Chapter 9

2190 Words
      Naiwang nakaawang nang bahagya ang mga bibig ni Emrys pagkapasok ng kanilang sinasakyan na kotse sa loob ng malaking gate. Doble ang laki niyon sa gate ng kanilang mansyon. Hindi sa pagmamayabang ngunit ang mansyon nila na tinutukoy niya ang pinakamalaking mansyon sa buong Aswun ng Hanyas.            Pumasok ang sasakyan sa malawak na driveway.            Kyuryos na napataas ang kaniyang kilay pagkakita niya sa napakagandang landscape ng garden. Doon natutok ang kaniyang atensyon. Totoong kaagaw-agaw pansin ang mga iyon lalo na’t naggagandahan ang mga halama’t bulaklak na nakatanim. “Woah!” kusang namutawi ang paghanga sa kaniyang boses. “I thought we are going outside Aswun, ma?”            Narinig niya ang striktong pagtikhim ng kaniyang ama. “We are not in the Aswun anymore, anak,” ani ng kaniyang ama.            Tahimik siyang napatango sa huli.            Kumpara kay Graza, hindi talaga siya masyadong pamilyar sa mga lugar pagdating sa labas ng kanilang mansyon. Siya na yata ang pinakabobong tao pagdating sa mga lugar. Aminado naman siya sa parteng ‘yon.            Simula pagkabata, nasanay na kasi siyang nakakulong sa loob ng mansyon. Growing up, she realizes parties are eventually not for a shy type teenager who will just sit there at the party hall’s corner and watch people get curious her weirdness.            Hindi naman siya baliw para gustuhin pang um-attend ng mga parties na ‘yon. Mas gugustuhin niya na lamang matulog at magbasa ng libro sa loob ng kuwarto ni Graza habang hinihintay na matapos ang pagpapanggap nito bilang siya. Iyon ay ideya mismo ni Graza. Alam niyang gusto lamang siya nitong protektahan. Ayaw nitong nakakarinig siya ng masasakit na salita sa mga parties na ayon sa magulang ay kailangan nilang daluhan. Masuwerte siya at nandiyan ang kaniyang kapatid upang pagtakpan siya.            Ngunit walang sekreto na hindi nabubunyag. Nakatikim sila ng parusa at mahabang sermon mula sa kanilang ama na si Luki. Ngunit patuloy pa rin nilang ginagawa iyon. Hindi na nga lamang sila nagpapahuli rito.            Nilingon siya ng kaniyang ina mula sa harapan. “Yup, that’s right, anak. Nakalimutan ko na kung sino ang nakabanggit sa akin na mahilig daw sa mga bulaklak ang isa sa mga anak ni Alpha Raun,” kuwento ng kaniyang ina na ikinatango niya.            “O,” tumatangong sambit niya. She take note that the heir is probably a she. “That explains so, ma” she added shortly.            “Look how lovely the landscape is and everything that were planted there. Very priceless,” anito.            “Wow!” hindi niya napigilang mapabulalas habang patuloy na sinisilip ang mga bulaklak na nakatanim sa hardin. “Now I wonder kung ilang milyon na ang kanilang naigastos sa napakagandang hardin nilang ‘yan, ‘ma."            “Exactly anak!” excited na sang-ayon ng kanilang ina.            “But it takes a very capable wolf to handle that totally enchanting garden,” mangha pa rin na sambit niya.          “Definitely,” anito. “Such enchanting garden. It is known to everyone.”            Nanliliit ang mga mata niya nang may biglang may maalala dahil sa sinabi ng ina. “Mom, don’t tell me ‘yan po ang tinutukoy nilang garden na may misteryosong hardinero raw po. Isang malaking sekreto umano iyon na naibalita pang ipinagdadamot ng Cox family mula sa publiko?” kyuryos niyang tanong habang nakatingin sa ina.       Nagkatinginan ang kaniyang mga magulang. Ang kaniyang amang si Luki ang sumagot sa kaniyang katanungan habang ang atensyon ay muling nasa daan. “Forget what you said about what you heard, Emrys. Don’t say that again lalo na sa harapan ng ibang tao. That’s a baseless opinion, anak,” nag-iingat na paalala sa kaniya ng kaniyang ama.            Nakatango siyang napayuko. “Opo,” maikling sambit niya. Mariin niyang naipikit ang mga mata at kinagat ang ibaba niyang labi. Bakit nga ba kasi nasabi niya pa ‘yon?            Maingat na inihinto ni Luki ang sasakyan sa gilid.            Speaking of the Cox, sikat ang pinagmulan ng pamilyang ito. Sa tutuusin, ito ang pinakamakapangyarihang pamilya sa buong Araceli pack. Alpha Raun is also a Cox. Wala nga lamang siyang ideya kung ang bahay ba ni Alpha Raun itong pinasukan nila ngayon.            She loves her isolated world very much that sometimes ikinakairita niya na lamang ang katotohanan na madaming koneksyon ang kaniyang ama sa labas man o sa loob ng Aswun. Naiintindihan niya ang malaking responsibilidad ng ama ngunit ang social affairs nito sa tuwina ang kinaiiringan niya. Madalas silang isama ng kanilang mga magulang ni Gaza at hindi naman palagi ay nakakapagbigay siya ng isang epektibong rason upang palampasin ng mga ito ang hindi niya pagsama.            Bumukas ang pinto sa driver's seat at naunang bumaba si Luki.            "Emrys," untag ng kaniyang ina nang hindi siya agad kumilos mula sa kaniyang kinauupuan. Nilingon pa pala talaga siya nito mula sa may front seat.            "Y-Yes, ma," alumpihit niyang sagot. Sinigurado niyang nakakapit nang maayos ang suot niyang maskara sa kaniyang tainga.         Nagpakawala muna siya ng isang malalim na buntong-hininga saka pinakiramdaman ang kaniyang mga paa. Tensyonado pa rin ang mga iyon.            Nanimbang siya sa kaniyang pagbaba.            Parang sumasayaw at mababali ang suot niyang stilleto heel pagkatayo niya.            "This is bad," she murmured problematically.            "What is bad, anak?" Aligaga siyang nag-angat ng tingin sa inang nasa tabi niya na lamang pala kaya siya narinig.            Maagap siyang umiling rito at ngumiti. "Nothing, ma. Tara na po." Kumapit siya sa braso nito.            Marahan nitong hinaplos ang kaniyang braso na nakakapit mismo rito. "You should smile darling," anito. "Sobrang ganda mo lalo ngayon anak."            Napangiwi siya at bahagyang kinilabutan dahil sa sinabi ng ina. "Ma, nakalimutan niyo na po bang nakasuot ako ng maskara?"            Tinawanan lamang siya nito. "Ano naman ngayon anak?" tanong naman nito pabalik sa kaniya.            "Kahit na ngumiti pa ako bawat segundo, wa effect lang po 'yon dahil hindi naman kita ang mga labi ko," nakasimangot niyang paalala rito.            Isang nanantiyang tingin ang iniukol sa kaniya ng ina. "But I can see your eyes, anak."            Sabay na umangat ang kaniyang dalawang kilay sa sinabi ng ina. "Ano naman pong meron sa mga mata ko?" kyuryos niyang tanong.            "Your eyes is the best reflection of your feelings," anito. "We can always pretend to be smiling on the outside but when we look deeper in our eyes, others can see the reflections we are trying to hide," mahabang paliwanag nito na ikinatahimik niya na lamang sa huli.            Tumatango siyang napahagikhik. "Hayaan niyo po at susubukan kong ingiti ang aking mga mata mamaya sa harapan ng mga Cox." Nagawa niya pang biruin ang ina.            Naiiling na lamang itong nagpatiuna ng lakad.            "Delta Luki, glad you accepted my invitation here in our humble home."          Awtomatiko siyang napalingon sa nagsalita. Isang lalaki na sa tantiya niya'y nasa mahigit kuwarenta na ang edad. Hindi nalalayo ang edad nito sa kaniyang ama. Guwapo at may pagkamestisuhin ang lalaki.            Namayani ang pagtawa ng kaniyang ama sa tinuran ng lalaki. "Walang anuman, Alpha Raun. Ang maparito'y tunay na isang malaking karangalan para sa'kin. Ikinagagalak kong makapunta, pare."            Muntikan siyang matapilok pagkarinig niya sa pangalan ng may edad ng lalaki na nag-imbeta sa kanila rito. Sunod siyang napakurap. Hindi siya makapaniwalang kaharap niya ngayon ang tanyag na si Alpha Raun.            Sa tabi nito ay ang isang napakaganda at elegante din na ginang.            ‘So this is Luna Delva!’ she almost scream but in her mind. Ang babaeng nagmula sa mahirap na angkan ng mga Alpha sa buong Araceli.       Nagkayakapan ito at ang kaniyang ina. May sariling mundo ang mga ito kaya naman tahimik na lamang siyang nagmatiyag sa likod.            Isang batang lalaki ang sumilip sa likod ng ginang. A handsome boy. Kumurap-kurap ito habang nakatitig sa kaniya.            Hindi siya nakatiis na kumaway rito. “Hi there!” bati niya sa bata.            Nagulat siya nang talikuran siya nito at isnabin. Tumakbo ito papasok sa loob mansyon.            “Jules!” malakas ang boses na tawag ng ginang rito.            Ngunit hindi nakinig ang bata.            The Luna smiled apologetically at them. “Pasensiya na kayo. Medyo may pagkamahiyain si Jules.”            Bahagya niyang inunat ang kaniyang paa nang biglang mapadako ang tingin niya sa isang kuwarto. Naagaw ang kaniyang atensyon ng isang bulto ng mula sa loob ng kuwarto. Matangkad at medyo malaki ang pangangatawan ng kaniyang nakita na hindi siya sigurado kung ito ba’y lalaki o babae.            "Emrys."          Awtomatiko siyang napabalik sa reyalidad pagkaramdam niya sa maingat na paghawak ng ina sa kaniyang braso.            "Anak, say hello to Alpha Raun and her beautiful wife," malambing ang boses na utos ng kaniyang ina.            Ngumiti siya rito at binalingan ng tingin ang mag-asawa na ngayon ay nakatingin na sa kaniya. Medyo nailang siya sapagkat nasa kaniya ang buong atensyon ng mga ito ngayon.          "Magandang gabi po sa inyo, Alpha Raun at Luna Delva." Kumaway siya sa mga ito saka yumuko. Ginawa niya ang bilin ng kaniyang ina. Ngumiti siya sa mga ito gamit ang mga mata.            Kumunot ang noo ni Luna Delva pagkapansin sa maskara niya. "Why is she wearing a mask, Calope?"            Hindi agad nakaimik ang kaniyang ina.            Sa huli ay ang ama niya na lamang ang bumasag sa katahimikan. "Bata pa lamang ay mayroon ng incurable disease si Emrys, Luna. The elders advised us to conceal her face from others."         Naramdaman niya ang paghawak ng ina sa kaniyang palad. Napatingin siya rito at napangit nang tanguan siya nito.            Bumilog ang mga mata ni Luna Delva. Halatang nagulat. "Aw. I'm sorry for asking that. Please don't hate me." Puno ng pagsisisi ang pagsamo nito.            Muli niyang inginiti ang mga mata rito. "Ayos lang po," maagap na sambit niya rito.            “Delva. Mahal.”            Halos magkakasabay kaming napalingon kay Alpha Raun nang tawagin nito ang pangalan at endearment nilang mag-asawa.            “Bakit mahal?” maang na tanong nito sa asawa.            "Mamaya mo na kuwestiyunin ang mga bisita, mahal. Pumasok muna tayong lahat sa loob. Ituloy na lamang natin ang kuwentuhan mamaya sa harap ng hapag-kainan,” kalmadong utos ni Alpha Raun rito.           Pumalakpak ang ginang. "Mabuti pa nga," anito at inakay sila papasok.          Nagpatianod sila sa mga ito. Tahimik lamang siyang nakasunod sa likuran ng ina at ni Luna Delva.            Madaming antique na gamit ang mga ito na nakadisplay sa sulok ng mansyon. Matatakot ang mga bata na makipaglaro ng habulan sa loob. Halatang-halata pa naman na mamahalin ang lahat ng mga muwebles na iyon.            Hindi niya napigilang mapangiti. Iinggitin niya talaga mamaya si Graza pagkauwi nila. Gagawin niya na lamang din na eksaherado ang lahat upang mas mainggit ito nang todo.            Tahimik siyang humigop ng sabaw ng sinigang na hipon. Sobrang sarap niyon.            “Do you like it, Emrys?”            Napaangat siya ng tingin sa ginang. Kanina pa pala ito nakatingin sa kaniya. Binitiwan niya ang pagkakahawak niya sa dulo ng tela ng kaniyang maskara na iginagawid niya hanggang bibig kapag sumusubo ng pagkain.            “Sobrang sarap po nito, Luna Delva,” masayang sambit niya sa ginang.            “Exactly! Napakasarap nito. I wonder kung sino ang cook niyo.” Hindi nakatiis na komento ng kaniyang ina habang patuloy na humihigop ng sabaw.            Ngumiti siya sa batang si Jules na hanggang ngayon ay nahuhuli niyang nagnanakaw ng tingin kapag hindi siya nakatingin.            Tumawa lamang nang mahina ang ginang. “Ang anak ko ang nagluto niyan. Pakonsuelo at may kailangan daw siyang tapusin na trabaho mula sa opisina na inuwi nito.”            Hindi na muli siya umimik. Samantalang may sariling mundo ang kaniyang ama at si Alpha Raun. Nasa usapang business na naman ang topic ng mga ito.            Pagkatapos kumain at mabusog ay nagpaalam siya sa mga ito na magpapahangin sa hardin. Agad naman siyang pinayagan ng mga ito na tila ba nakahalata na nabuburyo siya sa pinag-uusapan ng mga matatanda. Pinapasama ng mga ito si Jules sa kaniya ngunit mariin na tumanggi ang bata.           Malamig ang simoy ng hangin sa gabing iyon. Para sa kanilang mga Asong Lobo ay nakakagaan iyon ng pakiramdam. Mas lumalakas at sanay ang katawan nila sa lamig.            Namangha siya nang masilayan ang isang bulaklak sa gilid na parang rosas at buhay na buhay ang kulay pink na kulay.            Hindi niya napigilan ang sarili na masiyahan sa karikitan niyon. “Woah!” Naupo siya at nasisiyahang pinagmasdan iyon nang malapitan. Sobrang ganda niyon. Daig niya pa ang isang paru-paro na nahulog ang loob sa isang bulaklak.            Inilabas niya ang kaniyang cellphone at kinuhaan iyon ng litrato. Nawili siya sa pag-se-selfie hanggang sa makarinig siya ng isang malanding hagikhik ng isang babae. Noong una’y inakala niyang ang mga matatanda iyon na nagkakasiyahan lamang sa loob ng mansyon hanggang sa may nakita siyang kakaiba sa kaniyang picture.            Izi-noom niya iyon upang mas makita. Nabitawan niya iyon sa gulat sa nakita. Unti-unti siyang lumingon upang kumpirmahin gamit ang sariling mga mata nang tuluyan siyang matilihan sa nakita.            “Wahhh!” gimbal at naeskandalong napatakip siya ng kaniyang mga mata.            Dalawang nilalang ang nakita niya sa isang terrace na magkayakapan. Hindi lang ‘yon. Naghahalikan pa ang mga iyon na para bang wala nang bukas. Hubo pang nakabalandra ang dibdib ng lalaki habang nakapulupot ang babae sa katawan nito.            Nang masilip niyang nakalingon na ang mga ito sa kaniya’y muli siyang nagulat. Namali siya ng pag-atras at aksidenteng bumagsak siya sa lupa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD