Parang may iisang leeg na napalingon sa kaniya lahat ng estudyante na nasa loob ng klasrum nila.
Mabilis pa sa alas-kuwatro na napatayo si Graza at humarang sa kaniyang harapan. “Te’ka lang,” mahinahong sambit nito. “Anong problema kung diyan naupo ang kapatid ko? Eh, kita namang bakante ‘yan.”
“That’s not just the case,” singit ng isang babaeng estudyante. May suot itong eye glasses.
“Then what’s the case?” nanliliit ang mga mata niya nang magsalita.
Humugot ng isang malalim na buntong-hininga ang babaeng may suot na eye glasses. “Tell her, Burjia.”
Lumunok ang babaeng nakahulog ng mga gamit sa sahig. “The seat has a cursed on it…” mahinang sambit nito.
Bahagyang tumaas ang kilay niya. “C-Cursed?—”
“What cursed?!” nanlalaki ang mga matang sambit ni Graza sa mga ito.
“May sumpa ang upuan na ‘yan. May nakatakdang mangyari sa kaniya na masama,” ani ng babaeng nakasuot ng eyeglasses sabay talikod at naupo sa sarili nitong upuan.
Kumunot ang kaniyang noo. Nagbibiro ba ang mga ito? Kung oo ay hindi iyon magandang biro.
Katahimikan ang saglit na namayani na para bang may dumaan na anghel.
“Hahaha!” Isang malakas na tawa ang nagpalingon sa kanila.
Nakasandig sa pinto ang isang babae. Nakatirintas nang isahan ang buhok nitong blonde at makapal. May nginunguya itong stick o sa bibig.
“Vim!” Isang babae ang sabik na tumakbo palapit rito at niyakap ito nang mahigpit.
“So it was true. Vim’s really back.”
Napuno ng bulung-bulongan ang buong paligid.
“Nagbabalik ang problema ng mundo.”
“Bakit hindi pa namahinga forever?”
Isang malalim na buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan saka naupong muli sa kaniyang upuan.
Masamang tingin ang iniukol ni Graza sa kaniya. “Hindi mo ba narinig ang sinabi nila?” aligagang tanong nito sa kaniya.
Nagkibit lamang siya ng kaniyang balikat. “Na may sumpa itong upuan?” kunot-noong tanong niya sa kapatid. “Idi sumpa na kung sumpa, naupuan ko na, Graza.”
Akmang hahampasin siya ni Graza sa bandang braso niya ngunit sa huli’t hindi nito iyon naituloy.
“I like your attitude.”
Sabay silang napalingon ni Graza sa nagmamay-ari ng boses. Si Vim iyon. Nakangiti. “Huwag niyong ipag-alala ang sinasabi nila. Haka-haka lamang ‘yang sumpa na ‘yan. Ako ang huling naupo riyan at masaya pa rin naman ako sa buhay ko ngayon.” Iyon lamang at nakangisi na itong naglakad paalis patungo sa bandang likuran.
“P-Pero, V-Vim—” hindi naituloy ng isa nilang kaklase nang putulin ito ni Vim.
“Stop spreading myths that might harm another person, Dien,” mahinahong pigil nito sa babae.
Nagkatinginan sila ni Graza. Nasalamin niya ang pag-aalala sa mga mata nito.
“Why, I’m just about to say the worst thing that happened—”
“Shut up, Dien.”
Awtomatikong napalingon si Emrys mula sa pinto. Si Emanya nga iyon. Agad silang nagkatinginan nito.
“Emanya?” nagulat siya nang makita ang babae. Mukhang magkaklase pa yata sila nito. Sobrang liit nga naman ng mundo.
Nanlalaki ang mga mata nito nang makilala siya. “E-Emrys?” kunot-noong tanong nito sa kaniya.
“Magkaklase tayo?” manghang tanong niya rito. Hindi niya napigilan ang pagkurba ng ngiti sa gilid ng kaniyang mga labi.
Tumango ito sa kaniya. “Mukha nga.”
“K-Kailangan mong tumayo mula riyan, Emrys. That seat is not for you…” seryosong hila nito sa kaniya patayo.
Maang lamang na nakamasid sa kanila ang kapatid na si Graza. Lubos itong nagtataka kung paano sila nagkakilala ni Emanya.
“Bakit ba kasi Emanya?” tuluyan na siyang naguluhan. “Can you please explain to me.”
Napakurap ito at tila nag-aalinlangan kung magsasalita ba o hindi. “I-I do—”
“Professor Tim!”
Awtomatiko silang napalingon sa pintuan pagkatapos magkagulo ng lahat.
“Good afternoon, Proffesor Tim!” bati ng lahat sa butihing professor. Nakangiting pumasok ang professor na may bitbit na isang libro at isang maliit na lalagyan ng mga ballpens at eraser nito.
“Good afternoon!” nakangiting bati nito pabalik sabay senyas na maupo na silang lahat. “Please take your seat.”
Sa huli’y wala na silang nagawa kundi maupo sa kani-kanilang puwesto. Naglabas ng whiteboard pen ang professor nila at nag-umpisang magsulat ng pangalan nito sa whiteboard.
Professor Noly Tim Canon.
Kinalabit siya ng kaniyang kapatid kaya naman gulat na napalingon siya rito.
Inginuso nito ang likuran nila. “May bakanteng upuan pa sa likod. Lipat ka kaya roon?” tanong nito sa mahinang boses.
Tinapunan niya ng sulyap ang tinutukoy nito. Ang upuan na tinutukoy nito ay ang pinakadulo.
Umiling siya rito. “H-Huwag na,” mahinang bulong niya sa kapatid. “Dito na lamang ako para magkatabi lang tayo…”
Kagat-labing umangil ito. “Hindi puwede, Emrys,” mariing sambit nito sa mahinang boses. “Masama ang pakiramdam ko. Kung gusto mo, ikaw na lamang rito at ako ang tutungo sa likod?”
Muli siyang umiling rito at hinawakan ang braso nito.
“P-Pero—”
Tatlong magkakasunod na tuktok ng chalk sa whiteboard ang nagpabalik sa kanilang atensyon doon.
Nahihiya nilang sinalubong ang tingin ng kanilang professor.
Salubong ang tingin nito. “Ikaw.” Itinuro nito si Graza na ngayon ay namumutla sa sobrang kaba.
“P-Po?” kabadong sambit ni Graza rito.
“Kung may balak kang makipagchismisan sa loob ng klase ko, Miss, maaaring doon ka na lamang lumagi sa labas.” Nagitla si Graza dahil sa sinabi ng professor. Maging siya man ay natakot din. “Hindi kita kailangan rito sa loob ng klase ko.”
Napayuko si Graza at tahimik naman niyang sinisi ang kaniyang sarili dahil sa nangyari.
“Class, eyes on the board please,” striktong tawag sa atensyon nila ni Professor Noly.
“Welcome home mga anak!” nakangiting salubong ni Calope sa mga anak mula sa pinto. Sinalubong sila nito ng mahigpit na yakap. “How’s your school mga anak?”
“Ayos lamang po, ma” diretsang sambit ni Graza. Seryoso ang mukha nito. “Magbihis lamang po muna ako.” Dumiretso ito paakyat sa sarili nitong kuwarto pagkatapos magpaalam sa ina.
Malungkot na inihatid ni Emrys ng tingin ang kapatid.
“May nangyari ba sa school, anak?”
Nabigla siya sa tanong ng kaniyang ina. Inunahan niya na agad ito ng halik sa pisngi bago nagpaalam. “Bihis po muna ako, ma.” Tumakbo siya patungong hagdan at nagmamadaling humabol kay Graza.
Kilala niya si Graza. Hindi ito basta nagtatanim ng sama ng loob sa kaniya. Marahil kailangan lamang nito mapag-isa ngayon sapagkat maraming laman ang isipan nito.
Hindi niya na lamang itinuloy ang balak na pagkatok sa labas ng pinto ng kuwarto ng kapatid. Nais niyang irespeto ang kagustuhan nitong mapag-isa dahil gano’n ito sa kaniya. Hanggang ngayon marahil ay iniisip pa rin nito ang pangyayari at hindi nito iyon maialis sariling isipan.
Tatlong magkakasunod na katok ang tuluyang nagpamulat ng mga mata ni Emrys. Awtomatiko siyang napabangon ng upo mula sa pagkakahiga sa ibabaw ng kaniyang kama.
“Miss Emrys?” Boses iyon ni Beth. Ang kanilang dalagang katulong.
“P-Po?” Hindi niya naitago ang bahagyang dismaya sa kaniyang boses.
“Kakain na raw kayo, Miss.”
Kagat-labi siyang napaahon ng tayo. “Sige po! Susunod na lamang po ako. Salamat!”
Hindi niya naiwasang makaramdam ng lungkot. Sinadya niyang huwag tuluyang maidlip sapagkat nagbabakasakali siyang kakatukin siya ng kapatid at handa na itong kausapin siya ngunit hindi iyon nangyari. Maging ang ugali nitong katukin siya upang yayain na kumain pagtuntong ng oras ng hapunan ay hindi na rin nito nagawa.
Tahimik siyang tumayo at sinuri ang pisngi sa harapan ng salamin. Tinakpan niya na ng make-up ang kaniyang pisngi kanina upang hindi mahalata ang pamumula niyon. Epektibo naman iyon. Mabigat ang loob na lumabas siya ng kaniyang kuwarto. Tinungo niya ang pinto ng kuwarto ng kapatid at marahang kumatok sa pintuan. “Graza,” mahinang sambit niya sa pangalan ng kapatid.
Ilang segundo ang lumipas ngunit wala siyang narinig na sagot mula rito. Mariin siyang napapikit at humugot ng isang malalim na hininga. “Hayaan mo at ipapaliwanag ko na lamang sa baba na hindi maganda ang pakiramdam mo at nang mahatdan ka ng pagkain upang hindi mo na kailangan pang bumaba.”
Kilala niya si Graza. Perfectionist ito at ayaw nitong nagkakamali. Masyado nitong dinidibdib ang kamalian at sa huli’y pinaparusahan ang sarili.
Pagkarating niya sa hapag-kainan ay ang hindi maipintang mukha kaagad ng amang si Luki ang kaniyang namataan. Sinalubong siya nito ng seryosong tanong. “What happened to your sister?”
Naging malikot ang kaniyang mga mata. Nakita niya ang pag-aalala sa mga mata ni Calope.
Marahan niyang pinisil ang palad bago nagsalita, “m-masama po ang kaniyang pakiramdam, pa—”
“Masama ang pakiramdam o masama ang kaniyang loob, Emrys?!” tila kulog na biglang dumagundong ang boses ng ama sa hapag-kainan.
Gitla siyang napatalon sa gulat. Hindi agad siya nakaimik.
Tumayo si Calope upang masahiin ang balikat ng asawa. “Kumalma ka, Luki. Baka matakot ang bata… Puwede mo namang kausapin nang mahinahon ang ating anak.”
Pikit-matang napahilot sa sariling sentido si Luki. “Unang araw palang niya sa paaralan, Calope. Na-guidance office kaagad siya kaya paano ako kakalma?” mahina ngunit mariing tanong nito sa kaniyang ina.
Gulat siyang napayuko dahil sa narinig. Hindi niya inaasahang makakarating kaagad sa kaniyang ama ang pangyayari. Ni hindi pa iyon alam ni Graza. Napayuko siya. Hiyang-hiya siya sa kaniyang mga magulang.
“Hayaan mong magpaliwanag ang ating anak,” sambit ng kaniyang ina.
“Hayan nga. Kinakausap na nga natin siya ngayon nang masinsinan kung ano ba talaga ang nangyari,” aligagang sambit ng kaniyang ama.
Mabigat ang hininga na naglakad si Calope palapit sa anak na si Emrys. “Emrys, anak… Maaari mo bang ikuwento sa amin ng ama mo ang buong pangyayari?” mahinahong pakiusap ng kaniyang ina sa kaniya.
Tumango siya rito at yumakap nang mahigpit sa baywang nito.
Naluluhang tumalikod ang kaniyang ina pagkatapos niyang ikuwento ang buong pangyayari sa mga ito.
Tahimik na tumangu-tango ang kaniyang ama saka tumayo. “I still have work to finish.”
Iniwan sila nito sa sala at naglakad patungo sa study room nito.
Maang niyang sinundan ng tingin ang kaniyang ama.
“Anak, huwag mong intindihin ang papa mo. Nag-aalala lamang ‘yon para sa’yo.”
Malungkot siyang tumango sa kaniyang ina. “I understand, ma,” sambit niya sa mababang tono.
“Isa pa anak ng Ninong Lukas at Ninang Winona mo si Galena kaya naman lubos naming ikinagulat ng ‘yong ama ang nangyari.”
Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ng ina dahil sa kaniyang narinig. “Si Galena po?” gulat niyang tanong sa ina.
Tumango ito.
Natigilan siya sa kaniyang nalaman. Kaya naman pala hindi agad makalimutan ng kaniyang ama ang nangyari. Matalik na kaibigan ng kaniyang ina ang Ninang Winona niya.
“M-Ma, hindi ko po alam,” nagsisising sambit niya rito. Kung alam niya lamang talaga ay hindi niya na pinatulan pa si Galena.
Hindi ito umimik. Bagkus ay tumango lamang ito at sinuri ang kaniyang pisngi. “Kumusta naman ang pakiramdam ng pisngi mo, ‘nak?” nag-aalalang tanong ng kaniyang ina.