Chapter 13

1991 Words
“Emrys!” Graza called her out loud. Hindi niya pinansin ang pagtawag ni Graza sa kaniya sapagkat ang buong atensyon niya’y nakatuon sa labas. Tumakbo siya at huminto sa terrace ng kanilang klasrum habang inililibot ng sa paligid. Huli na nang mapansin niya na nakasunod pala sa kaniya si Graza. Nagtatakang tingin ang iniukol nito sa kaniya. “Sinong sinisilip mo riyan?” Graza asked with a hint of curiosity in her voice. Nanlulumong nagkibit-balikat lamang siya rito. “N-Nothing,” she hesitated. Isang malamig na tingin ang iniukol ng kapatid sa kaniya. “Alam kong meron, Emrys. Sino nga kasing hinahanap mo?” Pasimple niyang inilibot ang tingin sa mga kaklase nilang nakatayo malapit sa kanila. Nag-alinlangan siya. Ayaw niyang mahinuha agad ng mga ito na may balak siyang komprontahin kung sinuman ang feelingerong Alpha na nambully sa kanila noong unang araw mismo ng pasukan. “W-Wala nga,” sa huli’y pagsisinungaling niya na lamang rito. Ginawa niya iyon upang hindi na humaba ang usapan nila tungkol doon. Ngumiti siya sa kapatid upang ipakita na ayos lamang siya. “Namalikmata lang yata ako. Akala ko, isang kakilala. Tara na nga sa loob.” Katakot-takot na irap ang natanggap niya mula kay Graza. “You’re lying, Emrys…” Nauna na itong maglakad pabalik sa kaniyang upuan. Napakamot siya sa kaniyang sentido. Hayan na naman si Graza, giving her a cold shoulder at ngayo’y agad siyang nakokonsensiya. Napatingin siya sa kanilang mga kaklase na nag-uunahang makapasok sa loob. Lilingon sana siya sa kaniyang likuran upang mag-usisa nang isang braso ang walang babalang umakbay sa kaniyang balikat. Nanlaki ang mga mata niya pagkarinig sa boses na halos pabulong sa kaniya. “Hello, Emrys!” Napakurap siya. Ito ‘yong babae noong isang araw na kasama niyang napunta sa guidance office. Binalikan niya sa kaniyang isipan ang pangalan nito. “R-Rain?” she was puzzled. Nagtataka siya kung anong ginagawa nito sa loob ng klasrum nila. “Rain?!” Graza exclaimed at her. Kumunot ang kaniyang noo. “W-Why?” Bahagya siyang nalito sa reaksyon nito. Dismayado nitong tinanggal ang kamay na nakaakbay mula sa kaniya. Isang malakas na halakhak ang kaniyang narinig sa likuran. Napasulyap siya roon. Ang babaeng kaibigan din pala iyon ni Rain. Kumaway ito sa kaibigan nito habang nang-aasar ang tawa. “Hi, Rain!” Tuluyan itong humagalpak ng tawa. “Hulog ka ng langit!” Kinabahan siya ng sawayin ni Rain si Jorge. “Oh, shut up!” pigil nito sa kaibigan. “Huwag niyo nga akong binyagan ng ibang pangalan kung ayaw niyong masaksihan ang pagpalit bigla ng inosenteng ulan sa nagbabagang apoy.” Isang irap ang natanggap nila bago sila tinalikuran. Maang siyang napakurap at hinarap si Jorge. “M-May nagawa ba akong mali, Jorge?” nagdududang tanong niya sa babae. “Jorge?!” Kulang na lamang ay malaglag ang panga nito sa narinig. This time, tuluyan na siyang napakamot siya kaniyang ulo. “M-Mali ba?” nag-aalalang tanong niya rito. Hindi pa man ito nakakasagot ay nanghingi na agad siya ng tawad rito. “Na’ko, pasensiya na kayo. Makakalimutin kasi talaga ako minsan,” agad niyang paghingi ng tawad. Muntikan niya nang mabatukan ang sarili sa sobrang kahihiyan. Nagulat ito pero agad namang nakabawi ng ngiti sa kaniya. “Kaya naman pala,” nakatawang sambit nito. Inginuso nito si Rain sa kaniya na ngayo’y nakaupo na sa likod na buong akala niya’y bakante. “Hindi Rain ang pangalan niya kundi Raun at Gorgie naman ang pangalan ko,” nakangiting pagtutuwid nito sa kaniya. “Oh?” Napakamot siya sa ulo dahil sa nalaman. “Na’ko, sorry!” Muli siyang napasulyap sa kinaroroonan ni Raun. Sobra siyang na-guilty. “Nariyan na si Sir Falton guys!” Isang malakas na pagsigaw ang mabilis na nagpabalik sa kanila sa kaniya-kaniya nilang mga upuan. Kabilang siya sa mga tumakbo. Kabado siyang tumuwid ng pagkakaupo sa sariling upuan at hinintay ang pagpasok ng kanilang Professor. Isang mestisuhing lalaki na nasa mid-thirties ang pumasok sa loob. Malawak ang pagkakangiti nito at mukha namang hindi ito kabilang sa mga samahan ng gurong nangangain ng estudyante ang tingin. Tinatamad na nag-angat ng ulo si Graza mula sa pagkakanday sa ibabaw ng arm chair nito. “Good morning, Sir!” Sunod-sunod na pagbati ng magandang umaga para sa kanilang guro ang namayani sa loob ng klasrum. Tumango ito. “Yes, good morning too!” Inilibot nito ang tingin sa loob ng klasrum at sinuri sila na animu’y nagbibilang. “Lahat ba kayo rito ay nakapagpasa na ng class card at nakapagpakilala na sa harapan?” Iwinagayway nito ang hawak na mga class cards sa harapan. “Hindi pa, Sir.” Iyon ang sagot ng karamihan. Nagkatinginan silang dalawa ni Graza. Kabilang sila sa mga iyon. Tumango ang professor. “Okay, who wants to go first?” agad nitong pag-uumpisa. “Please raise your hands so I’ll know.” Kasama sila sa mga nag-angat ng kamay ni Graza. Ang nasa likuran ang unang tinawag ng kanilang professor. Naglakad papunta sa harap si Emanya at iniabot ang class card nito sa kanilang guro. Seryoso ito at tamad na tamad ang pagkakatayo. Itinaas nito ang kanang kamay at kumaway. “Hello, everyone!” bati nito sa lahat. “My name is Emanya…” “Please tell more about yourself. Like your hobbies,” ani sir. Natawa sila sa reaksyon ni Emanya. Napakamot ito habang nakakunot ang noo. “A-Ah, I know,” biglang lumiwanag ang mukha nito nang may maalala. “I love to sleep po, sir. And I love snakes too!” Ang smirked talaga ni Emanya ang nagdala sa huli. Napatakip siya sa kaniyang bibig. Paano’y maging siya’y tawang-tawa sa sinabi nito. Naiiling na napatango ang kanilang guro. “Sleeping, huh?” nakangiting tanong nito kay Emanya. “I hope you won’t showcase that hobby of yours during my class, Emanya,” pagbibiro ni sir rito. Nahihiya itong napakamot sa sariling ulo. “Noted po, hehe,” labas sa ilong ang tawa nito. “Okay, next.” Mukhang wala namang pakialam ang professor nila. Nagtuloy-tuloy. Madami pa rin pala silang hindi pa tapos magpasa ng class card. Hanggang sa si Ruan na mismo ang pumunta sa harapan. Napatutok ng tingin ang kanilang guro rito. Mababanaag sa mga mata nito na ang pagkadisgusto sa nakita. “What happened to your hair, Mis—” huminto ito saglit at binasa ang pangalan ni Ruan saka nagpatuloy, “M-Miss Blunsey!” pagtutuwid ng kanilang professor sa sinabi nito. Kasunod ay isang pagak na tawa ang pinakawalan nito. Kumunot ang noo ni Ruan at sarkastikong ngiti ang sumilay sa gilid ng labi nito. “I don’t know, sir,” maang na sambit nito at nangibit-balikat. Namaywang ang kanilang professor at napailing. “Alam mo bang sa tanda kong ito, ngayon pa lamang ako ang nakakita ng babaeng may ganiyan kaikling gupit?” ngumiwi ang labi nito. Agad niyang napagtanto ang mali na ugali ng professor nila. Kagat-labing napailing si Ruan. “Hindi ko po alam, sir,” seryosong sagot nito. Umigting ang panga ni Professor Falton. “Anong hindi mo alam?” sarkastikong tanong nito. Ramdam niya ang tensyon na namumuo sa paligid lalo na sa kanilang nanonood lamang. Hindi na umimik pa si Ruan. “You go back to your seat na lang, miss. Mukhang nalunok mo na rin naman ‘yang dila mo, eh,” pamamahiya nit okay Ruan hanggang sa pagdi-dismiss rito. Nakayuko namang naglakad pabalik si Ruan sa kaniyang upuan. Naaawa siya rito. “Sino pa?” Salubong na ang kilay ng kanilang guro. Natakot na tuloy siyang magtaas ng kamay. Buong akala pa naman niya ay napakabait nito. Ngunit nagtaas ng kamay si Graza kaya naman napilitan na lamang siyang magtaas din sa huli. Tumango ito. “Okay,” itinuro nito si Graza, “ikaw.” Agad na tumayo ang kaniyang kapatid at naglakad papunta sa harapan. “Okay class, kapag tinatanong kayo nang maayos, puwede bang sagutin niyo rin nang maayos. Don’t forget your manners. Hindi ‘yong kung umasta kayo’y akala mo naman mula kayo sa angkan ng ating Pinuno.” Naiiling na inabot nito ang class card ni Graza. “Puwede na po bang mag-umpisa?” tanong ni Graza rito. “Okay,” maikling sagot nito sa kaniyang kapatid. “Go on.” Tumango si Graza bago nagpatuloy. “Good morning, everyone!” Tipid itong ngumiti. “My name is Graza Azurin. I love everything about martial arts.” Napasinghap ang mga kababaihan dahil sa narinig. “Martial arts? Ew!” Nanggigigil na nilingon niya ang kaklase nilang nagsabi niyon at binigyan ito ng isang matalim na tingin. Napatikhim ang kanilang professor at halatang nagpipigil ng tawa. “Ano bang nangyayari sa mga kababaihan ngayon?” Tila aliw na aliw ito. “Class!” Ibinalik niya ang tingin sa harapan nang hampasin ng kanilang professor ang ibabaw ng lamesa. “Girls, take note. Magkakaiba tayo ng preferences and its okay to love martial arts. Everyone needs it like for self –defense but then a true Luna knew she has an Alpha.” Binigyan nito ng palakpak si Graza. “T-Thank you po, sir!” nahihiyang sambit ni Graza sa guro. Tumango lamang ang kanilang butihing guro na lalaki. “Next,” maikling sambit nito bago siya binato ng tingin. Inayos nito ang suot na eye-glasses. Agad siyang tumayo at naglakad palapit sa harapan. “Hi, I’m Emrys Arison!” “Anything else that you want to share with us?” Hindi siya nakaligtas sa pag-uusisa ng kanilang professor. Umiling siya. “Wala na po, sir.” “She don’t want to spill the tea!” aniya ng isa sa mga kaklase nila. Narinig niya pa rin iyon. “What tea? Is it about her cursed on ugliness?” “No comment! Haha!” Isang ngiti ang sumilay sa gilid ng labi ng kanilang professor nang may marinig. “Ano ‘yong sumpa na naririnig ko?” si Professor Falton. “Ikaw ba, miss?” Muntikan na siyang matunaw sa klase ng dahil sa tanong nito na iyon nito. “P-Po?” maang niyang tanong. Hindi niya naitago ang panginginig ng boses niya. Tumango naman ito at hindi na namilit pa. “Okay, last… The girl at the back.” Kyuryos niyang sinundan iyon ng tingin para lamang magulat nang si Emanya iyon. Seryoso ito at walang kangiti-ngiti. “Anong pangalan niyong tatlo?” Tanong ng kanilang guro sa itinuro ni Emanya. Wala ni isa na umimik sa mga ito. “Fine. Please go out from my class now and reflect with your actions.” Nakakatakot ang ekspresyon ng kanilang guro kaya naman walang nagawa ang tatlo kundi lumabas talaga ng oras na iyon. “Forget about those brat kids, let’s prepare ourselves class ‘cause you will have to vote for officers now.” “Bakit malungkot ka na riyan?” si Graza. Napayuko siya at naisapo ang mukha sa kamay. “Anong gusto mong gawin ko, Graza? Magdiwang pa ako?” Tinawanan lamang siya nito ulit. “Wala kang balak magmeryenda?” tanong ng kapatid sa kaniya. Mariin siyang umiling. “Ayaw ko na magmeryenda. Hindi ko talaga matanggap na ako ang naging President,” malungkot na sambit niya. Kumunot ang noo ni Graza. “Hindi nga ba’t pangarap mo naman ‘yan?” kabadong tanong nito sa kaniya. Napasimangot siya lalo. “Halata naman kasing walang may gusto na mapasaakin ang posisyon. Pakiramdam ko tuloy hindi ako sapat at napakawalang kuwenta ko...” Marahan siya nitong hinampas na naman sa puwet. Napangiwi siya rito. “Huwag mong pansinin ang sinasabi nila,” mahinahon nitong hinaplos ang kaniyang likod. “Naiinggit lang ang mga iyon sa’yo. Hindi nila matanggap na napunta sa’yo ang posisyon nang walang kapawis-pawis. But if you think about it, you’ll realized it was meant to happen. Please have some time to discover the reason behind.” Natulala na lamang siya sa mahabang sinabi ni Graza.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD