Napasinghap ang mag-asawang Cox dahil sa kaniyang ipinahayag. Hindi maikakaila ang pagkaaligaga sa kilos ng ginang.
"Babae?" Napakurap si Luna Delva at napasulyap sa anak na si Gila. "But—”
Naputol ang sinasabi ng ginang nang tumikhim si Alpha Raun at makahulugang tingin ang iniukol sa asawa bago tumayo. Tinapik nito ang balikat ng kaniyang ama. "Tara sa study room ko, Luki. Marami pa tayong kailangan pag-usapan. Hayaan na natin sila ritong magkuwentuhan," nakatawang yaya nito sa kaniyang ama.
"Mabuti pa nga," mabilis namang sagot ng kaniyang ama at tumayo.
"Dito lang muna kayo at may mas mahalaga kaming dapat pag-usapan ni kumapare," paalam ni Alpha Raun bago sila naglakad paalis ng kaniyang ama.
Inihatid niya ng tingin ang dalawa ngunit awtomatikong natigilan siya nang maramdaman ang matalim na titig ng mga mata ni Gila sa kaniya. Nakumpirma niya iyon sa kaniyang peripheral vision.
Pasimple niyang inipit ang nakatabing na buhok sa gilid ng kaniyang tainga at nagkunwaring walang alam sa iniisip ni Gila.
Nakita niya itong umabot ng baso at nagsalin ng juice. "A girl?" maang na tanong nito na ikinalingon niya rito.
"Yes," siguradong sagot niya rito.
Napangisi siya sa reaksyon nito. Alam niyang alam na alam nito ang tinutukoy. Gila's just trying to play the innocent card in her own game.
Ibinaba nito ang hawak na baso bago ngumisi sa kaniya. "Sigurado ka bang babae ang nakita mo, miss? Sorry to say this ha, pero kung hindi si mama at si Tita Calope ang nakita mo then what you saw is a ghost. Walang ibang babae sa pamamahay na ito puwera kay mama," palusot nito. Kampante itong nakangiti na para bang wala lang rito ang sinabi niya.
Kimi siyang natawa at napatakip ng bibig. "Ah, tama! Baka nga," tumangu-tango siya. "Hindi ko kasi masyadong nakita. Medyo madilim din kasi kanina sa parteng iyon ng hardin."
"See, anak?" biglang sambit ng ina nito. "I told you so."
"What, mom?" gulat na tanong ni Gila sa inang si Luna Delva.
Napalingon ang ginang sa kaniyang inang si Calope. "Madilim kasi sa hardin, mare kapag gabi. Ilang beses na kaming nag-away mag-ina tungkol sa bagay na 'yan. Madali ka lang madapa kapag hindi mo nakita ang dinaraanan mo. Pero ayaw niyang pagbigyan ang hiling ko na palagyan ng ilaw doon," mahabang kuwento ni Luna Delva sa kaniyang ina.
Emrys found it funny. Kitang-kita niya ang pag-shift ng reaksyon ni Gila. Mukhang katakot-takot ang inaasahan nitong sasabihin ng ina kanina. Ngayon ay napasandal ito sa likod ng upuan na tila ba katatapos lamang nitong mabunutan ng tinik sa lalamunan.
"Ma naman," angil nito. "Ipinapahiya niyo naman ako kila Tita Calope niyan, eh. Hayaan niyo bukas na bukas. Palalagyan ko na 'yan ng ilaw."
Napapalakpak ang inang si Luna Delva sa sinabi ng anak. "Sinabi mo na 'yan, Gila."
"I'm sure may rason si Gila kung bakit ayaw niyang palagyan ng ilaw sa hardin ninyo, Luna," sambit ni Calope sa kumare.
Isang nakakalokang ngiti ang lumabas sa mga labi ni Emrys. Nagpigil siya ng tawa at sinadyang iiwas ang tingin kay Gila. Nais niyang palakpakan ang ina dahil sa eksaktong sinabi nito.
"That's true, Tita," labas sa ilong na sambit ni Gila.
Hindi nakaligtas kay Emrys ang pagngiwi nito kapagdako.
Tumango si Calope. "Tell me more, hijo. As you were the one who design the whole garden. Bakit nga ba kinokontra mo mama na palagyan ng ilaw?" tanong ng kaniyang ina sa lalaki.
Tahimik lamang siya nakikiramdam at nakikinig.
Muling nagsalin si Gila ng maiinom sa baso nito. Inuyog nito iyon gamit ang kamay bago sinagot ang tanong ni Calope. "Personally po tita, I really want the garden to stay dependent to the nature. I want it to crave for the moonlight as much as it needed the sunlight. I think, much better po kung gano'n. The place will remain lovely and romantically preserve."
Natigilan siya. Hindi niya inaasahang gano'n kaganda ang isasagot ni Gila. Huli na nang mapagtanto niyang nakatitig na lamang siya sa lalaki habang sinasabi nito ang explanation nito.
"Aw," hangang-hanga na sambit ni Calope. "How romantic naman, hijo." Hindi niya inaasahang pagpuri nito sa lalaki.
Napayuko siya. Puring-puri pa rin ito sa huli at hindi niya inaasahan iyon.
Tumango lamang ng tipid ang lalaki. "But I changed my mind now, Tita. I think mas maganda nga kung malalagyan ng ilaw. Who knows accident? Kanina ko lamang naisip na maaaring may madapa sa hardin at madaganan ang mga kawawang halaman. I don't want that to happen," simpleng pagtira nito sa kaniya na ikilaki ng kaniyang mga mata sa inis.
Naubo siya. Muntik na siyang mabulunan sa sarili niyang laway.
Nagsalin ito ng tubig sa baso niya ito maagap iyong inabot sa kaniya. "Drink this," anito sa mahinang boses.
"Oh, t-thanks!" nautal siya pagkakita niya sa simpleng pagngisi nito.
"She's the accident." Kahit na halos pabulong ay hindi nakalagpas sa kaniyang pandinig ang sinabi ng batang si Jules.
"May sinasabi ka, Jules?" maang na tanong ng inang si Luna Delva bunsong anak.
Tahimik na napayuko lamang ang bata, "ah, nothing mom" maikling sambit nito at muling itinuon ang pansin sa sariling pagkain.
Buong akala niya'y mananatiling awkward hanggang sa yayain ang kaniyang ina ni Luna.
"Ang mabuti pa, Calope..." aniya ng ina ni Gila. "Tumambay tayo sa garden. You have to see it tonight. Maganda ngayon sapagkat maliwanag ang buwan!" Excited na yaya ng ginang sa kaniyang inang si Calope.
"Oh, sure, Luna." Agad na tumayo ang kaniyang ina kasabay ni Luna Delva.
Binitbit ng mga ito ang inumin at nagdala ng kaniya-kaniyang baso.
"Dito lang kayo muna mga anak," malambing na bilin ni Luna Delva sa mga lalaking anak. "Samahan niyo rito si Emrys para hindi siya maburyo. Kausapin niyo ang isat-isa," anito.
"Okay," matipid na sambit ni Jules bago ipinagpatuloy ang pagkain.
Nagulat siya sa tinuran nito. Naalala niyo noong ganiyan pa lamang siya kalaki noon sa Jules. Kung nasa'n ang ina'y nandoon din siya dapat.
"Huwag niyo po kaming alalahanin, mom and Tita Calope," sambit ni Gila.
Masayang naglakad ang dalawa na para bang may sarili rin na mundo.
"Both of you can drop the act now," makahulugang sambit ni Jules sa kanila saka ito tumayo at naglakad paalis nang walang paalam.
Kumunot ang noo ni Gila. "Anong pinagsasabi ng batang 'yon? Naguluhan ito.
Napakamot siya sa kaniyang buhok. "I think your brother knew what happened," aniya rito.
Nanlalaki ang mga mata ni Gila sa narinig. "What?"
Nagkibit-balik na lamang siya sa huli.
Tumayo ito at pinaluwagan ang suot na tie. "That kid," naiiling na sambit nito.
Kyuryos niyang nakagat ang ibabang labi. "Bakit, natatakot ka bang isumbong ng bunso mong kapatid?" May himig pang-aasar sa tono ng kaniyang boses.
"Of course not," anito. "Natatakot lamang ako na baka nakita niya rin ang nakita mo sa terrace kanina."
Napangisi siya. "Ayon. Bakit, hindi mo ba girlfriend ang babaeng nakatago sa loob ng kuwarto mo?"
Nanliliit ang mga matang napatitig ito sa kaniyang mukha. "Shhh!" kabadong saway nito sa kaniya. "Wala akong itinatagong babae sa loob ng kuwarto ko, miss."
Nagpakawala siya ng pagak na tawa saka tumango. "So, napauwi mo na pala," panghuhula niya na mas lalong ikinairita nito.
Binuhat nito ang babasagin na baso at inisang tungga ang natitirang laman niyon. "Wala ka na roon, miss."
Bahagyang tumaas ang kilay niya dahil sa pagkakadiin nito sa salitang miss. "Please stop calling me miss. I have my lovely name," sambit niya rito.
Pagak itong natawa at tumango. "I'm sorry. Ano na nga ulit ang pangalan mo?" nakangising tanong nito sa kaniya. Lalo siyang inaasar.
Pinaikot niya ang kaniyang mga mata. "Never mind," aniya sa sarili.
Tumahimik na lamang siya at nag-iwas ng tingin. Ayaw niya nang makipag-usap pa sa lalaki.
"Paano ba 'yan, siguraduhin mong aalagaan mong mabuti ang forever rose ko," bigla nitong naalala.
Natigilan siya. Ngayon nalaman niya na ito ang hardinero. Naintindihan niya na kung bakit mahal na mahal nito ang halamang iyon.
"Ano ba kasing meron sa forever rose na 'yon?" hindi nakatiis na tanong niya muli rito.
Maang na napatitig ang lalaki sa kaniyang mukha. "You're from Aswun ngunit hindi mo alam kung ano ang gamit ng halamang 'yon? You're very interesting little wolf." Tila ayaw nitong maniwala sa kaniya.
"Well, I already knew that. Home schooling kasi ako noon at ngayon lamang sa kolehiyo ang hindi. Bihira lang din akong lumabas kaya pagpasensiyahan mo na ako kung hindi ko naabutan ang chismiss," aniya rito.
Natahimik ito dahil sa sinabi niya. Tila ba may dumaan na anghel kapagdako.
"I-I'm sorry to hear that," awtomatikong nag-shift sa pag-aalala ang boses nito.
"It's okay. Wala kang dapat ipag-alala. Hindi naman ako nag-iisa. Dinamayan ako ng kapatid ko sa home schooling. I have the best sister!" kuwento niya rito sa pinasiglang boses.
Hindi niya alam kung paanong napunta roon ang topic nila ngunit kampante naman siya sapagkat alam niyang wala siyang dapat ipag-alala.
Kumunot ang noo ni Gila. "Bakit hindi siya sumama sa pagpunta niyo rito?" kyuryos nitong tanong.
"Masama ang pakiramdam niya," aniya rito.
Tumangu-tango naman ito sa huli. "I see," anito.
"Please take care of my forever rose," mahinang bulong sa kaniya ni Gila bago siya pumasok sa loob ng sasakyan.
Tumango siya rito at kumaway. "Makakaasa kang gagawin ko ang best ko, Gila."
Ngumiti ito nang buong tamis. "Thank you, Emrys. Aasahan ko 'yan."
Masaya siyang kumaway sa mga ito habang papaalis na ang sasakyan nila.
"Ano 'yang ibinigay sa'yo ni Gila, anak?" hindi nakatiis na pag-usisa ng kaniyang ina mula sa front mirror.
Maang niyang itinaas rito ang maliit na box. "Gamot daw po para kay Graza," nakangiwing sagot niya sa ina.
"Aw," manghang sambit ng ina. "He's so thoughtful anak," ani ng kaniyang ina.
"K-Kaya nga po, hehe."
"You should bake a cake with Graza at ipapadala natin sa kaniya para naman mapasalamatan natin siya nang maayos," dadag utos pa nito.
"Sige po," tinatamad na sagot niya sa ina.
"Damihan niyo na anak para naman matikman na nilang lahat," sambit ng ama.
"Noted, pa."
Pagkababa ng sasakyan ay nasilip niya agad ang nakabukas pa ring ilaw mula sa kuwarto ng kapatid. Mukhang gising pa ito kaya naman mabilis siyang tumakbo at tinungo ang kuwarto nito.
Tatlong magkakasunod na katok ang iginawad niya sa pinto ng kuwarto ng kapatid bago siya pumasok. "Graza, papasok na ako!" bilin niya rito bago sabik na pinihit ang seradura.
"You're back," sambit ni Graza pagkakita sa kaniya.
Tumango siya at tuluyang lumapit rito. Inilapag niya sa harapan nito ang ibinigay ni Gila na gamot.
"Ano 'yan?" maang na tanong nito.
"Ipinabaon 'yan ni Gila para sa'yo," aniya rito.
"Si Gila?" kunot-noong ulit nito. "Nagkita na pala kayo."
Nakasimangot siyang tumango. "Yes, Graza. Mukhang kilala mo na siya, ah?" pag-usisa niya rito.
Tumango si Graza. "I've seen him in parties before. Everyone respect him."
Naiwan na nakaawang nang bahagya ang mga labi niya. "Respect?" gulat niyang ulit sa sinabi ng kapatid. "How come? Porket ba mayaman siya? Sikat at popyular na agad?" Sa madaling salita ay hindi siya lubos makapaniwala sa sinabi ng kapatid.
Maang na napatitig si Graza sa kaniya. "Hindi mo ba alam?" kunot-noong tanong nito sa kaniya.
"Ang alin?"
"Siya ang magmamana ng posisyon ng kaniyang ama, Emrys. Ilang taon na lamang at magiging Alpha na rin 'yang si Gila."
Hindi niya inaasahan ngunit hindi naman siya nabigla. "So that explains kung bakit itinatago niya ang kaniyang affair mula sa sarili niyang magulang, Graza."
"Affair?" gimbal na ulit ng kaniyang kapatid na animu'y nakarinig ng isang malaking chismiss.
Pinausog niya si Graza at nahiga sa tabi ng kapatid. Pilit niyang ipinagsiksikan ang katawan sa tabi nito.
"Huwag kang mabibigla, Graza," paalala niya sa kapatid. Tinatamad na napatango ito. "I saw him kissing a girl kanina sa terrace," halos pabulong na sambit niya rito.
"What?" nanlalaki ang mga mata nito sa kaniya. "You're not supposed to see those things!"
Napaikot siya ng mga mata sa ere. "And you too, Graza."
Inirapan lamang siya ng kapatid. "I'm being serious here, Emrys."
"Joke lang," maagap niyang bawi rito.
"Anong nangyari pagkatapos?" pag-usisa nito.
Napatitig siya sa kisame at napahawak sa sentido. "Guess what?"
"Guess what?" sinunod siya nito.
"Nadaganan ko lang naman ang kawawang forever rose niya,"ani rito.
Nanlalaki ang mga mata nito. "Nagbibiro ka ba?" hindi makapaniwalang tanong nito sa kaniya.