“P-Pero,” alanganin siyang nilingon ng babaeng kadarating bago nagpatuloy sa pagsasalita, “baka, isipin ng iba na nakikisingit pa ako...”
Nanlalaki ang mga mata niya. Siya ba ang tinutukoy ng babaeng ito? Akmang ibubuka niya na ang bibig upang magsalita nang maunahan siya ng kasamahan nito.
“Hi, Miss!” Iyon ay ang babaeng nangangalang Gorgie. Maganda rin ito.
Hindi niya inaasahan na kakausapin siya nito. “Hello!” alanganing bati niya rito pabalik.
Itinuro nito ang pila. “Maaari bang makisingit ang kaibigan ko?” kagat-labing pakiusap nito sa kaniya.
Nanlalaki ang mga mata na agad siyang napatango rito. “Yes, okay lang.” Wala naman iyong kaso sa kaniya dahil nakiusap naman ang mga ito nang maayos at isa pa mukhang mabait naman ang mga ito.
Nanlalaki ang mga mata ng babaeng maikli ang buhok. “Talaga, Miss?” paniniguro ng nangangalang Gorgie.
Nakangiti siyang tumango rito. “Okay lang.”
Nagulat siya nang ilahad nito ang palad sa kaniyang harapan at ngitian siya. “Awts!” madramang sambit nito. “Thank you, Miss, ha? Pila na ako.” Bahagya itong ngumiti at napahagikhik.
Naririnig niya pa rin ang panaka-nakang pagsitsit ngunit binabalewala na lamang niya iyon mula sa kaniyang isipan. Isa pa, medyo creepy sapagkat para kasing siya lamang ang nakakarinig niyon.
"Ruan, may naririnig ka bang sumisitsit?" Narinig niyang tanong nung Gorgie na nasa harapan niya sa kasamahan nito na nasa pila rin.
Umiling ang babae. "Ha? Wala naman, bakit?"
Nakahinga naman siya nang maluwag sa nalaman. Ibig sabihin ay hindi lamang siya ang nakarinig niyon.
"May naririnig kasi talaga akong sumisitsit. Kanina pa. Parang bang ano… ‘Yong tunog ng ahas ni Emanya!" Napakamot ito.
Ahas? Nanlalaki ang matang siya dahil sa kaniyang narinig. Takot siya sa ahas kaya naman agad siyang kinilabutan sa usaping iyon. Isa pa, buong akala niya guni-guni lamang niya iyon ngunit napatunayan niyang may iba rin palang nakarinig. Hindi naman kaya ay Anacondang aha sang tinutukoy ng mga ito?
Lihim siyang pinagpawisan habang nakikiramdam sa kaniyang paligid. Kung sino mang ahas iyon ay ayaw niya nang kilalanin pa.
"Pssst!"
"Meron talaga, Gorgie." Lumingon sa kaniya ang babae at nakangiwing ngumiti. Agad din itong nagbawi ng tingin kapagdako.
Gayunpama'y hindi niya maiwasang matuwa. Ito ang unang estudyante na ngumiti sa kaniya sa paaralang ito.
Nagpatuloy ang naririnig niyang sitsit ngunit binalewala na lamang niya iyon.
Umayos na lamang siya ng pagkakatayo sa pila nang makita niya ang paparating na grupo ng mga babae. Mukhang mataray pa ang nangunguna dahil sobrang taas ng kilay nito na nagsasalubong. Maganda at fashonista ang datingan ng babae. Daig pa nito ang anak ng pinuno. Oo nga pala at walang anak ang pinuno. Siya lamang ang inaanak nito.
Medyo malayo pa lamang ay naririnig niya na ang boses ng mga ito.
"Calm down, Galena."
"How can I calm down, Fazi? Sige nga? That brat just ruined the whole mood. Sino ba siya sa akala niya? The heck. Nag-alaga lang naman siya ng isang pangit na ahas!"
Bahagya siyang napatalon sa gulat dahil sa lakas ng boses ng mga nag-uusap. At hindi niya maiwasang kilabutan nang muling mabanggit ang salitang ahas.
"Pssst!"
Binalewala na lamang niya iyon at pilit itinuon ang buong atensyon sa kaniyang harapan.
"Na'ko. Humanda siya, Fazi. Kapag nahuli ko lamang na mag-isa 'yang ahas ni Emanya ay babalatan ko talaga 'yon ng buhay!"
Napalunok siya nang lihim dahil sa narinig. Mukhang nakakatakot naman ang babaeng ito. Sino ba namang malakas ang loob na magbabalat ng buhay na ahas? Aber?
"Pssst!"
