*Alex Pov*
Pinakurap kurap ko pa ang aking mga mata na tila'y namamalikmata sa ang aking nakikita. di makapaniwala sa lalaking kaharap ko. napanganga at tulala ako sa harap nya. Oo, nagbago nga itsura nya at ayos nya pero hindi yun hadlang para sya aking makilala.
Teka parang nagiging makata ako! kaloka!
"Bespren. - tawag ng lalaking kaharap ko sabay kamot ng batok nya na parang nahihiya.
Hands down for may papang and sa pinsan ko sa mga kasama na din nila yung mga serina sa salon dahil sa major major make over nila kay lucas.
They succeed!
They turned lucas into a Good-looking man.
Agad naman bumalik ang aking diwa ng tawagin nya ako.
"I-ikaw ba talaga yan? - paniniguradong tanong ko.
"Oo naman bespren ako to si lucas. ano? gwapo ko noh? - hindi kaya sya gwapo, sobrang gwapo kamo.
syempre di ko pinahalata sumimangot akong nakatingin sa kanya.
"ibalik mo na nga lang yung ayos mo dati lalo na yung style ng buhok mo yung plantsadong plantsado para dina papasukin ng hangin yang ulo mo! mahangin eh! - sabay irap ko sa kanya.
"bespren naman eh! - nag mimik face tuloy ako arte eh.
"Oh ano kailangan mo at may gagawin pa ako?! - mataray na sabi ko.
"Wala napadaan lang ako saka di kita nakita sa school kahapon eh. syempre na miss ko bespren ko. - ngiting ngiting sabi nya.
Sabihin nyo nga dapat na ba akong kiligin?
pero totoo deep inside parang nagrarambulan yung nasa loob ng tyan ko at ang lakas ng t***k ng dibdib ko.
lihim tuloy akong napangiti sa sinabi nya.
"Ganun ba? - pambabalewala ko sa sinabi nya. (arte mo!) sabi ng mahadira kong utak.
"bespren naman eh! sungit mo halika nga dito! - hinila nya ako sabay yakap at ginugulo buhok ko.
"Lucas!! ang buhok ko! - reklamo ko sa kanya nakayakap parin sya sakin at syempre dahil isa akong may mabuting puso nakiyakap na din ako.
Hhhmmm.. pati pabango nya iba na.
Ang manly lang ng amoy nya..
Hhmmm bango..
"Bespren diba malapit na out mo kaya antayin nalang kita dito, sabay na tayo umuwi. - sabi nya at kumalas sa pagkakayakap sakin. ano bayan bilis naman nun! (Landi mo!) singit naman ng utak ko.
Di kaya ako malandi sadyang mabango lang talaga sya. ngumiti at tumango ako sa kanya bilang pag sang-ayon namiss ko na din yung mga bonding namin dalawa eh.
>>>>
Dali-dali akong nagpunta ng locker ko para magbihis. agad din akong lumabas para hanapin si lucas baka nainip nayon kakaantay sakin. ngiting ngiti akong lumabas.
Agad din napawi ang ngiti ko na wala akong lucas na nakita.
palinga-linga ako pero walang talagang lucas akong nakikita.
nasan kaya yon?
Minabuti ko nalang itanong kay mang pablo yung security ng restaurant na to.
"Ahm mang pabz nakita nyo po ba si lucas? I mean yung lalaking kausap ko kanina? - agad naman syang nag-isip at inalala yung tinutukoy ko.
"Ah yun ba yung kayakap mo kanina yung gwapong binata? - tanung nya na may panunuksong tingin. feeling ko kasing pula ng kamatis yung mukha ko sa sinabi nya.
"O-opo! - nahihiyang sagot ko.
"Boyfriend mo ba yun ineng? - deretsang tanong nya na nagpagulat sakin.
"ay hindi po manong! bestfriend ko po kasi yun. - agad kong sagot.
"Mabuti kong ganun akala ko kasi boyfriend mo yun, akala ko tuloy ay niloloko ka laang. - sabi nya na may pagka batangginyong pananalita.
kunot noo akong nakatingin sa kanya at nalilito sa mga sinasabi nya.
"Eh kanina kasi nakaupo laang sya jaan kaso may dumating na apat namagagandang babae at ang sesexy pa nga ng mga yon. ang dalawa don at hinila sya sa tingin ko naman ay magkakilala sila. - paliwanag ni manong.
nagpasalamat nalang ako kay manong at nagpaalam na. nakakabadtrip lang humanda yung lucas na yon pag nakita ko. may pamiss miss pa sya! bwesit sya!
nakakita lang ng maganda at sexy nakalimutan na ako!
Diba sabi pa nga nya mag aantay sya?
Ako naman tong si tanga naniwala sa kanya dali-dali pa naman akong lumabas sa dahilan na baka naiinip na sya. ka bwesit lang!
Di naman ako na inform na kasama na pala sya sa organization ng 'PAASA' .
Baka nga din sa 'PA FALL' eh kabilang na din sya.
"You know what pag yang trashcan biglang tumakbo dahil sa takot sayo ewan ko nalang. - kunot noo akong napabaling sa likuran ko ng may nagsalita. ano nanaman ginagawa nya dito?
dahil sa pag-iisip at inis ko dun sa lucas na yun di ko na pala namalayan na napahinto ako at kaharap ko pala yung basurahan.
"Ano ang kasalang ng basurahan sayo miss guevarra at ang sama ng tingin mo dyan! - tanong nya ulit na may pagtataka.
napa rolled eyes tuloy ako. kahit kailan talaga ang epal ng asungot na to!
"Pwede ba pumasok ka nalang don sa resto at tantanan moko! wala ako sa mood kenneth! - asik ko sa kanya.
"Why am i going inside that resto, If you're already here outside. - ngiting sabi nya. Di ko talaga mawari yung ugali nitong unggoy na to. napaka bipolar eh. so? ako ang pinunta nya dito? naman oh! kelan ba nya ako titigilan.
"Whatever! uuwi na ako jan ka na! -sabay talikod ko kaso gaya ng dati bago paman ako maka alis nahawakan na nya ako para pigilan.
"I'm here..because...ahm... I.. I will take you home alex. Aahmm I mean ihahatid kita sainyo. - wow tinawag na nya akong alex dapat na ba akong matuwa? kaso hindi eh kasi makulit sya at naiinis ako.
tinignan ko sya ng masama at bago pako maka pagsalita naunahan na nya ako.
"Please.. please hayaan mo kong ihatid kita. Alex please? - sincere na pakiusap nya. pero dahil naiinis ako tinanggihan ko parin sya.
unti unti nya akong binitawan at ngumiti ng pilit sabay tango. naglakad nako palayo sa kanya ng maalala ko yung mga mata nyang nakikiusap kanina. huminto ako at tumingin sa gawi nya nakita ko syang laglag yung balikat at matamlay na naglakad palapit sa kotse nya.
Anak ng... ang bait mo talaga alex!
bago paman nya buhayin yung makina ng kotse nya agad akong pumasok at umupo sa tabi nya.
nakita ko yung pagkagulat nya at nagulat din ako ng bigla nya akong yakapin.
dug dug dug dug
nakaramdam ako ng familiar na kaba pero hindi ito kasing lakas gaya ng nararamdaman ko kay lucas.
"So-sorry.. sorry Ahhmm t-thank you alex.. - nauutal na sabi nya sa tingin ko nahihiya sya sa ginawa nya. ganun din naman ako kaya nag iwas ako ng tingin sa kanya.
"Oh anong inaantay mo? iuwi mo na ako noh! - sabi ko para mawala yung awkward na eksina kanina.
"Yes Maam! - masiglang sabi nya sabayan pa ng malawak na ngiti nya.
kung ibang babae lang ako siguro nangisay na ako sa sobrang kilig.
Safe naman akong nakauwi. tahimik lang kami kanina ni kenneth habang nagbabyahe. walang gustong magsalita hinayaan ko nalang at wala din ako sa mood kausapin sya.
nagawa pa nya akong pagbuksan ng pinto ng kotse nya at nagpasalamat.
baliktad noh? dapat ako ang nagpasalamat eh kasi hinatid nya ako.
nakokonsensya tuloy ako.
mabait naman si kenneth sa tingin ko may dahilan sya bakit hilig nya mambully sa school.
tinignan ko yung phone ko kung may text ba. meron nga akala ko galing sa kanya pero kay kenneth pala nag Goodnight lang.
nasan kaya si lucas?
nakauwi na kaya sya?
kahit nakakainis sya namimiss ko parin sya.
namiss ko yung kakulitan nya
yung bonding namin
sa tingin ko, sana mali ang iniisip ko.
na sa pagbabago ng sarili nya baka nagbago din yung samahan namin.
sana mali ako.