CHAPTER 2: Ako Ang Batas
Nilingon sila ng guwardiya at nakangiting pinagsabihan. "Maari na kayong pumasok ngayon sa loob," mahinahong sambit nito. Hindi masalubong ang kaniyang tingin at halatang sising-sisi sa naging pangyayari.
‘That’s so unfair of you!’ hindi niya maiwasang komento na nanatili lamang sa loob ng kaniyang isipan.
"Talaga?" nakangising tanong niya sa guwardiya. Wala siyang problema sa katayuan nito dahil marunong siyang rumestro sa kapwa niya ngunit hindi niya basta-basta mapapalagpas ang isang ito. "Hindi mo na po ba ako pipiliting tanggalin ang suot kong maskara?" makahulugang tanong niya sa guwardiya na kanina lamang ay walang balak tanggapin ang kaniyang pakiusap. Nanginig ang kaniyang boses sa sobrang iritasyon.
Ganito na ba talaga ngayon? Kung hindi ka nila kilala ay madali na lamang para sa kanila na ikaw ay husgahan. Isa pa’y, bakit kailangang maging batayan ang hitsura at katayuan ng isang tao bago natin sila magawang irespeto?
Kitang-kita niya ang pagkunot ng noo ng kanilang lider dahil sa kaniyang sinabi. Iyon talaga ang kaniyang intesyon. Nais niyang maiparating sa pinuno kung gaano kawalang kuwenta ang isang alituntunin ng paaralang ito. The higher can’t even straight up the attitude of this guard. What a shame na rito siya mag-aaral.
"Anong ibig mong sabihin, Emrys?" maang na tanong ng pinuno sa kaniya.
Hindi agad siya nakapagsalita nang makita niya ang takot na bumalandra sa mukha ng kalbong guwardiya. For a moment, namayani ang kaniyang awa at mahabang pasensiya.
"Emrys," untag sa kaniya ng pinuno habang maingat na nakahawak sa braso niya. Ngunit nag-aalinlangan siyang ipagpatuloy ang kuwento. Natatakot siyang matanggalan ng trabaho ang guwardiya. This is not just all about her frustration. Panigurado namang meron itong pamilya na binubuhay. This is the first time that a guard has offended her but she can let go of it.
Mas lumakas ang bulung-bulungan sa paligid. Napapalibutan na sila ng ibang mga deltas na estudyante. The reason why she hate crowd.
Ngunit hindi sumuko ang pinuno. Si Graza ang binalingan nito. "Gusto kong sabihin mo sa akin ang lahat ng nangyari, Graza,” mas lalong sumeryoso ang tono ng pananalita nito.
Sa huli'y walang nagawa si Graza kundi ikuwento ang buong pangyayari sa lider ng kanilang pack.
Masamang tingin ang iniukol nito sa nakaluhod na guwardiya pagkatapos ipagtapat ni Graza ang buong pangyayari. Walang labis at ni walang kulang. Nagmamakaawa ang guwardiya na huwag itong sibakin mula sa puwesto nito. Mariin siyang napapikit. Hindi niya maiwasang maawa sa matanda. Marahil hindi naman nito sinasadyang sabihin ang mga nabitiwan nitong masasakit na salita. Napag-isip-isip niya na baka sadyang masama lamang ang araw nito at nakadagdag lang sila.
"Kailangan nating mag-usap mamaya sa President's office, Huso," seryosong bilin ng pinuno sa guwardiya bago sila inakay dalawa ni Graza papasok sa loob ng malawak na paaralan.
"Maraming salamat po, Pinunong Salya!" lubos niyang pasasalamat sa Pinuno. Sobra-sobra talaga ang kabaitan nito. "Hindi po namin alam ang gagawin namin kung hindi ka pa dumating kanina. Baka umuwi na lamang po kami." Nalungkot siya pagkasambit niya sa huli niyang tinuran.
Naramdaman niya naman ang paghawak ni Graza sa kaniyang palad. Naramdaman niya ang pagdamay ng kaniyang nakatatandang kapatid sa kaniya.
"Oo nga po," malungkot na sambit ni Graza na nasa sa kabilang gilid lamang niya habang naglalakad sila.
"Walang anuman. Huwag niyo nang alalahanin pa iyon," nakangiting sambit ng kanilang lider. Nagpakawala ito ng isang malalim na buntong-hininga saka nagpatuloy sa pagsasalita. “Matagal na si Huso sa kaniyang trabaho at alam kong alam niya na ang kaniyang ginagawa. Kahit sino ay makapagsasabing mali ang kaniyang inasal,” nanlulumong sambit ng kaniyang ninang.
Kagat-labi siyang nagsalita muli. "A-Ano pong gagawin niyo sa guwardiya, Pinunong Salya?" medyo alinlangang tanong niya rito. Pinagsiklop niya ang kaniyang mga daliri sa kamay. Hindi niya napigilan ang sariling magtanong. Bigla siyang nag-alala sa maaaring kahinatnan ng guwardiya.
"Naaawa ka ba sa kaniya, Emrys?" Isang tanong naman ang isinagot ng kaniyang ninang. Kagat-labi siyang natahimik.
Sunod-sunod itong napatango. Animu’y naiintindihan agad siya. "Maaari ko bang malaman kung bakit? Hindi ka ba nagalit sa sinabi niya sa'yo?" Nagtatakang tanong nito.
Mariin siyang napapikit at humugot ng isang malalim na hininga. "Baguhan lamang po ako at ginagawa lamang niya ang kaniyang trabaho, kaya marahil nasabi niya iyon. Ngayong ayos na, inisip ko na lamang na marahil masama lamang ang umaga niya. Aaminin ko po na nagalit talaga ako sa umpisa dahil napahiya ako at iyon ang unang beses na nakarinig ako ng gano’n klaseng panlalait na harap-harapan. Ngunit naisip ko rin agad na hindi ako dapat masaktan dahil wala namang katotohanan ang kaniyang sinabi. Ang importante ay may natutunan po ako ngayong umaga dahil sa kaniya,” mahabang paliwanag niya na ikinangiti ng pinuno.
Masaya siya nitong niyakap. "I'm so proud of you, Emrys!" natutuwang sambit ng ninang niya sa kaniya.
Nilingon din nito si Graza. "I'm so proud to the both of you. Lumaki kayo na may malawak na pag-unawa at magalang," anito at niyakap sila pareho ni Graza.
Magkaklase sila ni Graza. Siniguro iyon ng kanilang magulang. Hindi pa rin nila alam ang kanilang klasrum kaya naman isinama na sila ng Pinuno sa President's office at nakiusap sa isang practice teacher na ihatid sila sa kanilang silid-aralan.
Tahimik silang nakasunod sa guro. Huminto sila sa harapan ng bagong klasrum na pinakaunang kuwarto sa second floor ng building. Marami ng mga estudyante sa loob ngunit wala pa rin ang kanilang guro.
Nag-umpisang magbulung-bulungan ang mga ito pagkakita sa kanila ni Graza.
"Heto ang room ninyo, mga anak," nakangiting sambit ni Teacher Liah sa kanila.
Nakangiti silang yumuko ni Graza rito at sabay na umusal ng pasasalamat sa dalagang guro.
"Maraming salamat po, Ms. Liah!" nahihiyang sambit nila. Halata naman talaga na mabait ito. Nakakataba ng puso na tawaging anak kahit hindi sila nito kadugo. Nakakatuwa naman pala mag-aral mismo sa paaralan. Kaya ba sinasabi nila na ang guro ang pangalawang ina ng mga mag-aaral?
"Walang anuman. Iwan ko na kayong dalawa," paalam nito bago tuluyang naglakad paalis.
Ramdam niya ang kakaibang tingin ng mga kaklase nila nang humakbang sila papasok sa loob. Ang bulung-bulungan ay agad na naputol habang tahimik na nakamasid sa kanilang dalawa ni Graza ang lahat.
Tahimik at blangko ang mukha na humakbang papasok si Emrys sa loob ng klasrum. Nakikiramdam siya. Nakaisang hakbang na siya paloob nang biglang may sumulpot na lalaking patpatin sa kapayatan. Walang babala na humarang ito mula sa kaniyang harapan.
Namilog ang mga mata niya sa pagkagulat. Mabuti na lamang talaga at mabilis ang reflexes ni Graza. Hinawakan nito ang braso niya upang mapigilan ang pagbangga niya sa estrangherong lalaki.
“Woah—!” Nahigit niya ang kaniyang hininga.
Tumayo sa pagitan nila ng lalaki si Graza. “Please look at your way,” mariing sambit ng kapatid sa mababang tono. On the rescue na ang pagpapagilid nito sa kaniya.
Hindi niya napigilang mapamaang nang tuluyan. Nakakatakot ang tingin ng malalalim na mga mata ng lalaki. Nandidilat iyon at para bang ilang araw na magkakasunod na wala itong maayos na tulog. Tapos kinailangan niya pa na tumingala upang mamatiyagan nang maigi ang mukha nito. Paano'y hanggang balikat lamang siya ng lalaki.
"Kayo ba ang mga bagong salta?" Masyadong malalim ang boses nito na pilit pa nitong pinapakilabot. Ngunit nakatutok ang buong atensyon niya sa bungi nitong ngipin na nasa pinakagitna. Nakangiwi siyang napaatras. Tuloy ay hindi niya agad na-gets ang ibig nitong sabihin nito. It took her seconds to respond on his question.
Kagat-labi siyang napasulyap saglit kay Graza. "K-Kami nga," nag-aalinlangang sagot niya sa lalaki nang bumalik ang tingin niya rito.
Tumangu-tango ito at humaplos sa mahaba nitong baba na animu'y nag-iisip muna nang malalim. Kapagdako'y humarap itong muli sa kanila at nagsalita, “Sa skul na ito, may batas..."
"Anong batas?" maang niyang tanong rito. Mga alituntunin ba ang tinutukoy ng lalaking ito? Alam niyang may alituntunin na sinusunod sa loob ng paaralan ngunit hindi niya lubos maisip kung ano ang batas na maaaring tinutukoy nito.
"Ako ang batas," nakangising saad nito. Nakataas pa ang kanang kilay nito.
Halos lumuwa ang mga mata niya sa narinig sapagkat hindi niya inaasahan na joker pala ito. "B-Batas? Pfft!" muntikan nang humalagpos ang malakas na tawa mula sa kaniyang bibig. Mabuti na lamang talaga at napigilan niya agad.
Ipinagkrus nito ang braso sa ibabaw ng dibdib at pinaglipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa ni Graza. "May nakakatawa ba sa sinabi ko?"
"Wala." Si Graza ang sumagot rito. Nanatili ang blangkong ekspresyon ng kaniyang kapatid.
Napahalukipkip siya sa gilid ng kapatid at pilit pa rin na nagpipigil ng tawa.
"Mabuti naman," mayabang na sambit nito. Lumingon ito sa likod ng klasrum at kapagdako’y sumipol nang malakas sabay palakpak ng tatlong beses. "Pasok na boys!" malakas na tawag nito sa kung sinumang mga pontio pilato.
Dalawang lalaki na may bitbit na walis at dustpan ang lumapit kay payatot.
"Heto na, Alpha Kiko," masayang sagot ng isa sa mga kasamahan nito habang bungisngis na ngingisi-ngisi.
Mas lalong nanlalaki ang mga mata niya sa narinig na itinawag rito ng isang lalaki. Alpha Kiko? Nagpapatawa ba ang mga ito. Tuloy ay hindi niya napigilang kagatin ang ibabang labi at magpigil ulit ng tawa.
Sinapak ni Alpha Kiko ang lalaking nag-abot rito ng walis. "Gag*! Sa kanila mo iabot, huwag sa'kin!" nakangiwing tabing nito sa kamay ng lalaki.
"Sorry ulit, Alpha!" At inabot nga iyon ng lalaki sa kanila.
Maang niyang sinulyapan ang walis na ngayon ay inaabot sa kaniya. "Anong gagawin namin diyan?" gulat niyang tanong rito.
Sinalubong ang mga mata niya ng payatot na lider saka ito humalakhak nang malakas. "Ano pa ba sa palagay mo, classmate?" pilosopong tanong nito.
Matalim na tingin ang iniukol niya rito habang inaabot ang walis.
"Akin na." Pabigla naman iyong hinablot ni Graza mula sa kamay ng lalaki. Halatang sinadya nito iyon.
Ngumisi lamang ang lalaki at kinindatan si Graza. Muntikan na siyang mapahagalpak ng tawa sapagkat inirapan lamang ito ni Graza. Sa isip-isip ni Graza ay hindi niya mapigilan ang sariling mawerduhan sa mga lalaki.
"Sumunod kayo sa'kin." Sambit ng lider ng mga ito.
Lumusot iyon sa gitna at naglakad palabas. Tinungo nito ang terrace at humarap sa napakalawak na oval. Sinundan naman nila ito palabas.
"Natatanaw niyo ba ‘yang malawak na oval natin rito sa skul?" seryosong tanong nito.
Sunod silang tumango ni Graza.
"Kailangan niyong walisan ang buong oval dahil late kayong dalawa," anito. Iyon lamang at handa nang umalis.
Napakurap siya. "K-Kaming dalawa lang?"