bc

The Art Of Letting Go

book_age16+
46
FOLLOW
1K
READ
friends to lovers
drama
straight
female lead
cheating
lies
self discover
slice of life
affair
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

THE ART OF LETTING GO

Written by Crayserian

Sandra Valientos was trapped in the cage of the past. How can she accept that they are not destined to each other, if she give all of her love to him? How can she let go him, if she is still into him, if she is still in love with him? How can she move on if she can't accept fact that he is not destined to her and if she can't let go him?

chap-preview
Free preview
Simula
Ikaw At Ako Sabi nila, balang araw ay darating din ang taong para sa 'yo. Ang taong itinadhana at nilaan ng diyos sa 'yo. Maghintay ka lamang at siya ay darating. Huwag mong hanapin ang taong para sa 'yo, dahil kusa siyang darating sa buhay mo. Hindi mo alam, dahil sa kakahanap mo sa taong para sa 'yo, hindi mo namalayang nasa tabi mo na pala siya. Hindi mo lang siya napapansin kasi naghahanap ka pa ng iba. Wala sa kasarian ang pagmamahal. Kapag tinamaan ka ng pana ni kupido, wala ka ng magagawa pa kundi ang ibigin mo ang taong nakatadhana sa 'yo. Kahit na anong iwas at tanggi mo na hindi siya ang taong para sa 'yo, wala ka pa rin magagawa kundi ang ibigin mo siya. Dahil siya ang nilaan ng diyos para sa 'yo. Inibig mo ang taong nakatadhana sa 'yo, hindi dahil sa panlabas na anyo niya. Inibig mo siya, hindi dahil sa magandang ugali niya. Inibig mo siya, dahil siya ay mahal mo. Malayo ang loob ko sa mga magulang at kapatid ko, dahil ako ay lumaki sa pangangalaga ng aking lolo at lola. Noong ako ay bata pa, palagi na lamang nag-aaway ang mga magulang ko. Maghihiwalay sila, kukunin at paghihiwalayin kaming mga magkakapatid at magbabalikan ulit at magsasama ulit sa iisang bahay. Ganiyan ang palagi nilang ginagawa. Ako ang pinakabata sa aming magkakapatid. Dahil sa sitwasyon namin, naawa sa 'kin ang aking lola, kaya kinuha niya ako sa aking mga magulang. Umiyak ako noon nang napakalakas, noong kinuha ako nila lola sa aking mga magulang. Sino nga ba ang batang hindi iiyak, kapag ikaw ay nilayo sa iyong mga magulang. Pero mas lalo akong naiyak noon, nang mabilis na pumayag ang mga magulang ko na sumama ako kanila lola. Noong araw na 'yon, napatanong ako sa aking sarili. Mahal ba talaga ako ng mga magulang ko? Kung mahal nila ako, bakit mabilis nila akong ibinigay kanila lola? Para bang hindi man lang sila nagdalawang isip na ibigay ako kanila lola. Hinding-hindi ko makakalimutan yung unang araw ko sa bahay nila lola. Iyak ako noon nang iyak. Tumigil lamang ako sa pag-iyak nang maramdaman ko ang init ng yakap ni lola sa 'kin. Sabi sa 'kin ni lola, para raw rin sa 'kin yung ginawa nila. Bata pa raw ako. Dapat daw, hindi ko makita yung ginagawa ng mga magulang ko. Dahil baka madala ko ang aking nakikita at naririnig na away nila mama, hanggang sa pagtanda ko. Baka raw kapag ako ay nag-asawa na, matulad ako sa aking mga magulang na palaging nag-aaway. Hindi raw mabibigay ng mga magulang ko ang pagmamahal na kailangan ng batang ako. Sa pagkat, puro away lamang ang ginagawa nila, sambit ni lola na agad ko namang sinangayunan. Dahil noong ako ay nasa puder pa ng mga magulang ko, hindi nila kami naaalagaan ng mga kapatid ko nang maayos. Dahil inuuna nila mama at papa ang pag-aaway. Habang ako ay tumatanda, pakiramdam ko ay parang may kulang sa 'kin. Sapat naman ang binigay sa 'kin na pagmamahal nila lola. Sobra pa nga, e. Pero parang may kulang pa rin. Tinanong ko si lola kung bakit pakiramdam ko ay may kulang pa rin sa 'kin. Sabi sa 'kin ni lola, mabubuo lamang ang isang tao kapag nagtapo at nagsama na sila ng nilaan ng diyos sa kanila. Isinilang daw ang tao na kalahati, mabubuo lamang ang isang tao kapag dumating na sa buhay nila ang bubuo sa kanila. Ang kalahati nila. Ang lahat daw ng tao ay may nakalaan na taong magmamahal sa kanila ng lubusan. Hindi na raw ito kailangan pang hanapin, dahil ito ay kusang dumarating. Kapag hinanap daw ito ay matagal itong darating sa 'yo. "Sandra. Maghintay ka lamang. Kapag nagtapo at nagsama na kayo ng taong itinadhana sa 'yo ng diyos, mabubuo ka na. Ang pakiramdam mo na parang may kulang sa 'yo ay mawawala na. Sa pagkat ang kulang 'yon ay dumating na. Pupunan niya ng pagmamahal ang kulang sa 'yo. Tatanggapin niya ang lahat ng sa 'yo, kahit na ang panget at masama sa 'yo ay tatanggapin niya ng buong-buo, sa pagkat ikaw ay mahal niya." Bigla na lamang may nabuong munting ngiti sa aking mga labi nang marinig ko ang sinabi sa 'kin ni lola. Tama nga siya. Dahil simula noong dumating si Lucas sa buhay ko ay unting-unti nang napunan ang kulang sa 'kin. Nakilala ko si Lucas Fiero sa Polytechnic University of the Philippines Main. Pareho kaming Bachelor of Science in Architecture ang kinuhang kurso sa Polytechnic University of the Philippines Main, kaya kaming dalawa ay naging magkaklase. Unang beses ko pa lamang siyang nakita, nasabi ko na agad sa sarili ko, na siya na nga. Siya na nga siguro ang sinabi sa 'kin ni lola na bubuo sa 'kin. Siya na nga siguro ang aking kalahati. Sinabi ko kay Neon na nahulog na ata ang loob ko kay Lucas. Si Neon ay ang matalik kong kaibigan. Kaibigan ko na siya simula noong kami ay nasa elementarya pa lamang. Palagi kaming magkaklase kaya hindi na ako nagtataka kung bakit naging magkaibigan kami. Hanggang ngayon ay kaklase ko pa rin siya. Bachelor of Science in Architecture rin ang kinuha niyang kurso sa Polytechnic University of the Philippines Main. Ang isa sa mga dahilan kung bakit naging kaibigan ko si Neon ay dahil ang dami naming pagkakapareho. Magkasundo na magkasundo kami sa lahat ng bagay. "Neon, i think im inlove." Napangiwi at napakapit ako sa aking ulo ng hampasin ni Neon ang aking ulo ng mahina. "Inlove agad? Ngayon mo pa nga lang siya nakita! Hindi 'yan love. Infatuation lang 'yan, girl," natatawang wika nito. Sinamaan ko siya ng tingin. "Bakit tuwing sinasabi kong inlove ako, palagi mo nalang sinasabi na infatuation lang?" Dahil sa aking tinanong sa kaniya ay inirapan niya ako. Gagang 'to. Kalalaking tao, nang-iirap. "Sandra, hindi mo puwedeng basta-basta sabihin na love agad 'yan. Kung hindi mo pa nakikilala ang isang na tao ng lubusan. Ang love ay acceptance. Dapat tanggap mo ang lahat ng flaws niya. Pero paano mo matatanggap yung flaws niya, kung 'di mo pa alam ang mga ito. Kung 'di mo pa siya kilala ng lubusan. Love takes time. Saka mo lang masasabi na love 'yan kapag nakilala mo na siya ng lubusan at kapag natanggap mo na ang lahat ng flaws niya," seryoso niyang sambit sa 'kin. Bigla na lamang akong natahimik dahil sa sinabi ni Neon. Tama siya. Hindi ko pa naman nakilala ng lubusan si Lucas, kaya hindi ko pa puwedeng sabihin na mahal ko na siya agad. Mabilis na lumipas ang oras at araw. Dahil nga kami ay magkaklase ni Lucas, palagi ko siyang nakikita at minsan pa ay nakakausap ko siya. Bawat segundo na nakikita ko siya ay lalo akong nahuhulog sa kaniya. Napatigil ako sa aking ginagawa nang huminto sa harap ko si Lucas. "Sandra, pumunta ka mamaya sa event, ha? Kasali ako sa battle of the bands. Panoorin mo ako. Aasahan ko ang pagdating mo." Mabilis siyang umalis sa harap ko, pagtapos niya akong inbitahin na panoorin siya mamaya sa battle of the bands. Nang umalis na si Lucas sa aking harapan, saka lang nag sink in sa isip ko ang nangyari. Kinausap niya ako? Inimbita niya ako na panoorin siya mamaya sa battle of the bands? Kahit hindi ako pumupunta sa mga event sa school, gagawin kong exception ang event ngayon. Pupunta ako sa battle of the bands! Para kay Lucas! "Hoy Sandra!" Nahagis ko ang hawak kong papel dahil sa gulat. "Mahal kita, Lucas!" mabilis na saad ko. Nakaramdam ako ng sakit sa ulo ng hampasin na naman ni Neon ang ulo ko ng mahina. "Aray!" Sinamaan ko ng tingin si Neon. Palagi nalang ako hinahampas sa ulo nito. Kapag ako nainis kay Neon, hahampasin ko 'to ng bangkuan. "Nakatulala ka, kaya riyan mag-isa. Uwian na. Tignan mo yung paligid mo, tayo nalang yung nasa loob ng classroom," sambit niya at kumunot ang noo niya. "Saka ano 'yang pinagsasabi mong mahal mo si Lucas?" Tumawa ako nang mahina at mahina ko siyang hinampas sa braso. "Charot lang 'yon. Hindi ko pa siya mahal," sambit ko at sinamaan ko siya nang tingin. "Ginulat mo lang kasi ako, kaya nasabi ko 'yon!" Nang maalala ko na mamaya na ang battle of the bands, mabilis akong tumayo at kinuha ang lahat ng gamit ko. Kinapitan ko ang kamay ni Neon ay hinatak ko siya. "Halika na! Pumunta na tayo sa event ngayon. Manonood pa tayo ng battle of the bands!" "Himala, pupunta ka sa even ng school ngayon," aniya. Pagdating namin sa pinagdadausan ng battle of the bands ay napangiti ako. Sakto lang yung dating namin ni Neon. Nakita ko si Lucas na may hawak na mikropono. Siya siguro ang bokalista ng banda nila. Marunong pala siyang kumanta. Para bang may hinahanap si Lucas, kasi tinitignan niya yung mga taong dumalo sa battle of the bands. Nang mapako ang tingin niya sa 'kin ay ngumiti siya. Tinitigan ako ni Lucas sa aking mga mata. "Ang kantang ito ay inaalay ko sa babaeng bumihag sa aking puso. Unang beses ko pa lamang siyang nakita ay nakuha na niya ang loob ko. Hindi na siya mawala sa isip ko. Ang mga mata ko ay palaging hinahanap hanap siya," nakangiting sambit niya. Nang magsimulang patugtugin ng mga kabanda ni Lucas ang mga instrumento nila ay lalong tumitig sa 'kin si Lucas. "Adik Sa'yo, Awit sa akin." Pagbigkas ni Lucas ng unang linya ng kanta ay bigla na lamang bumilis ang t***k ng puso ko. Ang lamig at namamaos ang boses niya. Lalaking-lalaki ang kaniyang boses. "Nilang sawa na saking, mga kuwentong marathon. Tungkol sa 'yo at sa ligayang iyong hatid, sa aking buhay, tuloy ang bida sa isipan ko'y ikaw!" Lalo pang bumilis ang t***k ng puso ko nang ituro ako ni Lucas. "Sa umaga't sa gabi, sa bawa't minutong lumilipas. Hinahanap-hanap kita, hinahanap-hanap kita." Ako ba yung tinutukoy ni Lucas sa kanta niya? Sa akin niya ba inaalay yung kantang 'yan? Mahal niya rin ba ako? "Hoy Sandra! Nakatulala ka na naman!" Bumalik ako sa reyalidad nang sigawan ako ni Neon. "Ano ba naman, Neon! Nakikinig ako sa kanta ni Lucas!" iritang sambit ko. Mahinang tumawa si Neon. "Girl, parang hindi ka kasi nakikinig. Nakatulala ka lang sa kaniya." "Hindi kaya! Nakikinig talaga ako sa kaniya. Ang ganda lang talaga ng boses niya at galing niyang kumanta, kaya napatulala ako sa kaniya. Pero nakikinig talaga ako!" Ngumiti siya at iniling-iling na lamang niya ang kaniyang ulo. "Nako Sandra. Dahil nga ba talaga sa galing niya sa pagkanta kaya ka natulala o dahil sa itsura niyang guwapo kaya ka napatulala?" Namula ang pisngi ko dahil sa sinabi ni Neon. "Puwedeng both? Charot! Napatulala lang talaga ako dahil ang galing niyang kumanta." Makikita sa lahat ng manonood na nasasayahan sila sa kanta ni Lucas. May mga taong makikisabay pa sa pagkanta kay Lucas. "Sa umaga't sa gabi, sa bawat minutong lumilipas. Hinahanap-hanap kita, hinahanap-hanap kita..." Nang matapos sa pagkanta si Lucas ay nagpalakpakan ang lahat ng tao na nanonood kanila Lucas. Yumuko si Lucas at nagpasalamat. "Salamat!" Tumingin sa 'kin si Lucas. "Sandra Valientos. Simula noong unang beses na makita kita, nahulog na agad ako sa 'yo. Sa umaga at gabi'y ikaw lagi ang naiisip ko. Hindi ako napapalagay kapag hindi kita nakikita. Palagi kang hinahanap hanap ng mga mata ko." Biglang nagbulong-bulungan yung mga manonood dahil sa sinabi ni Lucas. "Sandra Valientos? Diba ikaw 'yon, Sandra?" tanong sa 'kin ni Neon. Napatango na lamang ako sa tanong ni Neon. "Ako nga siguro, 'yon," wala sa sarili kong sambit. Bumaba sa entablado si Lucas at naglakad siya papunta sa direksyon ko. Habang naglalakad si Lucas ay gumigilid ang mga tao, kaya siya ay nabigyan ng daan papunta sa akin. Tumigil siya sa paglalakad nang makarating siya sa harap ko. Nang kapitan niya ang kamay ko ay bigla na lamang nanghina ang aking sistema. "Sandra, puwede ba kitang ligawan? Hindi mo pa man ako lubusang kilala sa ngayon, kaya alam kong nag-aalangan kang pumayag. Seryoso ako sa 'yo. Seryoso ako sa aking nararamdaman sa 'yo, Sandra. Pangako, hindi ako titigil sa panliligaw sa 'yo, hanggang sa hindi mo ako sinasagot," seryoso niyang sambit. Sari-saring komento ang naririnig ko sa mga taong nasa aking paligid. May positibo ay mayroon din na negatibo. Nginitian ko si Lucas. "Pumapayag ako, Lucas. Pumapayag ako na ako ay ligawan mo." Ngumiti rin si Lucas. "Pangako, Sandra. Hindi mo pagsisisihan ang desisyon mong ito." Lumipas ang araw. Pinatunayan nga ni Lucas na seryoso siya at mahal niya ako. Ang mga pag-aalinlangan ko sa kaniya noon ay nawala na. Siguro nga, siya na. Siya na yung lalaking nilaan sa 'kin ng diyos. Araw-araw ay kasama ko si Lucas. Pagtapos ng klase ay hinahatid niya ako pauwi sa aming bahay. Kilala na nga siya ng aking lolo at lola. Mabait si Lucas, kahit na mayaman siya ay hindi siya maselan sa pagkain. Dahil mahilig ako sa street food, sa isawan kami nag-di-date palagi. Wala siyang arte sa pagkain ng street food. Ang paborito pa nga niya sa lahat ng street food ay isaw. Ang pinakanagustuhan ko kay Lucas ay hindi siya nagsasawa na haranahin ako. Palagi niya akong hinaharana kahit na saan kami magpunta. Sa school, sa bahay nila at sa bahay ng lola ko. "Ilang awit pa ba ang aawitin, o giliw ko? Ilang ulit pa ba ang uulitin, o giliw ko?" Mabilis na pumunta ako sa bintana namin para tignan ang labas namin, nang may marinig ako na pamilyar na boses. Nang makita ko yung kumakanta sa labas ng bahay namin ay napangiti na lamang ako. Si Lucas. Nakatayo siya habang naggigitara at kumakanta. May mga nanonood sa kaniya, pero hindi niya pinalansin ang mga ito. Nang makita niya ako ay nginitian niya ako. "Tatlong oras na akong nagpapa-cute sa'yo. 'Di mo man lang napapansin ang bagong t-shirt ko." Napatawa ako ng mahina nang magpacute siya. I really love this man. "Ilang isaw pa ba ang kakainin, o giliw ko? Ilang tansan pa ba ang iipunin, o giliw ko? Gagawin ko ang lahat pati ang thesis mo." Si Lucas yung lalaking boyfriend material. No, he was husband material. Kapag malungkot ako ay pinapasaya niya ako, kapag nahihirapan ako ay tinutulungan niya ako. Alam niyang nahihirapan ako sa thesis ko kaya tinulungan niya akong gawin 'yon. "Huwag mo lang ipagkait ang hinahanap ko, sagutin mo lang ako aking sinta'y walang humpay na ligaya, at asahang iibigin ka, sa tanghali, sa gabi at umaga." Siguro ito na yung tamang oras para sagutin siya. Sapat na yung isang taon na panliligaw niya. Dapat talaga, matagal ko na siyang gustong sagutin. Pero sabi sa 'kin ng aking lola ay napakamapusok ko, kung sasagutin ko agad si Lucas. Hindi ko pa nga siya lubusang kilala ay sasagutin ko na siya agad. Ang lolo ko nga raw ay tatlong taon na nanligaw sa kaniya, bago niya ito sinagot. "Huwag ka sanang magtanong at magduda. Dahil ang puso ko'y walang pangamba. Lahat tayo'y mabubuhay ng tahimik at buong... Ligaya." Nang matapos si Lucas sa pagkanta ay lumabas ako ng bahay. Paglabas ko ng bahay ay nakita ko si Lucas, hindi na gitara ang hawak niya, kundi ay rosas na kulay pula na. Inabot sa 'kin ni Lucas ang mga rosas na kulay pula. "Para sa 'yo, Sandra." Tinanggap ko ito at inamoy. Ang bango talaga ng rosas. Tinignan ko si Lucas. "Salamat, Lucas." Magsasalita sana si Lucas ngunit sinunggaban ko siya ng yakap. "Mahal kita, Lucas. Sinasagot na kita." Nang humiwalay ako sa pagkakayap kay Lucas ay nakita ko sa kaniyang mukha ang pagkabigla at kasiyahan. "T-Talaga? Hindi ka ba nagbibiro?" panigurado niyang tanong sa 'kin. Mahina akong tumawa dahil sa kaniyang reaksyon. "Totoo. Sinasagot na kita." Nabigla ako nang yakapin ako ni Lucas. "Salamat, Sandra! Pangako, hindi mo pagsisisihan sa pagsagot mo sa 'kin. Hindi ako magbabago, bagkos ay mas lalo pa kitang mamahalin bawat araw." May nabuong munting ngiti sa aking labi, dahil sa ginawa ni Lucas. Kailan man ay hindi ko pinagsisihan na pinapasok kita sa aking buhay. Tinupad nga ni Lucas ang kaniyang pangako. Hindi siya nagbago at mas lalo niya pa akong minahal bawat araw. Nasa coffee shop kami ni Lucas. Kapag wala kaming masiyadong ginagawa at kapag stress na stress na kami ay rito kami pumupunta. Mahilig kaming dalawa sa kape. Stress reliever namin ang kape. Mahilig siya sa black coffee, samantalang mahilig naman ako sa black coffee with milk. "Sandra, simulan na natin gawan ng design yung dream house nating dalawa. Para kapag tayo ay naka-graduate na at nagkaroon na ng magandang trabaho, ipapatayo nalang natin yung bahay natin. Gusto kong gawan na natin ito ng design para maging pulido ang pagkakagawa sa dream house natin. Mas maganda ang design ng bahay kapag matagal ginawa, at kapag ang kasama mong gumawa nito ay ang taong mahal mo." Napangiti ako sa sinabi ni Lucas. Napaka-thoughtful niya talaga. Pinaplano na agad niya yung future namin. "Sige, Lucas. Gusto ko yung bahay natin ay nakatayo malapit sa maraming puno, para nature friendly yung bahay natin. Gusto rin na may second floor yung bahay natin. Para sa second floor yung kuwarto natin at ng mga anak natin. Gusto ko rin ay may swimming pool yung bahay natin, pero yung swimming pool ay nasa taas ng bahay natin nakalagay. Para habang nagsi-swimming tayo ay makikita natin yung magandang view ng labas ng bahay natin," nakangiting sambit ko. Sinulat ni Lucas sa papel yung mga sinabi ko sa kaniya. Yung mga nais kong mangyari sa magiging bahay namin. "Gusto ko rin 'yan, Sandra. Gusto ko may pond sa labas ng bahay natin," sambit ni Lucas habang nagsusulat. "Gusto ko rin 'yan! Lucas, gusto ko rin na malaki yung kitchen area natin." Mahilig kasi ako magluto kaya gusto kong maging malaki ang kitchen area ng magiging bahay namin. Nag suggest pa si Lucas sa magiging bahay namin, na sinangayunan ko na naman agad. Muling mabilis na lumipas ang mga araw. Mabilis kong sinunggaban ng yakap si Neon. "Congrats, Neon!" Niyakap din ako ni Neon. "Congrats din, Sandra!" Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kaniya at nginitian ko siya. "Neon, natupad na yung pangarap natin. Isa na tayong ganap na Architect! Graduate na tayo!" Nginitian niya ako. "Isa na tayong Architect. Natapos na ang yugto ng ating pag-aaral. Natapos na yung isa sa mga yugto ng buhay natin, kaya magkakaroon na tayo ulit ng panibagong yugto sa buhay. Sandra, mamimiss kitang maging kaklase. Simula kinder tayo ay magkaklase na tayo, ngayon ay tuluyan na tayong maghihiwalay." Binatukan ko siya dahil sa kaniyang sinabim "Ano ka ba?! Forever bestfriend kita. Kahit na anong mangyari ay hindi kita makakalimutan. Mawala ka man sa tabi ko, nasa may puso naman kita." "Sandra." "Ikaw pala, Lucas. Congrats dahil graduate ka na rin. Papaubaya ko na sa 'yo si Sandra. Ingatan mo siya, ha!" saad ni Neon kay Lucas. Mahinang tumawa si Lucas. "Oo, iingatan ko siya. Hindi ko lang siya iingatan, mamahalin ko rin siya." "Siguraduhin mo lang 'yan, ha!" sambit ni Neon kay Lucas at tumingin siya sa 'kin. "Paalam, Sandra. Punta lang ako sa iba pa nating kaibigan." "Sige, ingat ka, ha." Ngumiti at tumango sa 'kin si Neon at tuluyan na siyang umalis. "Conngrats, Sandra. Graduate na tayo. Malapit na natin matupad yung mga pangarap natin," nakangiting wika ni Lucas. "Congrats din, Lucas. Tama ka. Malapit na natin matupad yung mga pangarap natin," nakangiting sambit ko. "Sandra, hindi na ako makapaghintay na tuparin yung mga pangarap natin, kaya tutuparin ko na yung isa sa mga pangarap natin." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Ano yung isa pangarap namin na tutuparin na niya? "Sabi nila, balang araw darating, ang iyong tanging hinihiling, at noong dumating ang aking panalangin ay hindi na maikubli." Napatingin ako sa paligid ko para hanapin ang pinanggagalingan ng tugtog. Napako ang tingin ko kay Neon nang makita ko siya na may hawak na W na letter card. Nakahilera silang mga kaibigan ko at kaibigan ni Lucas. Lahat sila ay may hawak na letter card. Nang mabasa ko ang gusto ang lahat ng letra na nasa kamay nila ay gulat akong napatingin kay Lucas. "Sandra, alam kong hindi ka pa handa rito. Alam ko rin na gusto mo munang magkaroon ng magandang trabaho bago maging fiancé kita. Pero, Sandra. Hindi ko na mapigilan ang nararamdan ko sa 'yo." Kinapitan ni Lucas ang mga kamay ko at tinitigan niya ako sa aking mga mata. "Ang pag-asang nahanap ko sa 'yong mga mata, at ang takot kong sakali mang ika'y mawawala." "Simula noong unang beses na makita kita ay nahulog na ako sa 'yo. Nabihag mo na ang aking puso, Sandra." Nagsigawan yung mga tao sa paligid namin dahil sa mga sinabi at ginagawa ni Lucas. "At ngayon, nandiyan ka na, 'di mapaliwanag ang nadarama. Handa ako sa walang hanggan, 'di paaasahin, 'di ka sasaktan." "Pangako, Sandra. Kapag pumayag ka na maging akong Fiancé ay hinding-hindi kita sasaktan, bagkos, ay lalo kitang mamahalin." Binitawan ni Lucas ang mga kamay ko at bahagya siyang lumayo sa 'kin. "Mula noon hanggang ngayon, Ikaw at ako." Kasabay nang pagtigil ng kanta ay ang pagluhod ni Lucas sa harap ko. May inilabas siyang maliit na kahon at binuksan niya ito. Ang laman ng kahon ay isang napakagandang singsing. Nakapit ko na lamang ang isang kamay ko sa aking bibig dahil sa ginawa ni Lucas. "Sandra, are you willing to be my life time partner? Are you willing to stay with me, forever. Are you willing to be my wife? Sandra, will you marry me?" tanong niya. "Oo, Lucas. I will marry you." Kasabay ng pagsabi ko nang 'oo' ay ang pagpatak ng aking luha, na kanina ko pang pinipigilan na huwag bumagsak. Hindi ako naiiyak dahil sa lungkot, bagkos, ako ay naiiyak dahil sa sobrang kaligayahan. Ngayon ay sigurado na ako. Siya na nga talaga ang sinabi sa 'kin ni lola na itinadhana sa 'kin ng diyos. Siya na ang bubuo sa 'kin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Nerd Ex-Wife(Tagalog)

read
9.6M
bc

A Night With My Professor

read
533.8K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

The CEO's Maid

read
1.5M
bc

Womanizer LAWYER ( Tagalog )

read
378.1K
bc

DELTA MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
3.6M
bc

That Night

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook