Chapter 12

2229 Words
“What?!” Gulat na napabalikwas muli ng bangon si Graza mula sa higaan at napahawak sa magkabilang balikat ni Emrys. “N-Nadaganan mo?” nanginig ang boses na tanong ng kapatid sa kaniya. Ikinabigla niya ang naging reaksyon nito sa kaniyang ipinagtapat. Ang kaninang may sakit at nais nang magpahinga ay bigla’ng nagkaroon ng pakialam. “Y-yes!” she hesitated. Nakangiwing kinagat niya ang ibaba niyang labi. “As in nadaganan ko, nabali ang sanga at n-nalanta…” Kitang-kita niya ang pag-awang ng bibig nito at halos lumuwa ang mga mata dahil sa pag-amin niya. “Ano?!” said Graza, her voice shrieked. Saglit lamang ay walang babala na hinampas siya nito sa kaniyang balikat. “At nagawa mo pa talagang magkuwento nang hindi kumukurap, Emrys? Na’ko! Anong gagawin natin? Forever rose ‘yon!” Napairap siya sa ere. Inaamin niyang kasalanan niya ngunit grabe naman yata ang reaksyon ng kapatid. Inis niyang tinanggal ang maskarang nakatabing sa kaniyang mukha at inihagis na lamang iyon sa ibabaw ng kama ni Graza. “Hayst!” she groaned. “Kalma, Graza. Sa reaksyon mo, daig ko pa ang nakapatay.” Gusto niyang magtampo sa kapatid. Pinapakaba nito nang mabilis ang dibdib niya. Humugot ito ng isang malalim na hininga at bahagyang kumalma. Kapagdako’y umiiling na ipinagkrus nito ang mga kamay sa harapan dibdib at tinitigan siya. “So if it’s not a big deal then what’s your deal with Gila?” Graza’s voice swaggered. Nanlalantang napairap siya sa ere. “He wants me to grow that forever rose again,” her voice faltered. Kagat-labi siyang napatakip ng nag-iinit na mga pisngi bago pa niya marinig na magreak itong muli. “See?” said Graza, her voice taunted. “That’s exactly my point, Emrys,” nanghina ang boses nito kapagdako. Naiiling na lamang itong binigyan siya ng dismayadong tingin. “Anong gusto mong gawin ko, Graza?” she grieved. “Wala namang may gustong mangyari ‘yon. Lalo na ako. It was an accident. I was too stunned with what I saw. My ghad! Kahit sino naman siguro.” Mariin siyang napapikit pagkatapos maalala ang kababalaghang bumulaga sa kaniya sa terrace nang gabi rin na iyon. Naagaw niya ang atensyon nito dahil sa kaniyang sinabi. “What exactly did you see?” Kumunot ang noo nito. Napadilat siya at sobrang lapit na ng mukha ng kapatid sa kaniya. “Can I-I not say it?” hiyang-hiyang pakiusap niya rito. Ramdam niya ang pag-init ng kaniyang mga pisngi. Kumunot lalo ang noo nito dahil sa sinabi niya. “Te’ka, bakit naman namumula ang pisngi mo?” Inilapat nito ang mukha sa kaniya at inusisa ang kaniyang mukha. Nag-iwas muli siya ng tingin. “W-Wala,” pagsisinungaling niya rito. “So ano ngang nangyari?” Umahon siya mula sa ibabaw ng kama at tumayo. “I saw him making out with someone in the terrace...” “Making out?!” Halos lumuwa ang nanlalaking mga mata nito. Kagat-labi siyang napatango. Kinikilabutan na napahaplos ito sa sariling mga braso. “I-I don’t know what to say. I feel sorry for you that you had to see it in your own eyes,” nakangiwing sambit nito. Inis niyang naihilamos ang mukha sa kaniyang palad. “He’s such a pervert,” naiiling na sambit niya kay Graza. “A maniac!” giit ni Graza. “Of all places, bakit sa terrace