko sa lalaking kampante na nakaupo sa single couch sa may drawing room ng bahay namin. “Yeh, good morning, Selene. Sorry for committing a breach in your morning this early.” Doc. Rafael Montoya stood up as he saw me and his profoundly impressive dimples shown up when he rewarded me a blushful smile. “No, it's alright. Sit down.” I smiled and take the seat across him. “Coffee? Tea?” Alok ko. “No, no, no. I'm good. I just went here to discuss further info about your cousin's case.” Umayos ang aking gulugod sa sinabi ni Doc. Rafael Montoya is the neurologist who handled Amélie's case for quite a month now. Kaming tatlo lang ang may alam no'n dahil ayaw naman ipaalam ni Amélie sa lahat that she's receiving a certain treatments with the help of Doc. Montoya para magbakasakali na maibalik niya ang kanyang nawalang memorya. Though wala naman talagang accurate na gamot sa retograde amnesia nito. “We were supposed to meet yesterday, but she never came to visit me at the hospital. I’m worried about her condition, Selene because the last time she underwent medical assistance, I noticed she had begun retrieving fragments of memories from the past two years.” Bahagyang bumagsak ang balikat ko sa salaysay ni Rafael. s**t! Kaya ba palaging wala sa sarili niya si Amélie nitong mga nakaraang araw? Naalala na kaya niya at mas pinili niyang kimkimin lamang ang problema niya? God! Maybe I should see her today. “I guess ikaw lang ang makakatulong sa pinsan mo ngayon since ikaw lang naman ang pinagsasabihan niya ng mga problema niya, Selene,” ani Doc. Rafael. Alam kong sinasabi niya ito hindi bilang isang doctor ni Amélie kundi isang concern na kaibigan. “Okay, I'll try to talk to her later, Doc.” Nasa kalagitnaan na kami ng seryosong pag-uusap namin ni Rafael nang maagaw ang aming atensyon ng lalaking preskong pababa ng hagdan. Nakasuot pa rin ito ng itim na roba, ni hindi nga nag-abalang itali ito sa katawan niya kaya lantad ang makisig nitong dibdib at tanging boxer briefs lamang ang suot nito sa ilalim ng roba. Oh, p**n jerk! Patungo siya sa kusina pero nahuli ko pa ang matalim na titig niya sa bisita ko. “Who's he?” Inalis ko na ang tingin ko kay Soren at ibinalik kay Doc. Rafael ang makinlam kong atensyon. “Kuya ko. Eldest one.” I gave Rafael a faint smile. Tumango-tango naman si Doc. “He looks familiar to me. Parang nakita ko na siya noon sa victory party ni Natalie. Hindi lang ako siguro kung siya nga ba iyon.” “Natalie?” Interestingly I queried. “Yep, Natalie Balducci, my cousin and she's a female car racer from the west. Kilala mo rin siya?” “Uh no! I... I don't know her.” Natalie... Mag-ano nga ba kayo ni Soren, Natalie? Atsaka party? Kailan pa nakahiligan ni Soren na pumunta sa mga party? Bakit parang ang dami kong hindi alam sa mga pinaggagawa nito sa buhay niya? Nakakabahala na 'to! Naglilihim na ba siya sa akin? Napukaw ako mula sa mababaw kung pag-iisip nang nagsalita si Rafael. “Can I invite you tonight, Selene? Uhm… to a family dinner.” Hesitation lingered in Rafael’s expression. “Ha? D—dinner?” I echoed, my voice betraying my own disbelief at his awkward invitation. I met his gray eyes and found nothing but sincerity there. Should I… say yes? “Uhm, sur—” Just as I was about to accept his invitation when my prick for a brother stopped me from talking. “She's not available tonight.” Sabay kaming napatitig ni Doc. kay Soren na ngayo'y may hawak nang isang can ng beer. Beer, seriously? Umagang-umaga pero serbesa na ang inaatupag niya. Malaki talaga ang depekto sa utak ng lalaking 'to. At ano daw? Not available? Ako? May lakad ba ako mamayang gabi? Parang wala naman. I narrowed my eyes at him, asking what's his problem. “It's Sandro's birthday party later tonight and supposedly you have to be in his party instead of going out with whosoever. Tss!” Puno ng kayamutang sabi ni Soren bago umakyat sa hagdan. With my mouth gaped open, I watch his back and imagining that I am stabbing him mercilessly. Asshole!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD