Tinatamad siyang nilingon ni Emanya. Hindi nakaligtas sa kaniya na bahagya itong nagulat. Pinagmasdan siya nito mula ulo hanggang paa. "How dare you?"
Napakurap siya. "Nagkakamali ka. Huwag kang maniwala sa kaniya. Hindi ko 'yan ninakaw," mariing sambit niya at ipinagtanggol ang sarili.
"Nagsisinungaling ka pa!" si Emanya.
Kagat-labi siyang nanahimik at pinilit ang sarili na kumalma.
Tuluyan nang gumulo ang pila. Maraming estudyante ang nakatingin sa kanila at tahimik na nanonood.
"Kilala mo siya, Ruan?" kyuryos na tanong ni Emanya rito.
Isang mabilis na iling naman ang isinagot ng babaeng nasa harapan niya. “Ngunit nasisiguro kong hindi niya ninakaw si Hesa, Emanya. Lol. She’s even so scared to take a glance on your pet.”
Natahimik naman si Emanya at tila nag-iisip. "Honestly, hindi ko alam kung kanino ako maniniwala. Kung nakakapagsalita lamang si Hesa."
Napatitig siya sa ahas. Hindi niya mapigilang mapipi. Ni hindi niya naramdaman na gumagapang na pala ito sa kaniyang katawan kanina. Nainis niyang manghilakbot sa isiping iyon.
Namaywang si Galena. "Naniniwala ka talaga sa babaeng 'yan, Emanya?" Sinundan nito iyon ng sarkastikong tawa. "At ikaw naman, Ruan. Tama na ang pagtapal sa babaeng 'yan."
"Ikaw ang manahimik, Galena. Sa lahat na lang ng bagay ay nakikialam ka," mariing sambit nito.
Nagulat siya nang iangat ng Galena ang kanang kamay at akmang ipapadapo sa sa pisngi ni Ruan. Wala namang nagawa ang huli kundi yumuko at ikuyom ang kamao. Ngunit maagap niya iyong napigilan. Sinangga niya ang kamay ng babaeng nangangalan ng Galena.
“Bakit ka nananampal?” nabiglang iring niya kay Galena.
"Dahil kaya ko," sarkastikong sambit nito at nilapitan din siya. "Bakit may magagawa ka ba?"
Naikuyom niya ang kaniyang mga kamao. "Kung may problema kayo sa'kin, harapin niyo ako. Huwag iyong mandadamay kayo ng ibang tao." Nagdilim ang kaniyang paningin.
Bahagyang umawang ang bibig nito. "Talaga ba?" nagkunwari itong nagulat. "For your information, deserve niya 'yan." Tumawa ito at sinabayan naman ito ni Fazi.
"Ang sama mo!" singhal niya sabay tingin sa mga ito. "Alam mo, walang silbi ang ganda mo kung ubod naman ng pangit ang 'yong pag-uugali. Ano ngayon kung nakamaskara ako? Mainggit lamang kayo dahil kahit kailan hindi niyo puwedeng suotan ng maskara ang mga ugali niyo."
Sa huli'y isang malakas na tunog ng sampal ang namayani. Napamaang ang lahat ng nanonood.
Nakayuko si Emrys. Ayaw niya na muling salubungin pa ang matalim na tingin ng kanilang guidance counsellor. Para ba naman sila nitong kakainin ng buhay.
They were caught on the act. Pagkatapos siyang sampalin ni Galena ay awtomatikong nasampal niya rin ito pabalik. Ngayon ay sa guidance office tuloy ang bagsak nilang lahat.
"Sinong nagsimula ng gulo?" Pag-uulit ng guidance counselor sa tanong na iyon sa ikatlong pagkakataon.
Tumayo si Galena. "Of course, Miss Madelane. It's not me!" mariing sambit nito.
Mariing napapikit ang guidance counselor at napahugot ng isang malalim na hininga. "Please seat down, Galena . . . "
Kinabahan siya. Paano kung baliktarin nito ang buong pangyayari at paniwalaan naman ito ng kanilang guidance councelor?
Nag-angat siya ng mga kamay at tinawag ang atensyon ng guidance counselor. "Miss, may I say something po?" kabadong tanong niya rito.
Bahagyang tumaas ang kanang kilay nito. "You can response to my question. Sinong may pasimuno ng kaguluhan?" Sumeryosong lalo ang ekspresyon nito.
Kumunot ang kaniyang noo at nilingon si Emanya. Humugot siya ng isang malalim na buntong-hininga. Nahuli niya ang paglunok ni Galena.
"Gusto ko pong ireklamo ang ahas ni Emanya. Ang ahas po niya ang may pasimuno ng lahat. Hindi ko po alam na nasa likuran ko na pala ang ahas na iyon. Tuloy ay napagkamalan nila akong magnanakaw,” mahabang paliwanag niya rito.
Gulat na pinanlakihan ng mga mata si Galena. "You're lying!" Tumayo pa ito at dinuro siya. "If you are saying na kusang lumapit sa'yo si Hesa, that’s very impossible! Look at your face! It's hideous! Mapili si Hesa ng taong lalapitan," paninisi nito sa kaniya na animu’y nakakasiguro ito sa lahat ng pinagsasabi.
Inis na naikuyom niya ang kaniyang kamao at akmang sasagutin ito nang maunahan siya ni Ruan.
“Wow, Galena!” sarkastikong sambit ni Ruan rito. “Are you out of your mind? Porke’t ba may suot na maskara, panget na agad?—”
“Oh, you shut up, Ruan! I’m not talking to you. Isa ka pang panget,” putol rito ni Galena.
Pagak na natawa si Ruan at napaikot ng mga mata. “You’re very funny, Galena. Ipinipilit mo ‘yang kabaluktutan mo. You’re saying na panget si Emrys where in fact the truth is nilapitan siya ni Hesa. Gosh! Hesa likes her. At alam nating lahat kung ano ang ibig sabihin niyon. Kailangan mo lang tanggapin na hindi porke’t napapangitan si Hesa sa’yo ay hindi na siya magagandahan kay Emrys.”
Napangiti siya sa likod ng kaniyang suot na maskara. Sobrang tapang at astig kasi nung Ruan magsalita. Nais niyang kiligin sa pagtatanggol nito sa kaniya.
Nandidilat tuloy lalo ang mga mata ni Galena. Tila ba anumang oras ay sasabog ito. “A-Are you crazy?”
“Silent!” mariing awat ng guidance counsellor na nagpahinto sa mga ito. “Galena, can you please sit down?”Nanliliit ang mga mata nito at animu’y nauubusan na ng pasensiya.
Walang nagawa si Galena kundi maupo at sumimangot. Matalim ang tingin nito sa kaniya.
"May sasabihin ka ba, Emanya?" tanong ni Miss Madelane sa babae.
"A-Actually, Miss Madelane. I-I just found out that Hesa was not really h-hurt . . . " anito sa mababang boses. "I think, Galena was wrong.” Seryoso ang boses na amin nito. Halatang nahihiya pa.
Tuloy ay napahugot siya ng isang malalim na buntong-hininga sabay sulyap sa babaeng nangangalan ng Galena. Sa wakas ay nakuha rin ng mga ito. Mabuti na lamang at nariyan sina Gorgie at Ruan. Sobrang bait nila upang panigan ang baguhan na kagaya ko.
"I was not wrong!" mariing tutol ni Galena.
"Let me talk first, Galena," putol ng guidance counselor rito.
"Paano mo naman din kasi nasabi na ninakaw niya ang ahas mo, Emanya?" Hindi na maipinta ang mukha ng guidance counselor.
Napayuko si Emanya.
"I'm asking you Emanya!"
Napatalon siya sa gulat sa pagsigaw ng guidance counselor.
"Well, Galena insisted," amin nito sa wakas. "Hindi dapat ako naniwala agad."
"Seriously?!" hindi makapaniwalang sambit ni Galena. "So are saying na kasalanan ko lahat 'yon? Ghads!"
"Please, calm down, Galena. No one is blaming you yet." Napasimangot na lamang ito nang punain ng kanilang counselor.
"May sasabihin ka, Fazi?" Na kay Fazi ang tingin ng guidance counsellor.
Maang itong nag-angat ng tingin at sumulyap sa kaibigang si Galena. "W-Wala po, Miss."
Tumango ang counselor sabay tingin sa kaniya. Seryoso ang tingin nito. "Bakit mo sinampal si Galena, Emrys?"
Hindi siya kinabahan sa tanong nito. Bagkus ay taas noo siyang sumagot. "Dahil sinampal niya rin po ako, Miss. Mabuti at hindi natanggal ang maskara ko," paliwanag niya rito. Naikuyom niya ang kaniyang kamao dahil hindi niya alam kung ano na lamang ang nangyari kapag natanggal iyon. He can’t imagine the disaster it will cause.
Nagsalubong lalo ang mga kilay ng counselor. "Is it true?" tanong nito sa iba.
Kagat-labing tumango si Emanya. Pati 'yong mga kaibigan ni Galena.
Tuloy ay masama ang tingin ni Galena sa mga ito, lalo na sa kaniya.
Mariing napapikit ang ang counselor. "Why did you slap her, Galena?"
Walang sumagot. Katahimikan ang namagitan. Sa palagay ni Emrys ay natatakot yata talaga ang mga ito kay Galena.
"Nilait-lait po kasi ang hitsura ni Emrys kaya nakapagbitaw po ng mabibigat na salita itong si Emrys sa huli," seryosong sagot ni Emanya.
"What exactly did Emrys said then?"
Nagkatinginan si Galena at ang mga kaibigan nito.
Nag-isip si Emanya at binalikan sa isipan nito ang natatandaan. Kapagdako’y ikinuwento nito sa guidance councelor ang sinabi niya bago siya sampalin ni Galena. Walang labis, walang kulang.
Hindi agad nakapagsalita ang counselor. Bagkus ay masamang tingin ang iniukol nito kay Galena.
"Manghingi kayo ng tawad kay Emrys," seryosong sambit ng counselor sa mga ito.
Tahimik lamang na nakiramdam si Emrys. Nais niya na lamang matapos ang lahat at paniguradong hinahanap na siya ni Graza.
Si Emanya ang unang yumuko sa kaniya. "Sorry, Emrys . . . hindi ko dapat pinairal agad ang galit ko. Huwag ka sanang magagalit sa akin.”
Hinawakan niya ito sa balikat at marahang tinapik doon. Ngumiti siya rito at umiling. "Apology accepted, Emanya."
"E-Emrys," si Galena iyon.
Agad siyang lumingon rito. Awtomatikong nawala ang kaniyang pagkakangiti.
"Sorry din," nakasimangot na paghingi nito ng tawad.
"Ako rin, Emrys!" si Fazi na buntot sa kaibigan nito.
Awkward siyang tumawa nang pagak sa hitsura ng mga ito. Halatang napipilitan. "Ayos lang!" sambit niya na lamang sa mga ito.
"Makakaalis na kayo," bilin ng counselor. "Except for you, Galena."
Napalingon sila kay Galena na ngayon ay kagat-labing nakayuko.
"Thank you po, Miss Madelane!" pasasalamat niya sa butihing counselor.
Sunod na nagpasalamat ang iba at nagpaalam. Tumango lamang ang counselor sa kanila.
Naunang tumayo sina Gorgie at Ruan sa kaliwa niya at lumabas ng office. Sumunod si Fazi bago si Emanya at nahuli na siya.
Paglabas niya hindi niya na naabutan pa sina Gorgie at Ruan. Malayo na ang mga ito at mukhang nagmamadali.
Paalis na sana si Emanya nang lakas loob niya itong tawagin. "Emanya, te'ka lang!" pahabol na tawag niya rito.
Maang siya nitong nilingon. Nagulat ito ngunit mas nagulat siya nang lumabas si Hesa sa balikat nito at lumapit sa kaniya.
Hindi lamang siya ang nagulat sa naging reaksyon ni Hesa kundi maging si Emanya. "She really likes you," maang na sambit nito sa kaniya. Titig na titig sa kaniyang mukha.
Napahagikhik siya. "Really?" Hindi niya mapaniwalaan ang Alamat ni Hesa. Ito nga ba talaga ang Reyna ng mga ahas?
Tumango si Emanya. "You must be very pretty," sambit nito habang nakatitig sa kaniyang mga mata.
Sunod-sunod siyang napaubo sa sobrang gulat. Nanlalaki ang kaniyang mga mata. "Hindi 'yan totoo," mariin siyang umiling rito. “Baka naligaw lang siya kanina sa kakahuyan . . . " Napapitik siya sa ere nang makahanap siya ng rason.
Kumunot ang noo nito. "Are you sure?" paniniguro nito. Mukhang hindi naniniwala sa sinabi niya. “Your eyes are very lovely.”
Napakamot siya ng kaniyang noo at tumango rito. "Ano pa nga ba?" nakangiting tanong niya rito. "Hmn. Let me take a guess. Babae si Hesa?"
Nagpipigil ito ng ngiti na tumango sa kaniya. "Everyone could guess it just by her name, Emrys."
Natatawa siyang tumango rito. "Nagpapatawa lang ako." Itinuro niya si Hesa rito at napalunok. "Can I touch her?" kyuryos niyang tanong rito.
"Yeah!" Umikot ang mga mata nito. "She won't bite you anyway."
Hinawakan niya nga si Hesa. Maingat niya iyong ginawa. Napahagikhik siya nang gumapang iyon sa braso niya.