Chapter 10

2257 Words
      “A-aray!” nabasag ang kaniyang boses pagkatapos dumaloy ang nanunuot na kirot at hapdi ng pagkatusok ng kung anuman sa kaniyang kanang palad. Puno ng pagtataka niyang sinuri iyon ng tingin kapagdako.            Gulat siyang napasinghap pagkatapos makakita ng dugo roon.            Muli siyang nataranta nang may ilaw ng flashlight na tumama sa kaniyang kinaroroonan. Agad siyang tumalikod at iniwasan ang ilaw. Napagtanto niya sa huli na nagmumula iyon sa terrace.            Nagitla na lamang siya nang sigawan muli siya ng lalaki.            “Who’s that?” um-echo ang malakas at matipunong boses ng lalaki sa gitna ng madilim na gabing iyon na tanging ang bilog na bilog na buwan at hawak nitong flashlight lamang ang nagbibigay ng liwanag.            Natampal niya ang kaniyang noo. Ramdam niya ang pag-init ng magkabila niyang pisngi. “Oh, god! Anong gagawin ko?” natatarantang sambit niya sa sarili.            Ngunit ang tinutukoy niyang problema ay mas lalong lumala pagkakita niya sa kinahinatnan ng bulaklak na kanina lamang ay nang-aakit habang nakasilip sa kaniya. Napangiwi siya. “B-Bakit nakadapa ka na riyan?” gimbal niyang tanong sa kawawang bulaklak. Dumoble ang panlalaki ng kaniyang mga mata sa sobrang pagkaaligaga.      Awtomatikong dumaan sa kaniyang isipan ang napag-usapan nila kanina ng kaniyang ina. The Cox family treasure their garden very much. Sa lahat ng bulaklak na naroon, ang bulaklak pa mismo na nag-iisang umagaw sa kaniyang atensyon ang nauwi sa kalunos-lunos na hitsura.            Anong gagawin niya ngayon. “Hayssst!” Naikiling niya ang kaniyang ulo. Takbuhan na lamang kaya niya ito at magkunwaring walang nangyari? Ngunit huli na pala siya para roon.            “Sino ka at anong ginagawa mo rito sa hardin?”            Tumindig ang kaniyang mga balahibo sa batok pagkarinig niya sa baritonong boses na iyon. The voice is undeniably sexy as it almost whisper at the back of her ears. Humugot siya ng isang malalim na hininga. Nagbilang hanggang tatlo sa loob ng kaniyang isipan bago tuluyang umikot paharap sa nagmamay-ari ng boses na iyon.            Napatitig siya sa madilim na pares ng mga mata na iyon. Parang may magnet na nagsasabing tumitig siya roon nang mas matagal. Kyuryos na nagsalubong ang kilay nito habang nilalabanan niya ang mapanganib nitong awra sa kaniyang isipan. This wolf smell like a danger.            The hot-looking wolf exposing his upper body. Kuminang ang pawis mula sa matipunong dibdib ng lalaki na kampante nitong iniharap sa kaniya ngayon. Mabilis pa sa alas-kuwatro na nag-iwas siya ng tingin mula rito.            “Miss, I am talking to you,” the voice snapped. “Don’t you know it’s rude to turn your back at someone who’s still talking to you?”            Mariin siyang napapikit. Even the voice is undeniably sexy. What? Did she really say sexy? Mukhang malakas ang tama ng pagkakatumba niya at maging ang utak niya ay nauyog na rin.            “S-Sino ka para pagsabihan ako?” naiilang na asik niya rito. “Ni hindi mo man lang naisip na magdamit muna bago ako sugurin! For goodness’ sake, nakabalandra lang naman ang katawan mo, mister! Ganito ba talaga lahat ng hardinero rito?!” Hindi niya naiwasang paikutin ang mga mata sa inis.            “What did you say?” mahinahon ngunit mapanganib na tanong nito sa kaniya.            Napakurap siya sa tanong nito. “A-Ano?” Natuliro siya. Hindi alam kung ano eksakto sa mahabang panambitan niya ang hindi nito naintindihan. “Saan banda roon ang hindi mo naintindihan?”        Pinagpawisan siya nang malapot pagkarinig niya sa boses nito na halos nasa likuran niya na lamang. “Na ganito ba talaga lahat ng h-hardinero sa mansyon na ito…” he almost whispered through her ears.            Napatalon siya sa gulat at napatakbo ng ilang hakbang palayo sa kinaroroonan ngunit maagap nitong nahawakan ang kaniyang palad at pinigilan siya. “Sa’n ka pupunta, little naughty wolf?”            Kunot-noong hinarap niya ito. “You, pervert gardener!” Nag-ipon siya ng lakas at ibinuhos iyon sa pagwaksi ng kamay nito sa braso niya.            “W-Wait. Anong nangyari sa—” nabitin sa ere ang sinasabi nito nang harapin siya nito at nang-aasik na dinuro.            “I-I—” nataranta siya at naghagilap ng sasabihin habang pinagmamasdan itong manghina habang nakatingin sa kalunos-lunos na hitsura ng bulaklak na nadaganan niya kanina.            “Look what have you done to my forever rose!” dumugundong ang galit na boses ng isang lalaki sa madalim na hardin. Umigting ang panga nito.            Napangiwi siya. “I-It was just an accident!” Kusang tumaas ang boses niya sa pagpapaliwanag sa lalaki.            Naisuklay nito ang kamay sa sariling buhok. “Of all the accident, ang nag-iisang forever rose ko pa talaga ang dinamay mo sa’yong kamalasan, miss!”            Nanlaki ang mga mata niya dahil sa kaniyang narinig. Kamalasan? Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga. Hindi siya makapaniwalang tinawag siya nitong malas.            “Inuulit ko po. Aksidente lamang ang buong pangyayari at hindi ko sinasadya. Patawad kung nadaganan ko ‘yang halaman mo. Pasensiya ka na talaga. Patawad!” mariing sambit niya rito.            “Damn accidents!” malutong na sambit nito at namaywang. “Trespassing ka, miss.”           Nanggigigil na lumapit siya rito. “Oo na!” ani niya. “Kasalan ko nga naman talaga. Pero fyi hindi ako trespassing, mister.”            Gumuhit ang sarkastikong ngiti sa labi nito at tumangu-tango. “Ah, talaga?” Halatang hindi ito naniniwala. Hanggang tainga lamang siya nito kaya naman kailangan pa talaga siya nitong yukuin. “Bakit hindi kita kilala?”            Kumunot ang kaniyang noo dahil sa tanong nito. Namaywang siya at itinuro ang terrace. “Alam ng Alpha at Luna na nandito ako sa hardin ngayon. Pero alam kaya nilang may naglalandian sa terrace ng mansyon nila?” hindi papatalong bato niya rito.         Napasinghap ito pero nanatili pa rin itong matatag sa huli ang pagkakasalubong ng tingin niya.            “Mukhang hindi mo naiintindihan ang pagkakamali mo, miss. Kung hindi ka napadpad rito sa hardin ko, idi sana’y wala kang nasira.”            “Hello?” Tuluyan na siyang naubusan ng pasensiya. “Aksidente nga kako akong natapilok at natumba riyan sa forever rose. Kahit naman sinong makakita sa kababalaghang ginagawa niyong dalawa ng affair mo po ay magugulat. At hindi dahil malas ako o ginusto ko!”            Kumunot ang noo nito. “Forget what you see. Kailangan kong malaman kung paano mo mapapalitan ang nag-iisang forever rose ko na ‘yan,” mapanganib na sambit nito.            Natakot siya sa bahagyang pag-igting ng panga nito. Naging malikot ang kaniyang mga mata. “Snake!” tili niya sabay turo sa likod nito. Sinabayan niya iyon ng takbo ngunit hindi ito naniwala kaya naman nahuli pa rin nito ang palad niya.            “That trick won’t work on me, little naughty wolf,” nakangising sambit nito. “Now tell me your plan to compensate me.”            Laylay ang balikat na napasimangot siya. Sa huli’y wala pa rin siyang kawala rito.            Mabigat ang loob na binuksan niya ang pinto ng compartment ng sasakyan ng kaniyang ama. Nanliit ang mga mata niya nang mukhang nag-aalinlangan pa itong ipasok ang nag-aagaw buhay ng forever rose nito.            “Hayst!” angil niya rito sabay hablot niyon mula sa kamay nito. Siya na mismo ang naglapag niyon sa compartment.            “Ikaw,” asik nito sa kaniya. “Hindi naman kaya masuffocate ang forever rose riyan sa loob?”            “Hindi ‘yan,” maikli niyang sagot rito. Ayaw niya nang makipag-argumento sa mga ito.            Akmang isasarado niya na iyon nang iharang nito ang braso sa pinto niyon. “Bakit ba kasi kailangang dito mo ilagay? Puwede namang sa loob.”            Humugot siya ng isang malalim na hininga. Hinahamon talaga siya ng lalaking ito.            “Ano ba ‘yang forever rose na ‘yan? Gold?!” asik niya rito.            Inis niyang iwinaksi ang kamay nito at isinarado ang pinto ng compartment. Wala naman itong nagawa sa huli.            Tumiim lalo ang anyo nito ngunit nanatiling walang kibo sa huli. “Huwag mong kakalimutan ang kasunduan natin.”            Lihim siyang napalunok.            Nangako siya rito na aalagaan ang pinakamamahal nitong halaman at susubukan iyong mapabuhay muli. Iyon ang tanging rason na naisip niya upang tantanan na siya nito.            Magulo ang isip na bumalik siya sa hapag-kainan. Agad na napansin ng kaniyang ina ang kakaiba sa pananahimik niya.             “Kumusta ang pamamasyal sa hardin ng mga Cox, anak?” nakangiting tanong ng kaniyang ina.            Pag-angat niya ng tingin ay nasa kaniya na pala ang atensyon ng lahat. “A-Ah, na-enjoy ko po. Sobrang ganda po. Totally enchanting,” pilit niyang pinasigla ang kaniyang boses.           Nakangiting tumango si Luna Delva. “Thank you!” natutuwang pasasalamat ng ginang sa papuri niya.            “Ang galing naman ng hardinero niyo, Luna. Sa’n ba makakapulot ng isang talented na kagaya niya?” Hindi nakatiis na sambit ng kaniyang ina na sanhi kung bakit siya nakaramdam ng kaba.            Tumawa lamang si Luna Delva sa sinabi ng kaniyang ina. “Should I tell her, mahal?” malambing na paalam nito sa asawang nakikinig din.          Nakatawang napailing si Alpha Raun dahil sa tinuran ng asawa. “Just tell her, mahal. Hindi naman siguro siya magugulat.”            “Then I’ll tell her,” aniya ni Luna Delva bago hinarap ang ina.            Naging kyuryos naman siya sa sasabihin ng ginang kaya mataman siyang nakinig.            “Go on,” ani Alpha Raun.            “Ang anak namin mismo ang matiyagang nagtatanim, nagdidilig at nag-aalaga ng mga halaman sa hardin namin, Calope. Wala ng iba pa,” nakangiting sambit ng ginang na ikinalaglag ng panga niya.            “A-Anak niyo po?” gimbal na tanong niya sa ginang.            Nakangiti itong tumango.            “Oh, really?” hindi makapaniwalang sambit ng kaniyang ina. “I didn’t expect that. Sobrang talented talaga ng mga anak niyo.” Hindi naitago ng kaniyang ina ang paghanga sa kaniyang boses.            “S-So hindi po totoong may binabayaran kayong katulong?” kabadong tanong niya muli sa ginang. Kagaya ng boyfriend ng inyong anak? Ngunit hindi niya tuluyang naitinig ang huli.          Humagalpak ng tawa ang ginang. “Iyan ang usap-usapan, hija.”            Kunot-noo siyang napamaang. “She’s very talented. For sure, hindi lamang po ‘yon ang talent niya,” kagat-labing puri niya sa anak nito.            “She?” kunot-noong sambit ng ginang na ikinakurap niya.            “A-Ang anak niyo po?” naguguluhang tanong niya rito.            “Emrys,” nag-aalalang saway ng kaniyang ina sa kaniya. “Manghingi ka agad ng tawad sa pamilya Cox.”            “P-Po?” nagitla siya.            “Pawang mga lalaki ang magkakapatid na Cox, hija. At dalawa lamang sila ni Jules,” paliwanag ng ama na ikinasinghap niya.          Awtomatiko siyang napaahon ng tayo mula sa kinauupuan at agad na yumuko sa harapan ng mag-asawa. “Patawarin niyo po ang aking kadaldalan. Hindi ko po alam.” Nanatili siyang nakayuko.            “Ayos lang, Emrys. Maupo ka na muli, hija,” pagbabalewala ng ginang sa kaniyang pagkakamali.            Nahuli niya ang pag-irap ni Jules sa kaniya. “I saw you with my bro—” Nabitin sa ere ang sinasabi ni Jules nang biglang sumulpot ang hindi inaasahang panauhin.            “Am I late for the family dinner?”            Sunod-sunod na pagkabog ng kaba ang bumulabog sa dibdib niya. Hindi nga siya nagkamali sa kaniyang paglingon. She saw him smirked. Lihim na umigting ang kaniyang panga pagkakita muli sa antipatikong hardinero. Na sa tunay na buhay pala ay isang prinsepe sa palasyo ng Cox. Disente na rin ito tingnan ngayon sa pormal na suot na itim na suit.            “Muntik na, hijo,” aniya ng ina nitong si Luna Delva.            “Long time no see, hijo,” bati ng kaniyang ama sa binata.            Kumaway ito sa kaniyang ama. “Oo nga po, eh. Kumusta po kayo?” magalang na tanong nito pabalik sa kaniyang ama.            “We are good, hijo,” masayang sagot ng kaniyang ama.         Nakapamulsa na huminto ito sa kaniyang tapat at kumunot ang noo pagkakita sa kaniya. “Who’s this beautiful lady, mom?”           Nanggigigil na napakagat siya sa ibaba niyang labi. Surely, the man in front of her right now knew how to act.            Mas lumawak ang pagkakangiti ng ginang. “She’s the daughter of your Tito Luki and Tita Calope hijo.”            Umakto pa itong nagulat. “I see.” Tumango ito at kumaway sa kaniya. “Hi! My name is Gila, how ‘bout you?” sobrang lawak ng ngiti nito. Sobrang boyish ng ngiti ngunit alam niyang sa likod ng guwapong ngiti nito ay ang mapanganib na katauhan. A pervert alpha!            Napakurap siya. “Emrys,” pinilit niyang magpakatatag sa harapan nito.            Naupo na muli sila nito ngunit naiwan siyang tahimik at malalim ang iniisip. Nahuli niyang masama lalo ang tingin sa kaniya ni Jules habang pinagpapalit-palit sila nito ng tingin ni Gila.            “Tapos na ba ang trabaho mo, ‘nak?” Si Luna Delva kay Gila.            Naalala niya na ang sinabi ng ginang kanina. Ang anak umano nito ang nagluto at may tinatapos itong trabaho sa opisina. Napaubo siya nang madumi ang pumasok sa kaniyang isipan na trabahong tinutukoy ng lalaki. Iyon ay ang kababalaghan mismo na nakita niya.            Nanlalaki ang mga mata niya lalo nang abutan siya ni Gila ng tubig. Makahulugang tingin ang iniukol nito sa kaniya.            “Ayos ka lang ba, hija?” nag-aalalang tanong sa kaniya ng ginang.            Tumango siya. “Ayos lang po. Naalala ko lamang po ang babaeng nakita ko kanina nung nasa hardin ako,” sadyang sambit niya na ikinalaki ng mga mata ni Gila.            Taas-noo niyang sinalubong ang madilim na titig ni Gila. Kitang-kita niya ang pagtiim ng bagang nito. Masaya siya sapagkat nakikinita niya nang sa huli sa kaniya pa rin ang huling halakhak.        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD