4: The Arison Is Not Easy to Bully

1748 Words
Tumango ito. "Malamang, kayo lang naman dalawa ang late. Alangan namang kasali pa ako?" Naglakad na ito paalis ngunit agad ding napahinto nang biglang may maalala. "Isa pa, hindi niyo kailangang bumalik agad rito sa klasrum hangga't hindi pa kayo natatapos." Iyon lamang at iniwan na sila ng mga ito. Akmang magsasalita pa sana siya at aangal nang pigilan siya ni Graza. Umiling ito at pinagbawalan siya. Sa huli wala siyang nagawa kundi sundan ang kapatid papuntang oval at magwalis doon. "This is very unfair, Graza!" Hindi niya napigilang ilabas ang hinaing niya habang nakamasid sa pinto ng kanilang klasrum at hinihintay na lumabas ang tatlong late na estudyanteng pumasok kani-kanina lamang. Hindi ito sumagot. Patuloy lamang itong nagwawalis habang binibilisan ang kilos. Alam niyang naririnig siya ng kapatid. Marahil inatake na naman siguro ito ng katamaran na magsalita. Inis na tumayo siya mula sa pagkakaupo niya sa madamong oval at pinulot niya ang walis. Mabuti pa nga ay bilisan na lamang nila sapagkat dumarami na ang mga taong nakamasid sa kanila sa kaniya-kaniya nilang mga klasrum. Is being late such a big crime? Kailan pa sila naging mga tao? Hmp! Nais niyang magwala o maglaho na lamang mula sa kinatatayuan na parang bula. "Sana'y mali ang iniisip ko na binu-bully nila tayo," asar na sambit niya habang nagwawalis. "Sana lamang talaga, Graza!" Napuno nang panggigigil ang kaniyang boses. Dahil malakas ang kutob niyang pinagkakaisahan sila ng lahat. Isa pa’y hindi siya tanga. Kung hindi lamang kilala ang pamilya nila ni Graza o kung hindi sana strikto ang kanilang ama’y nunkang nakatagal pa sila roon. Ayaw lamang talaga nila magdulot ng gulo o maging sanhi ng kahihiyan sa kanilang pamilya. Lalaban sila kung kinakailangan ngunit sa tamang panahon. Tinapunan lamang siya ng seryosong tingin ni Graza. "Hindi maaari 'yang iniisip mo, Emrys . . . " sumeryoso lalo ang tingin nito, " alam mo naman na ayaw kong pinipilit ako na maging masama." Kitang-kita niya ang pagkuyom ng kapatid ng mga kamao nito. Napakurap siya sa sinabi ng kapatid at kunwari’y natawa. Paano’y ikinakatakot niya kapag nakatikom na ang bibig nito. "Sineryoso mo na naman ako, Graza!" Napakamot siya at tumalikod. "Nagbibiro lamang naman talaga ako. Sinong magtatangkang kumalaban sa'tin?" Ngumisi siya nang mapagtantong tama ang lumabas sa kaniyang bibig. Mabilis lamang talaga siyang maisip ng palusot. Muntik na niyang makalimutan na nagmula sila sa angkan ng mga Arison. Among the Aswun pack, their family is not easy to bully. Iyan ang itinuro sa kanila ng kanilang mga magulang. Girls in their family were raised second to no one and inferior to no man at all. Binilisan na lamang niya ang kaniyang mga kilos. Naisip niya na kailangan lamang nila na magmadali para mabilis silang matapos. Iyon din malamang ang nasa isipan ni Graza. "Pagod na ako, Graza." Ibinagsak niya ang katawan sa ibabaw ng madamong oval pagkatapos ng mahigit isang oras na paglilinis. Ang kaninang maingay na paligid at mga estudyanteng nakamasid sa kanila ay wala na ngayon. Mukhang pumasok na ang mga ito sa loob ng kanilang mga klasrum. Isang oras na ang nakalilipas ngunit nangangalahati pa lamang ang kanilang natapos walisan. Tumunog sa hindi niya na mabilang na pagkakataon ang kaniyang tiyan. Napahawak siya roon. "G-Graza," nakasimangot na sambit niya sa kapatid sabay nguso sa kaniyang tiyan. "Anong gagawin natin?" Walang kangiti-ngiti nitong tanong. Nakaupo ito sa tabi niya. Kapwa sila pawisan at pagod. "Sa'n kaya ang cafeteria rito?" nakalabing tanong niya sa kapatid. Awtomatikong kumunot ang noo nito. "Ano na namang kalokohan ang tumatakbo riyan sa isipan mo, ha?" Inirapan siya nito at ipinagpag ang mga kamay. Napahagikhik siya at saka umahon ng upo. "Ano pa nga ba?" pang-aasar niya rito saka inilapit ang mukha sa kapatid. Naiiling na pinitik nito ang kaniyang noo. "Paniguradong pagkain na naman ang laman niyan," anito na tuluyan niyang ikinapalakpak ng mga kamay. "Nakuha mo rin!" Umahon siya ng tayo. "At sa'n mo naman balak pumunta ngayon?" tanong nito. Naningkit ang mga mata habang nakatingala sa kaniya. Paano'y tirik na tirik na rin ang araw. Makahulugang ngisi ang iginawad niya rito. "Maghahanap ng pagkain." Mabilis pa sa alas-kuwatro na tumayo ito ay hinarangan siya. "Hindi magandang biro 'yan, Emrys. We are here to clean. Paano tayo niyan makakapasok sa klasrum kung hindi pa natin natatapos ito?" "Graza naman," may himig pagmamakaawa sa boses niya. "Uunahin ko pa ba 'yan kaysa sa gutom ko?" "Paano kung hanapin ka nila?" Ayaw pa rin siya nitong payagan. Pinaikot niya ang mga mata sa ere. "Idi sabihin mo sa kanila ang totoo. Simple lang, Graza." Napakamot ito sa ulo. "Ang kulit mo talaga, Emrys. Naririnig mo ba ang sarili mo?” Hinawakan niya ang balikat nito at marahan iyong tinapik. "Ang bilin nila, hindi natin kailangang bumalik sa klasrum hangga't hindi pa tapos itong gawain pero wala naman silang sinabi na hindi tayo maaaring tumapak sa loob ng cafeteria. Am I wrong?" Problemado nitong inilibot ang paningin sa paligid. "Sobrang laki ng school, Emrys. Muntikan pa nga tayong maligaw kanina. Paano kung mawala ka?" problemadong tanong nito. "Kung gusto may paraan, Graza." Kumindat siya rito at kumaway habang naglalakad paalis. "Huwag kang magtatagal!" pasigaw na bilin nito sa kaniya. "Baka mamaya niyan hahanapin na naman kita, kapag hindi ka pa kaagad nakabalik!" Sa huli’y wala pa ring nagawa si Graza upang pigilan siya. Itinaas niya ang kamay sa ere at sumenyas ng okay. Tinahak niya ang mahabang pathway na nagdurugtong sa oval at isa pang dulo na wala siyang ideya kung saan patungo. Tahimik ang paligid at para bang sobrang weirdo lamang. Siya lamang mag-isa ang naglalakad ngayon sa malawak na pasilyong iyon. Nagulat siya sapagkat pagkarating niya sa dulo ay isang napakagandang garden ang sumalubong sa kaniya. Mali yata siya ng piniling daan. Matatayog ang mga puno roon. Hindi siya pamilyar sa mga halaman at bulaklak na naroroon ngunit nakakamangha ang kariktan ng mga iyon. Iba-iba pa ang mga kulay. Hindi naman iyon nakakabigla sapagkat dito sa Aswun nagmumula ang mga ibat-ibang klase ng halaman at bulaklak. Sinundan niya ang daanan na gawa sa bato. Tahimik niya iyong tinalunton. "Pssst!" May narinig siyang pagsitsit kaya naman awtomatikong napalingon siya sa kaniyang likuran. Wala naman siyang nakita. Inilibot niya ang kaniyang paningin ngunit wala talaga. "Pssst!" Tuluyan na siyang pinanlakihan ng mga mata. Meron talaga siyang naririnig na pagsitsit. Nanayo yata ang mga balihibo niya sa katawan. "Mukhang tama yata si Graza . . . kahit mga Asong Lobo na gaya namin ay namamaligno rin." Takot na kumaripas siya ng takbo hanggang sa kanto. Habol ang hiningang napatukod siya sa kaniyang mga tuhod. Nakahinga siya nang maluwag. Sa wakas ay wala na siya sa gubat. Napangiti siya nang may matanaw na siyang estudyante na nakatambay sa gilid ng pathway. Napansin niya na nakatitig ang mga ito sa kaniya at nagbubulungan. Inayos niya muna ang pagkakatabing ng suot na maskara sa kaniyang mukha at sinigurong maayos iyon. Kagat-labi niyang binalewala ang nakakailang na tingin ng mga ito at nagpatuloy sa paglalakad ngunit hindi nakaligtas sa kaniyang pandinig ang usapan ng mga estudyanteng nadaanan niya. "Bakit nakamaskara 'yon?" – girl one. "Ewan, ‘yan yata ang tinutukoy nila na ubod ng kapangitan. Haha!" – girl two. Muntikan na siyang mabulunan ng sariling laway dahil sa narinig. Napaubo pa siya nang wala sa oras. That’s discrimination! Iyon agad ang pumasok sa isipan niya. "Grabeng lakas naman ng boses mo. Shhh! Kapag tayo narinig niyan." – girl one. "Ano naman ngayon? Ha?" – girl two. "Shh! Malapit 'yan sa Pinunong Salya.” – girl three. "What? B-Bakit ngayon mo lang sinabi?" – girl two. "Ayaw niyo ngang magpaawat kanina tapos ako sisisihin mo ngayon. Tara na nga!" –girl three. Hindi lamang iyon ang kaniyang narinig. Paano kung hindi siya kakilala ni Pinunong Salya? Nakakalungkot. Sobrang judgemental naman ng mga iyon. Mabuti na lamang at hindi niya kasama ang kapatid kundi'y napaaway na ito sa pagtatanggol sa kaniya. Though hindi naman talaga siya kailangang ipagtanggol ni Graza. Kayang-kaya niyang hilain ang buhok ng mga iyon at pagbuhol-buhulin. Ngunit wala siya sa mood pumatol ng mga laitera ngayon. Makagat na lamang sana nila ang kanilang sariling dila, madapa o mabulunan. Tutal mas mabilis naman ang karma. Dumarami na ang mga estudyanteng nakakasalubong niya. Maingay na nga rin sa pathway. Hanggang sa makasalubong siya ng mga estudyante na may bitbit na mga foods. Napangiti siya. Ibig sabihin niyon ay malapit na siya sa cafeteria. Hindi nga siya nagkamali. Sa dulo ng pasilyo ay nakita niya kung saan lumalabas ang mga estudyante na may bitbit na mga pagkain. Kita rin ang loob mula sa labas. Iyon nga ang cafeteria. Masaya siyang naglakad palapit doon nang nakangiti. Pagpasok niya'y agaw atensyon na agad siya sa mga estudyanteng nasa loob. Nag-umpisang magbulong-bulungan ang mga ito. Binalewala na lamang niya iyon at nagpakawala siya ng isang malalim na buntong-hininga. Uunahin niya pa ba ang mga ito kaysa sa gutom niya? Masasanay din siya at siguradong mapapagod din naman ang mga ito sa huli. Ang mahalaga’y nahanap niya na ang cafeteria at mabubusog niya na ngayon ang maingay niyang tiyan. Agad niyang nakita ang pila kaya naman sumunod siya roon. Tahimik siyang pumila at excited na napalunok habang iniisip ang mga pagkaing nakikitang in-order ng mga kapwa niya estudyante. Mahaba ang pila ngunit mabilis naman ang usad niyon. Walang duda na mga Asong Lobo nga ang mga mag-aaral sa paaralang ito. "Pssst!" Bahagya siyang natigilan nang muling nakarinig ng pagsitsit. Napalingon siya at sunod na napalunok. Hindi kaya may duwende na nakasunod sa kaniya at siya lamang ang nakakakita? Impossible naman yata ‘yon! Maingay ang paligid sa sobrang dami na ng mga estudyanteng nagsidagsaan sa loob ng cafeteria. Nag-uumpisa na rin siyang mainip talaga sa sobrang haba ng pila. “Gorgie!” Isang malakas na pagtili ang nagpalingon sa kaniya. Hinihingal na lumapit sa pila ang isang estudyanteng babae. Hindi niya napigilang mapakurap. Natulala na lamang yata siya rito. Paano’y panlalaki ang gupit ng buhok nito. Nadaanan siya nito ng tingin ngunit laking gulat ni Emrys nang ngitian siya ng babae. Napakaganda ng ngiti nito. May naaalala siya sa pamilyar nitong kagandahan. Ang kanilang Pinuno. Hindi niya alam kung bakit nakikita niyang may pagkakahawig ang mga ito. Huli na nang mapagtanto niya na bahagya nang nakaawang ang kaniyang bibig. “There you are!” sambit ng babaeng sinusundan niya sa pila. Ito ang tinutukoy ng babaeng si Gorgie. “Ambagal mo naman sa banyo. Bilis, bumalik ka na sa pila mo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD