Nagising ako sa isang madilim at hindi pamilyar na lugar. Napadaing ako dahil sa higpit ng pagkakatali ng kamay at paa ko. Nakaupo ako sa gitna ng isang madilim na lugar na sa pag kaka alam ko ay isang ware house dahil sa mga tambak na nakapaligid saakin. Maalikabok at sobrang lawak ng lugar. Luminga linga ako sa paligid napapikit ako dahil sa sinag ng ilaw na tumama sa mukha ko pagbukas ng pinto. Naaninagan ko ang dalawang lalaki na papunta sa kinaroroonan ko. "SINO KAYO? ANONG KAILANGAN NYO SAAKIN?!" Sigaw ko paglapit nila saakin Di pamilyar ang pagmumukha nila saakin ngayon ko palang sila nakita. Di ko maaninagan ang mukha ng isa dahil nasa madilim na bahagi ito. Matangkad at may itsura ang isng lalaking nasa harapan ko at sa tantya ko ay kasing edad lang sila ni Zeke. Naalala ko