Mariin siyang napapikit. Tila ba lalo lamang lumakas ang huni pagkatapos mabanggit ang salitang ahas. Nagkunwari siyang walang narinig kahit pa para siyang sinusundan ng sitsit.
"Pssst!"
"Wait, Fazi..." rinig niyang sambit ng babae mula sa kaniyang likuran.
"Ano 'yon, Galena?"
"Parang naririnig ko ang sitsit ng ahas ni Emanya."
Kanina niya pa naririnig ang ahas ni Emanya na tinutukoy ng mga ito.
"What? Ahas ni Emanya? Nagbibiro ka ba, sis?" Mababadya ang panic sa boses ng isa.
"Nakakatakot naman ang ahas ni Emanya. Pinag-uusapan lang natin tapos maririnig mo na lang bigla."
"Pssst!"
"Te'ka lang, Fazi. Parang malapit lang sa'kin, eh!" sambit ng babae sa kaniyang likuran.
"Hesa!"
Nagulat siya nang may kamay na dumampi sa kaniyang likuran. Naging mabilis ang lahat.
Nabitin sa ere ang kaniyang pagsasalita nang isang ahas ang makita niya na nakaipit sa kamay ng babaeng nasa kaniyang likuran. Muntik na muntik na iyon sa kaniyang mukha. "Kyah!" natitilihang sigaw niya habang nagtatalon sa sobra niyang gulat.
Ngunit mas nagulat siya nang mahigpit nitong hawakan ang kanang braso niya. "b***h," nakangisi ito habang nasa kaniya ang matalim na tingin. Nanlilisik lalo ang mga mata nito.
"Ano ba, Miss?" nagulantang na tanong niya rito. Nanlalaki pa rin ang mga mata niya habang nakatingin sa ahas na nasa kamay nito.
Mas lalo nitong nilakihan ang mga matang nakatutok sa kaniya. "b***h. Eh, ano 'to?" Ibinalandra nito sa kaniya ang isang nakakasindak na ahas. Nagtataka siya kung paano nito nahahawakan iyon nang walang kapawis-pawis.
Natuliro siya at hindi agad na-gets ang ibig nitong sabihin. Inis na iwinaksi niya ang kamay nito sa braso niya. "Te'ka lang, Miss. Anong ibig mong sabihin? Wala naman akong ginagawang masama diyan sa ahas mo!" Hindi niya naiwasan ang bahagyang pagtaas ng boses dahil sa kakulitan ng babae.
Pinagmasdan siya nang maigi ng babae. Mula ulo hanggang paa. Nakita niya ang pagbabago sa nito. "Ahas ko?" Nanlalaki ang mga mata nito. Nanliliit lalo ang mga mata nito at namaywang pa. "Ikaw pala ang sinasabi nila na babaeng isinumpa at ubod ng pangit kaya paano mo ipapaliwanag kung bakit nasa iyo si Hesa?" Sa tono ng boses nito parang sigurado na ito na ninakaw niya ang ahas ng Hesa na tinutukoy nito.
Akmang hahawakan nito ang maskara niya nang iiwas niya ang kaniyang ulo mula rito. Nakangisi lamang itong tumawa.
Tuluyan yatang nalaglag ang panga niya. Tama ba ang narinig niya na nasa kaniya ang Hesa na iyon kanina?
Hindi niya naiwasang maikuyom ang kaniyang mga kamao. "Sigurado ka ba sa ibinibintang mo sa akin, Miss?"
Nagkibit-balikat lamang ang tinawag na Galena. Maganda ito ngunit kung gaano kaganda ng mukha nito'y siya namang ikinasama ng ugali. "Bakit hindi? Nahihiya ka? Ang galing mo nga, eh! Isang ambisyosang magnanakaw," patuyang sambit nito na bahagyang ikinalaki ng kaniyang mga mata.
Seryoso niya itong hinarap. Wala siyang pakialam kung mali ang patulan pa ito ngunit hindi niya ito hahayaang ipahiya siya nang ganun-gano'n na lang. "Excuse me, sinong tinutukoy mong magnanakaw, ha?" Nanliliit ang mga matang nakatutok rito.
Tinanggal niya ang kaniyang bag mula sa kaniyang balikat at hinawakan iyon nang mahigpit gamit ang kaniyang kanang kamay.
"Ikaw. Sino pa nga ba?" sarkastikong sambit nito sabay tingin sa mga kaibigan na tila ba natutuwa pa habang pinapanood sila.
Awtomatiko sa pag-akyat ng dugo sa kaniyang ulo. Nag-uumpisa na siyang mairita rito. Nanggigigil na pinag-igting niya ang kaniyang panga. Ramdam niya ang tinginan ng mga estudyanteng nakapaligid sa kanila.
“Girl, baka umiyak ‘yan,” nakangising sambit ng isa sa mga kaibigan nito.
Dumilim ang kaniyang tingin sa babae. Hipokrita lamang ang hindi maaasar rito. "May ebidensiya ka ba?" Lumapit siya rito ng isang hakbang. Naikuyom niya ang kaniyang kaliwang kamao. Sinong iiyak?
Napakurap ito ng dalawang beses. "Hindi pa ba sapat na ebidensiya na nakadikit sa'yo si Hesa?" nanliliit ang mga matang tanong nito sa kaniya.
Pagak siyang tumawa dahil sa sinabi nito. "Excuse me lang ha, Miss. Pero hindi ako interesado sa mga ahas." Pinanlakihan niya pa ito ng mga mata para pagdiinan ang kaniyang sinasabi.
"Gosh!" nangangalaiti itong bigla sa panggigigil. "Ang bobo lang. Don't excuse me 'cause your intention isn't even excusable. Kitang-kita namin na nasa likuran mo si Hesa. You stole her!”
Mariin siyang napapikit. "So nakita mo sa likuran ko. Porke't nakita mo, hindi ibig sabihin niyon na ninakaw ko na agad. Aanhin ko naman 'yan? Sige nga," mariing sambit niya rito.
"Girl," biglang sabat nung kasamahan ng babae na ikinalingon niya rito. "Hindi lang basta ahas 'yang si Hesa. She's the Queen of snakes. Lahat ng nilalapitan niya, magaganda. At dahil pangit ka, malamang... Isa lang ang ibig sabihin niyon. Ninakaw mo siya!"
"Grabe ka, Fazi," biglang sabat nung babaeng nasa harapan niya. ‘Yong Gorgie. “Hindi mo ba nakita? Takot na takot nga siya kay Hesa kaya paanong nanakawin niya pa ‘yan mula kay Emanya?”
Maang siyang napatitig rito. Tama ang sinabi nito. Lihim siyang nagpasalamat rito sapagkat hindi siya nito hinusgahan.
"Huwag ka ngang makialam rito, Gorgie." Ang babae iyon na nangangalang Galena. "Pabida ka rin kasi, eh."
Sinulyapan niya ang ahas na ngayo'y nakatingin sa kaniya. Hindi siya makapaniwalang isa iyong Reyna ng mga Ahas. Nalaglag yata ang kaniyang panga dahil sa kaniyang narinig.
"Hoy, Galena.” Paano kung mali ka nga talaga? Ha? Anong gagawin mo?" hamon nung Ruan rito.
Nakagat niya ang kaniyang ibabang labi.
"Ah. Basta!" ani Galena. "Si Emanya. Oo. Si Emanya! Paniguradong magagalit si Emanya sa'yo." Itinuro siya nito. "Humanda ka lang! Makikita mo."
Napalunok siya. Hindi niya na alam kung anong gagawin na paliwanag rito. Nakakapagsalita ba ang ahas para malinis nito ang kaniyang pangalan?
"Hesa!"
Napalingon silang lahat sa pinagmulan ng boses. Isang babae na hanggang tuhod ang itim na itim at nakapusod na mahabang buhok. Madilim ang tingin nitong nakaukol kay Galena ngayon.
Mahahaba ang hakbang na lumapit ito sa tinatawag nilang Galena. Nagulat siya nang masamang tingin ang iniukol nit okay Galena at kinuha mula sa kamay ng babae ang ahas.
"Emanya?" gulat na sambit ni Galena.
Napasinghap siya dahil sa kaniyang narinig. Totoo ngang ito ang tinutukoy nilang may-ari ng ahas sapagkat buong ingat nito iyong binitbit sa braso at takot na masaktan ang ahas.
Nag-usap ang mata ng mga ito. Mababanaag ang lubos na pag-aalala sa mukha ni Emanya. "Hindi ba't sinabi ko na sa'yo na huwag mong gagalawin si Hesa, Galena?" Umigting ang panga nito.
Napakurap si Galena ngunit agad ding ngumisi nang makabawi. "Yes. Sinabi ko nga but I have reasons for touching Hesa. So you have to calm down, Emanya. Saka ka na mag-freak out all you want kapag nalaman mo na ang rason ko."
Tumaas ang kilay ni Emanya. "May I know kung sino na naman ang sisisihin mo, Galena. I'm all ears,” hamon nito sa babae.
Umirap si Galena sa ere at inginuso siya. "It was her. She stole Hesa. Thanks God, I saw her before anything bad happens to Hesa." Siya ang tinutukoy nito.