bc

Fated to be yours (Spg)

book_age18+
1.2K
FOLLOW
5.7K
READ
playboy
arrogant
brave
billionairess
drama
reckless
stubborn
like
intro-logo
Blurb

Isang gabi. Isang pagkakamali. Isang hindi inaasahang kasunduan.

Gumuho ang mundo ni Althea Camille Ignacio nang mahuli niyang may kasamang ibang babae ang kanyang fiancé. Wasak ang puso, lasing, at desperadong makalimot, nauwi siya sa piling ng isang estranghero isang gabi ng kapusukan na nag-iwan ng malabong alaala... at isang hindi inaasahang bunga.

Ang hindi niya alam, ang lalaking iyon ay si Damon Cedric Altamirano ang tinaguriang man of few words, isang bilyonaryong CEO na kilala sa kanyang pagiging malupit sa negosyo, malamig ang puso, at walang interes sa pag-ibig.

Isang buwan ang lumipas, at isang nakakagulat na rebelasyon ang gumimbal kay Althea: buntis siya.

Sa muling pagtatagpo ng kanilang mga landas, may alok si Damon na hindi niya inaasahan isang kasal na tatagal ng isang taon, batay lamang sa kontrata.

Walang pag-ibig. Walang emosyon.

Isang kasunduan mapapangalagaan ni Damon ang kanyang reputasyon, at magkakaroon ng seguridad si Althea para sa kanilang magiging anak.

Ngunit habang lumilipas ang mga araw, unti-unting nagbabago ang lahat.

May pagnanasa sa bawat tingin.

May damdaming pilit lumulusot sa pagitan ng mga pader na itinayo nila.

At sa pagitan ng kasunduan at katotohanan, nagsisimulang magkalabo ang hangganan.

Sa isang mundong ang pag-ibig ay kahinaan at ang tiwala ay isang sugal, may pag-asa bang mabuo ang isang relasyong nagsimula sa kasunduan?

O baka ang kasunduan mismo ang siyang maging dahilan ng kanilang pagkakahiwalay.

chap-preview
Free preview
Prologue
Welcome, dear reader... What if one night of heartbreak leads you to the very person fate has written for you? Welcome to Fated to Be Yours a story born from pain, shaped by secrets, and bound by a contract that neither of them expected to change everything. Prepare to meet Althea Camille Ignacio, a woman shattered by betrayal... and Damon Cedric Altamirano, a man untouched by emotion but caught in the crossfire of destiny. This isn’t just about a deal. It’s about the thin line between duty and desire, safety and surrender, pride and passion. If you believe in second chances wrapped in unexpected beginnings If you’re ready to fall for a man who never believed in love, and a woman who’s willing to risk everything for the life growing inside her... Then you're exactly where you're meant to be. Welcome to their story. Welcome to Fated to Be Yours. 9:03 P.M. The city was loud. But my heartbeat was louder. May hawak akong paper bag na may cake simple lang, red velvet, gawa pa mismo ni Mama. Dala ko rin ‘yong necktie na matagal ko nang gustong ibigay kay Marco. Regalo ko sana ngayong araw, kahit walang okasyon. Gusto ko lang siyang sorpresahin. Because for the first time in months, free siya ngayong gabi. Walang late meeting. Walang out-of-town conference. Walang dahilan para hindi niya ako makasama. At ang tanging bilin niya: “Don’t come over. I’m tired.” Pero sabi ng instinct ko, hindi pagod ang fiancé ko. May tinatago siya. So heto ako nasa harap ng pintuan ng condo niya. Nakahawak sa doorknob. Kinakabahan. Hindi ko alam kung excited ako… o natatakot. “Surprise visit lang naman,” bulong ko sa sarili, pinilit ngumiti. “Wala namang masama doon, ‘di ba?” Pero habang inilalapit ko ang susi sa pinto yung duplicate na kusa niyang binigay sa akin dati napahinto ako. Mula sa loob, may naririnig akong tunog. Hindi TV. Hindi music. Tunog ng kama. At impit na ungol. Napasinghap ako. Tila biglang nabingi ang paligid. No. Hindi ito totoo. Hindi si Marco ‘yon. Hindi siya ‘yong gumagawa “M-Marco… harder…” Boses ng babae. Napakapit ako sa door frame habang nanlalambot ang tuhod ko. Pero hindi ko tinigilan. Kinabig ko ang door handle, pinasok ang susi, at binuksan ang pinto. Sa loob ng silid, tumambad sa akin ang imaheng babasag sa lahat ng pinanghahawakan kong pangarap. Hubad si Marco. Pawis na pawis. Nakapatong sa isang babaeng nakaapak pa ang mga takong sa bedsheet. Nakapulupot ang braso sa batok niya habang kinikiskis ang sarili sa kanya. Sa mismong kama na minsan kong nilinis. Sa mismong comforter na ako ang namili. Sa lalaking halos pitong taon kong minahal. Napamura ako sa isip. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas, pero naitulak ko ang pinto ng malakas. BANG. Napalingon si Marco mga mata niyang puno pa ng libog, biglang napuno ng gulat at takot. Pero hindi siya tumigil agad. Pinagpatuloy pa niya yun ilang segundo pa bago niya tuluyang binawi ang sarili mula sa pagkakasugpong nila. Hindi siya nagsalita. Hindi siya kumilos. Tila hinayaan niyang namnamin ko ang kababuyang ginawa niya. “A-Ako ba dapat ang mahiya?” bulong ko, nanginginig ang boses habang unti-unting namumuo ang luha sa mga mata ko. Walang nagsalita. Ang tanging naririnig ay ang mabilis na t***k ng puso ko, ang panlalambot ng katawan ko, at ang maruming halimuyak ng pagtataksil. “Althea” wakas niyang sabi, pero putol agad ng boses ko. “Huwag mo akong tawagin sa pangalan ko. Hindi mo na ‘yon karapatan.” Puno ng poot ang boses ko. Pinilit kong hindi umiyak. Hindi sa harap nila. Hindi ngayon. Tumingin siya sa akin, pero wala akong nakita ni kaunting pagsisisi sa mga mata niya. Para bang caught-in-the-act lang siya not because he was sorry, but because he was seen. “Hindi mo naiintindihan—” “Oh, naiintindihan ko, Marco.” Nilingon ko siya nang buo. “Alam mo kung anong masakit? Hindi ‘yong pagkakadapa mo sa iba. Mas masakit ‘yong pinili mong gawin sa mismong araw na gusto kitang sorpresahin.” Inilapag ko ang paper bag ng cake sa paanan ng kama nila. Nakita ko pang dumikit ang icing sa edge ng bedsheet. “Nagdala ako ng cake. Red velvet. Favorite mo. At saka necktie pang-court hearing mo bukas. Pero hindi mo na kailangan ‘yon. Wala ka nang imaheng kailangang protektahan.” Nakita kong napalunok siya. Yung babae, hindi man lang nag-sorry. Tumalikod lang habang kinukuha ang damit sa sahig. “Bakit?” tanong ko, halos pabulong. “Kulang ba ako? Wala ba akong ipinakitang pagmamahal sa ‘yo?” Hindi siya sumagot. “Ilang taon, Marco? Ilang taon muna akong niloloko?” Napayuko siya. “Two years.” “Two years.” Tumawa ako. Pero hindi masaya. ‘Yong tawa ng isang babaeng hindi na alam kung masisiraan ba ng bait o babagsak na lang sa sahig. “So, ilang beses mong hinalikan ang babaeng ‘yon pagkatapos mong halikan ako? Ilang beses mong sinabing ako lang habang may iba kang hinihila sa kama?” “Camille…” “Ano? Hindi ka pa rin makapag sinungaling nang diretso?” Hindi siya sumagot. Hindi niya ako kayang tingnan sa mata. “Putang ina,” bulong ko. “ I fought for you. Tapos ganito mo ako tinapos?” Hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas, pero tumayo ako ng diretso. Pinunasan ko ang luha sa mata ko. I stepped back. And that was the moment I realized He never loved me. Not the way I loved him. And I was done begging to be chosen. 11:20 P.M. BGC Isang bar na hindi ko alam kung paano ako nakarating. Hindi ako lasenggera. Never akong nagwalwal sa ganitong paraan. Pero ngayong gabi? Wala akong pakialam. Tatlong shots. Hindi pa rin nawawala ang sakit. Masakit pala talaga. Masakit mapagtantong pinili mo ang maling tao, habang buong-buo mong binubuo ang buhay ninyong dalawa. Akala ko noon, ang betrayal ay isang eksena lang sa mga drama. Na OA lang ‘yung mga babaeng umiiyak sa ulan habang may bitbit na maleta. Pero tangina, ako pala yun. Walang ulan. Pero basa pa rin ang mata ko. Naupo ako mag-isa sa sulok ng bar. Tahimik. Hawak ang cellphone pero hindi ko matawagan si Mama. Anong sasabihin ko? “Ma, hindi na matutuloy ang kasal namin ni Carlo dahil nahuli ko siyang may ibang kasama?” No thanks. So instead, uminom ako. Isang shot pa. Hanggang sa hindi ko na alam kung alak pa ba ‘tong iniinom ko o sarili kong luha. At doon ko siya napansin. Isang lalaki sa dulo ng bar. Malamig ang tindig. Parang walang pakialam sa paligid. Suot ang itim na suit na parang sinadya talagang pasikipin para bumakat ang built niyang katawan. Pamilyar ang aura niya. Hindi siya lasing. Hindi siya malungkot. Pero alam mong may binubuhat siyang mabigat. Parang ako, pero mas sosyal. Nasa mukha niya ang salitang “Don’t talk to me unless you want to die.” Pero guess what? Sobrang lasing ko na hindi ko inintindi iyon. “Miss, okay ka lang?” tanong ng bartender. Tumango ako, bagama’t nakapikit ang isang mata ko. “One more. To make it burn.” “Sure ka?” “Hindi. Pero gawin mo pa rin.” At habang binubuhos niya ang alak, biglang may huminto sa gilid ko. Si Mr. Tall-Dark-and-Brooding. Hindi siya ngumiti. Hindi siya umupo agad. Basta tumingin lang siya sa akin na parang binabasa ang kaluluwa ko. “Sigurado ka bang gusto mo yang ginagawa mo?” ‘Yun lang ang sinabi niya. Napailing ako. “Wow. First line mo yan sa mga babae? Pang-therapy session agad?” “Hindi kita nilalandi,” sagot niya. “Nagtatanong lang ako.” “Seryoso ka?” Tumawa ako, mas mapait pa sa shot ng tequila. “May itsura ka naman. Pwede ka namang sumubok ng smooth pick-up line kahit papaano.” “Hindi ako mahilig sa drama. “Oh, great. Ako rin. But here I am, living in one. Tahimik siya sandali. Tinitigan lang ako na parang may sinisilip sa likod ng lahat ng sarcasm ko. “Alam mo,” sabi niya, “minsan, hindi kailangan ng bagong simula. Kailangan mo lang ng isang gabi para itapon lahat ng sakit.” Napakagat ako sa loob ng pisngi ko. Kasi totoo. Mas totoo pa sa lahat ng pinaniniwalaan ko kay Carlo. “Gusto mo akong isama?” tanong ko, diretso. Hindi siya sumagot agad. Pero hindi rin siya umurong. At ang mas malala, hindi ko na rin umatras ang konsensya ko. Wala akong paki. Wala akong pakialam sa sinasabi ng tama at mali. Ang alam ko lang, gusto kong maglaho kahit panandalian lang. Kahit sa yakap ng isang estranghero. At sa buong gabing ‘yon, ni hindi ko tinanong ang pangalan niya. Ni hindi rin siya nagtangkang tanungin ang akin. Kasi sa gabing iyon, wala kaming label. Wala kaming kasaysayan. Wala kaming obligasyon. Estranghero kami sa isa’t isa. Pero pareho kaming durog. Pareho kaming may dalang sugat na hindi kayang tapalan ng sorry o paliwanag. Kinabukasan, 6:45 A.M. Nagising akong mag-isa sa hotel room na hindi ko kilala. Walang iniwang note. Walang pangalan. Wala ring regret, weirdly. Kundi isang buntong-hininga ng matagal ko nang hindi nararamdaman: tahimik. Walang iiyak. Walang sisigaw. Tahimik ang kwarto. Pero sa loob ko? May tahimik ding sigaw. Isang bulong na pilit kong binabalewala: What have I done? Pero wala na. Tapos na. O akala ko lang. Isang buwan pagkatapos Dalawang linya sa pregnancy test ang bumasag ng lahat ng ilusyon kong "one night lang ‘yon." Isa. Dalawa. Positive. At sa tadhana nga namang marunong maglaro, isang hindi inaasahang pangalan ang muling papasok sa buhay ko. Damon Cedric Altamirano. Oo, siya ‘yung lalaki sa bar. Oo, siya rin ‘yung lalaking pagmamay-ari ng building kung saan ako nagtatrabaho. At oo, siya rin ‘yung lalaking sinabihan ako ng, “Kung ayaw mong ituloy ‘to mag-isa, may paraan tayo.” Kasal. Kontrata. Walang emosyon. Walang pag-ibig. Para lang sa bata. But fate? It never listens to rules. Itutuloy...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook