*Alex Pov*
"What the hell are you doing here!? - sigaw ko kay kenneth. agad ko syang nilapitan at hinila papunta sa labas.
nakapa gago talaga nito! ugh ano ba pinunta nya dito!
ang mokong tahimik lang na nagpahila sakin. agad ko syang hinarap para tuloy akong nagsisi na hinarap ko pa sya, ang lapit namin sa isa't-isa di man lang sya umusog ng kunti kaloka. Umatras na lang ako mahirap na.
"Ano bang ginagawa mo dito? at papano mo na laman na nandito ako? sinusundan mo ako noh? hoy ano sumagot ka! anak ng tokwa kenneth pwede ba wag mo akong pagtripan! iba nalang please! hoy! a..no..? w-wag mo nga akong titigan ng ganyan. - bigla naman akong naconscious dahil sa titig nya. ang lalim eh ang lagkit ng tingin bes hindi naman yung mahalay yung basta di ko magets.
"tamo na pepe kana. ano kasi kailangan mo? - nakakafrustrate lang tahimik lang syang naka titig sakin aba sumusobra na tong mokong na to! kutang kuta na sya sa kaka titig sakin. napakunot noo ako ng unti-unti syang ngumiti.
"Cute. - may sinabi sya pero di ko naman nadinig. ano daw?
"Ano? - tanung ko sa kanya.
"Nothing. - tipid na sagot nya.
"Ano nga? anong kailangan mo? - inis na tanong ko.
"Tinakasan mo ako kanina. - so? ano paki ko? napaikot tuloy ako ng mata.
"Alam mo kenneth kung yung number ko kailangan mo pwes manigas ka dahil wala akong balak maki pag textmate kahit kanino lalo na sayo. kaya pede ba umalis kana at may gagawin pa ako. - sabi ko sabay alis pero bago ko pa sya malampasan nahawakan na nya ako sa braso at hinila pabalik sa harap nya.
Ano bayan para lang akong papel sa kanya ganun ba ko kagaan at ang dali dali lang nya akong nahila. s**t kailangan ko na atang mag exercise.
"I've already got your number alexandria. - seryoso nyang sabi habang di parin inaalis yung mga tingin nya. ba't ba ganyan sya makatingin kaloka.
"eh yun naman pala eh mero..n, teka pano mo nakuha at san,sino nag bigay ha? at anong karapatan mo kuhanin yung number ko. ang kapal kapal mo! - sigaw ko sa kanya (Oa ka naman makareact para namang puri mo yung nakuha sayo teh number mo lang oyy!) sabi na mahadira kong utak.
"Calm down alexandria. And for your questions, I have ways babe. - sabay kindat sakin ng gunggong nato. wait babe? at kelan pako naging babe nito.
ginigigil ako ng lalaking to eh!
"hoy! anong babe? at kelan mo pa ako naging babe? wag mo nga akong tawagin nyan at tumatayo balahibo ko mahiya ka nga! - gigil na sigaw ko sa kanya.
"You are so cute when you're angry babe! May nagsabi lang sakin na nandito ka sa salon nyo that's why I'm here. - nakapamot nalang ako sa ulo sa sobrang frustration. ugh di ko na alam gagawin ko sa lalaking to.
"Okay fine andito nako sa harapan mo oh ano kailangan mo? - pagsuko ko nakakapagod na sumigaw at makipagtalo sa lalaking to. relax na relax lang naman sya samantalang ako nanggagalaiti na.
"I just want to check on you and to tell you Goodnight personally alexandria. - seryosong sabi nya.
Seriously? yun lang? jusko po lord bigyan nyo pa po ako ng mahabang pasensya baka di ko na mapigilan sarili ko at mabugbug ko to sa sobrang inis.
pumikit ako at humingang malalim..
lalo lang hahaba ang usapan pag papatulan ko pa to.
"Okay kenneth, Goodnight din sayo sege na gumayak kana at gabi na kailangan ko na din bumalik sa loob ng salon. - malumanay kong sabi sa kanya sabay ngiti para narin effective.
napaawang ang bibig ko na bigla syang ngumiti ng pagkalaki yung ngiting abot tenga, yung ngiting totoo bago sya tumalikod sakin.
like seriously?? ngayon ko lang sya nakitang ngumiti ng ganun. lage kasi syang seryoso.
infearness bagay sa kanya yung ngumiti ng ganun.
gwapo.
ayy ano bayan pumapasok sa isip ko. kahit gwapo yun kailangan ko mag ingat sa kanya.
*Third Person Pov*
"Ano bayan mother sino ba yang gwapong kausap ng junakes mo? - nag alalang tanung ni barbie.
"Ay artista bayan ang gwapo mother! eehhh magkaka jowa na ata si alex! - kinikilig na sabi ni juanita.
"magtigil ka empakta ka anong jowa kung mag kakajowa si baby girl syempre si fafa lucas na yon ano! - sigaw sakanya ni barbie.
"ikaw ang magtigil! kapreng to! di mo ba nakikita ayan oh bagay na bagay sila sa isa't-isa. at isa pa yung lucas na yun may theresita na kaya manahimik kang bakulaw ka! - balik naman sa kanya ni juanita.
"Anong theresita? sino yun? baka yung trixie! empakta ka talaga. - pagtatama ni barbie.
"aba malay ko sa pangalan ng babaeng yun! basta bagay silang dalawa ohh. - ngiting ngiting sabi ni juanita sabay turo sa labas.
"magsitigil nga kayo pareha lang naman kayong empakta at kapre mga kampon kayo ng mga maligno, ako lang naman ang dyosa dito. aray.. mother..a..ray. - sigaw ni carla sa papang ni alex na pinag hahampas sya. lalo pa syang dumaing sa sakit ng binatukan sya ng dalawang baklang katabi nya.
"Ambisyosa ka! - mataray na sabi ng papang ni alex kay carla.
"Mother paano na si baby boy! ano bayan ah basta team lucas ako! - nagpapadyak na sabi barbie.
"Hindi naman siguro nanliligaw yan sa princessa ko wala naman nasabi si alex sakin. don't worry half ladies dadaan muna yan saakin bago sya manligaw sa junakes ko. - nakangising sabi nya.
nakamasid lang ang apat sa labas kung saan nag uusap si alex at kenneth. nakikita naman nila ang mga ito mula sa loob kahit di nila naririnig ang pinag uusapan ng dalawa sa labas.
>>>>>
*Alex Pov*
Hay salamat at duty ko ngayon di ko makikita yung asungot na yun. buti nalang wala na masyadong tao. wala masyadong gagawin taga lang naman ako ni chef. taga hiwa, taga kuha, taga hugas,taga abot. yun ang role ko dito.
"Alex may naghahanap sayo sa labas. - bungad sakin ni marie nakakapasok lang dito sa kitchen. isa din syang tulad ko na nag oojt.
"sino daw?
"Di ko alam eh pero ang gwapo! pakilala mo ako don ha. - napangiwi naman ako sa turan nya todo ngiti pasya halatang kinikilig.
Shit na malagkit! hindi talaga ako titigilan ng asungot na yun! lumabas ako na dala dala yung kahoy na sanduk.
makakatikim tong lalaking to makikita nya! humanda sya!
paglabas ko isang lalaking nakatalikod ang bumungad sakin.
"Hoy lalaki! ang gago mo talaga ano nanaman ba kailangan mo! lubaya...n.... Lu--cas?