"Ma .." "Oh anak? Kumusta kana dyan?" "Okay lang po ma. Kayo po dyan? Kumusta na po si bunso?" "Ayun. Honor student parin ang kapatid mo. Nak. Ano kasi .. Kailangan nang magbayad ng tuition fee ng mga kapatid mo. Pasensya kana ah? Alam mo--" Pinutol ko ang sasabihin ni Mama "Ma. Okay lang po. Ipapadala ko nalang po. Kumusta na po si Tatay?" "Okay lang ang tatay mo Nak. Gusto mo bang makausap? Sandali at gigisingin ko" "Ma. Wag na po. Tatawag nalang po ulit ako mamaya. Si Kiel ho ba nasaan?" "Kiel! Tawag ka ng ate mo!" Narinig kong sigaw ni mama sa kabilang linya. Napangiti ako ng mapait. Namimiss ko na sila Sobrang hirap na malayo sakanila "Ate! Ate!" "Oh. Hello? Kumusta kana bunso? Kumusta ang pag aaral mo? Balita ko honor student kapa rin ah?" "Opo ate. Okay lang po. Ate. Ka