pa?” Napakamot ito sa ulo. Tumango siya rito. “Iyon ang sabi niya. Te’ka nga lamang, ano bang meron sa forever rose na iyon, Graza?” kyuryos niyang tanong sa kapatid. Naiiling na hinawakan nito ang kaniyang pisngi at marahan iyong pinisil. “Once in a life time lamang magpakita ang forever rose, Emrys,” ani Graza. “Now that I think about it again, parang nakakapagduda naman yata na forever rose talaga ‘yon.” Napangiwi siya. Pinalagpas na lamang niya ang sarkasmo sa boses ng kapatid. “Sa palagay mo, pinaglalaruan lamang ako ng manyak na ‘yon, Graza?” kunot-noong tanong niya sa kapatid. “I don’t know, Emrys,” nanghihinang sambit nito. Muli nitong ibinagsak ang katawan sa higaan pagkatapos. “But it doesn’t change the fact na kasalanan mo pa rin totoo mang forever rose iyon o hindi,” anito habang umiiling. “Hindi ko naman kinalimutan ‘yon,” mariing sambit niya. “Isa pa hindi ko rin naman na ‘yon matatakasan.” Napasapo siya sa kaniyang ulo habang iniisip ang nangyaring katangahan kanina sa mismong mansyon ng mga Cox. “What do you mean?” asked Graza. Naihiga niya ang kaniyang katawan sa ibabaw ng kama. “Wala na akong maisip na ibang paraan kanina kundi mangako na aalagaan ko ang forever rose na ‘yon, Graza. Pero ngayon naiisip ko na ang posibilidad. Anong gagawin ko kapag hindi na talaga nabuhay pa iyon?” Namomroblema na tuloy siya ngayon. Binato siya nito ng unan. “You’re so dead, Emrys,” halos pabulong na sambit nito. “Sabi ko nga!” nanlulumong sambit niya. “But I will still try—” “Really? I doubt that. Naranasan mo na bang magtanim kahit isang halaman man lang?” putol sa kaniya ni Graza. Natameme siya dahil sa sinabi ng kapatid. May punto naman talaga ang komento nito. Aaminin niya na. Ni hindi pa nga siya nakakadakma ng putik o nakaranas na magdilig ng halaman. “Oo na!” sumusukong amin niya. “Bakit ikaw din naman, Graza, ah,” hindi papatalong giit niya rito. Sa pagkakataong ito, siya naman ngayon ang nakatanggap ng irap sa kapatid. “At least, hindi ko kailangang tumawag ng himala para lamang mabuhay ang forever rose na ‘yon.” “Ang sama mo, Graza!” Umakto siyang naiiyak kunwari. Pumikit lamang ito at inusog siya paalis sa ibabaw ng kama nito gamit ang mga paa. “Alam ko,” nakangising sambit nito. Napasimangot siya. “Oh, my, binubully mo na naman ako.” Dismayado siyang napatayo. “Ayaw mo akong binubully ng iba kasi gusto mo ikaw lang mabubully sa’kin,” pangongonsensiya niya rito. “Iwan mo muna ako, Emrys,” anito. Mukhang nais na nitong magpahinga. “Fine,” aniya rito. “Bukas na lang ulit kita guguluhin.” “Okay,” tipid na sagot nito. Malapit na siya sa pinto nang bigla siyang may maalala. "Uhmm. Graza?" Bahagya siyang nag-alangan sapagkat alam niyang kailangan na nitong magpahinga. Napaangat ito ng ulo at awtomatikong nagdilat ng mga mata. "Ano na naman ba 'yon, Emrys?" Hindi na maipinta ang mukha nito. "Kasi naman hindi ko alam kung anong gagawin ko sa forever rose," amin niya rito. "Didiligan ko pa ba?" Naisatinig niya rin sa wakas ang nais sabihin rito. Nagulat siya sa biglaang pagtayo nito dahil sa sinabi niya. "Dala mo na pala?" gulat nitong tanong sa kaniya. Nanlalaki pa ang mga mata. Kumunot ang kaniyang noo rito. "Paano ko naman aalagaan kung 'di ko dala?" sarkastikong tanong niya rito. Napapalakpak ito na tuluyang ikinalaglag ng kaniyang panga. "Kung gano'n, bilisan mo at dalhin mo rito. Let's check kung iyon nga talaga ang forever rose," nakangiting utos nito sa kaniya. Namaywang siya rito. "Are you kidding me, Graza?" Hindi siya makapaniwalang ayos na muli ito pagkatapos nitong malaman na naiuwi niya ang forever rose. "Hindi," diretsahang sagot nito. "Tapos ngayon, minamadali mo pa ako," angil niya rito. "Alam mo namang nagbibiro lamang ako, Emrys. Masama lang talaga ang pakiramdam ko kanina," palusot nito. Alam niyang totoo iyon ngunit nais niya muna itong pakabahin nang bongga. "Talaga?" labas sa ilong nitong tanong sa kanila. "Hindi na ba ngayon?" Sumimangot ito. "Ayaw mo bang malaman kung paano rin iyon alagaan?” “Siyempre ay gusto,” tuluyan na siyang nagulumihan. “Bakit, iba ba ang pag-aalaga sa halaman kung forever rose ito?” tinatamad na tanong niya sa kapatid. Nasa punto na siya ngayon na kung nagbibiro ang kapatid ay wala na siyang pakialam. “Hayssst!” sumusukong angil nito sa kaniya. “Siyempre ay magkakaiba. Tulad ng mga tao ay magkakaibang dami ng tubig ang kailangan ng mga halaman. Hindi kailanman naging parehas.” “Fine,” tipid niyang tango. “Ipupunta ko rito then you can check it out.” Napapalakpak ito sa tuwa. “Sure, I’ll wait.” Bumalik siya sa kaniyang kuwarto at kinuha ang kailangan. Maingat niya iyong binitbit sa lalagyang isang basket. Napakamot siya sa kaniyang ulo at napangisi. Naimagine niya na agad ang pagtaas ng presyon ng kaniyang kapatid sa oras na maipakita niya ang kalunos-lunos na hitsura ng forever rose na iyon. “Are you serious, Emrys?” Tuluyang nalaglag ang panga nito pagkasilip. “Naputol ang manipis na sanga at halos wala nang natira. Paano ko malalaman na ito nga ang forever rose?” Nakasapo sa ulo ang kapatid. Halatang na-bad trip talaga ito. Sumimangot siya. “I thought, malalaman mo pa rin.” Napakamot ito sa sariling buhok. “Of course not. Hindi pa naman ako baliw.” Isang malakas na palo ang iginawad nito sa kaniyang puwet. “Matulog ka na nga. Pasaway ka!” Hindi siya makapaniwalang iniitsapwera na naman siya nito ngayon. “Gaano kadami ang tubig na ibubuhos ko, Graza?” pangungulit niya pa rin rito. Iwinaksi nito ang palad sa ere at pinapaalis na siya. “Try mo kaya ang isang balde ng tubig,” nakangising sambit nito. Kung sa normal na pagkakataon ay baka natawa na siya sa mga pilosopong sagot nito. “Graza!” napasinghal na siya at napaseryoso kunwari. “Kapag ginawa ko kaya ‘yang sinasabi mo rito mismo sa loob ng kuwarto mo ngayon. Wait at mag-iigib ako,” asar niya rito pabalik. Hindi siya nagpatalo. “Hoy!” mabilis nitong pigil sa kaniya. Nanlalaki ang mga mata. “Buhusan mo ng isang basong tubig. Ayos na iyon,” seryosong sagot nito at nagtalukbong na muli ng kumot hanggang leeg nito. Inilapit niya ang mga mata sa mukha nito at pinag-aralan ang reaksyon nito. Ngumiti siya rito at nagpasalamat. “Thank you, Graza!” natutuwang sambit niya sa kapatid na sumurender na yata talaga sa kaniya. Lumapit din siya rito at humalik sa pisngi nito. “Goodnight!” “Mahawaan ka ng sakit ko,” mariing tanggi nito at sabay nag-iwas ng mukha. “Ayos lang,” nakangising sambit niya rito at napahagikhik. “Para naman pareho tayong absent kung sakali.” Natawa ito nang bahagya. “Hindi ‘yan puwede. Magagalit sina mami at daddy. Sige na, bumalik ka na sa loob ng kuwarto mo. Close the door before you leave. Nawa’y hindi ka bangungutin ng forever rose na iyan.” Hayan na naman ito sa pananakot. “Hindi mangyayari ‘yan,” kampanteng sambit niya rito. Masaya siyang bumalik sa kaniyang kuwarto at kumuha ng isang basong tubig. Inilagay nia pa talaga iyon sa sprinkler na nakita niya kanina sa labas. Dinampot na lamang niya iyon nang kusa nang hindi nagpapaalam sa ina. Hindi niya alam kung paano ngunit naniniwala siyang hangga’t may pagsisikap ay may napakagandang resulta na matatanggap sa huli. Marahil hindi iyon magiging madali ngunit handa naman siyang harapin ang responsibilidad ngayon at matutunan ang mga bagay na salat siya. “Maawa ka sa akin,” kagat-labing pakikiusap niya sa forever rose habang dinidiligan iyon. “Please, mabuhay ka lang. Sobrang saya ko na nun.” Nakapangalumbaba siya sa ibabaw ng lamesa habang nakatitig sa maliit na halaman. Nag-search siya sa internet tungkol sa forever rose ngunit wala siyang mahanap tungkol doon. Ang ending, nagbasa na lamang siya ng pag-aalaga sa mga normal na bulaklak. Ayon sa nabsa niya, makakatulong daw kung kakausapin palagi ang halaman. Kaya iyon ang ginagawa niya ngayon. Taliwas sa kanilang inaasahan, nakatulog naman siya nang maayos. Hindi niya inaasahan na naidlip siya habang kinakausap ang forever rose hanggang hatinggabi. Pagkagising ay bumangon din siya agad at lumipat na siya sa kama. Kinabukasan pagkagising niya’y sinilip niya agad ang halaman. “Goodmorning, forever rose!” Diniligan niya ito ng isang basong tubig. Ingat na ingat siya rito. Tatlong magkakasunod na katok ang kaniyang narinig sa pinto. “Emrys!” malakas ang boses na tawag nito bago bumukas ang pinto ng kaniyang silid. Nagulat siya nang makita na nakauniporme na si Graza. Kunot-noo niyang sinulyapan ang malaking relo na nasa dingding para lamang magulat sa oras. “Hindi ka pa rin nakakaligo?” naiiling na tanong nito sa kaniya. Napakamot siya at masayang naglakad palapit rito. “Anong oras na ako nakatulog kagabi, Graza.” Totoo naman iyon. Kahit antok na antok na siya’y nanatili pa ring dilat ang kaniyang mga mata at kausapin ang forever rose. Isang marahang batok ang iginawad nito sa ulo niya. “Maligo ka na at ako na ang bahala sa forever rose na ito,” suhestiyon nito. “Hindi na ba masama ang pakiramdam mo?” nag-aalalang tanong niya rito. Umiling ito. “Alam mo namang mabilis lamang mawala ang lagnat natin.” Sang-ayon siya sa sinabi nito. “Mataas lamang talaga ang resistensiya natin. Sige, ligo lang ako saglit, Graza.” Paalam niya rito. Maaga silang nakapasok. Sa sobrang aga nila’y inaantok niyang pinanood na lamang ng tahimik ang mga taong nagdaraan. “Emrys!” gulat na tawag ni Graza nang bigla siyang tumayo mula sa kaniyang upuan. Dire-diretso siyang naglakad palabas at sinundan ng tingin ang pamilyar na lalaki na dumaan sa tapat ng kanilang klasrum.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD