Nagising ako dahil sa sunod sunod na putok ng baril galing sa labas. Pilit kong inaalis ang tali na nakalagay sa kamay ko ngunit di ko magawa dahil sa higpit ng pagkakatali nila saakin. Si Zeke! Bulong ko sa kawalan. Sya lang ang taong mag lalakas loob na pumunta sa ganitong klasing lugar. Di ko maiwasan ang hindi matuwa dahil ililigtas nya ako pero may parte saakin na natatakot dahil baka masaktan sya. Di pa ganon kaayos ang kalagayan ni Zeke. Wala akong ibang nagawa kundi ang manalangin habang may nagpapatayan sa labas. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sobrang lakas ng pintig ng puso ko dahil sa kaba. "AYEN!" Minulat ko ang aking mata. Tumatakbong lumapit saakin si Zeke. "ZEKE!" "Damn it baby. Are you okay? Did they hurt you? Hah? Tell me! " Sunod sunod na tanong nito habang

