Nagising ako sa hindi pamilyar na silid. Inilibot ko ang tingin ko sa kinaroroonan ko. Kulay itim at puti ang lahat ng nakikita ko. Sobrang linis at dami ng libro na nasa cabinet. Naalala ko ang nangyari saakin kanina. Nasa kwarto ba ako ni Zeke? Biglang bumukas ang pinto at iniluwa non si Zeke na may dalawang tubig. "So you're awake" "Ay hindi. Tulog pa ako oh" Bara ko sakanya Minsan iniisip ko paano kaya yumaman ang isang to. Eh sobrang tanga nya kaya. Inilapag nya ang dala nyang tubig sa table na nasa tabi ng hinihigaan kong kama. "Whatever angela. You and your stupidity. Tsk. Here drink this" Tinignan ko sya at inirapan. Kasalanan nya kung bakit ako nawalan ng malay kanina. Bakit hindi man lang nya ako tinanong kung okay lang ba na sumakay ako ng elevator. Hindi yung manghahata

